Chapter 20

2.4K 86 3
                                    

Amber







"Sigurado ka bang magiging ok ka lang Hon?" Tanung ulit ni Jade sakin, ilang beses na nya akong tinanung mula pa kaninang pag alis namin sa condo nya.

"I'll be fine Jade, di mo naman kilangan mag worry sakin. Uuwi lang naman ako, wala namang mangyayari saking masama dun." Napasimangot naman sya sa sagot ko.

"Precisely the point, uuwi ka at andun ang mommy mo baka ano na naman gawin nya sayo." Komento nya.

"She's may mom, masakit lang sya magsalita pero di naman nya ako sasaktan." Panunuyo ko sa kanya. Napabuntong hininga naman sya.

"Ok fine, I trust you. Tawagan mo ako kapag may ginawa syang masama sayo ah at di ako magdadalawang isip na ilayo ka sa kanya." Sagot nya saka masuyo akong hinalikan sa noo.

"Opo, ikaw talaga." Sagot ko sabay pisil sa pisngi nya. Hindi na ako nagpahatid sa kanya sa loob nang bahay kahit anong pilit nya dahil ayaw ko na magkita pa sila ni mommy at mauwi na naman sa sagutan. Pareho ko silang mahal at ayokong maipit sa kanila.

Mahal?

Mahal ko na nga ba sya?

Di ko maiwasang mapangiti. Lalo na pag naalala ko yung nangyari kagabi.

"So you're home." Napapitlag ako dahil sa biglang pagsasalita ni mommy.

"Good morning mom." Bati ko sa kanya saka dahan dahang lumapit para humalik sa pisngi nya.

"Where's that rude girl with you last night." Nagpintig man ang tenga sa sinabi nya hinayaan ko na lang. Ayoko nang gulo umagang umaga.

"Her name's Jade and she's in her condo mom, hinatid lang nya ako dito." Malumanay na sabi ko.

"Whatever, I don't like her. Break up with her." Napasighap ako sa walang kakurap kurap na pagsasabi nya na hiwalayan ko si Jade.

"Wh-what did you say?" Maang na tanung ko.

"You heared me Amber, break up with that bitch."

"MOM!" Napataas ang boses ko dahil sa sinabi nya. "That bitch you're talking about is may girlfriend at wala naman syang ginagawang masama sayo have a little respect." Galit na dugtong ko.

"Respect!" Pagalit na hinablot nya ang kaliwang braso ko. Halos mapangiwi ako sa sakit dahil sa higpit nang kapit nya.

"Nung sinagot sagot nya ako kagabi nirespeto ba nya ako?"

"That is because you disrespect me and you say something ill about me. Pinagtanggol lang nya ako mommy!" Di ko mapigilang wag sumagot.

"See!! Nakita mo nang ginawa sayo nang babaeng yun! Sumasagot sagot ka na nagiging bastos ka na rin!" Nagsisigawan na kami ni mommy dito sa may sala.

"Hindi kita binabastos mom, nagpapaliwanag lang po ako." Katwiran ko.

"Whatever Amber, hihiwalayan mo yung babaeng yun." Pagbibigay diin nya.

"How could you say that!"

"Hiwalayan mo sya!"

"No!! I love her!" Sigaw ko na nagpahinto sa kanya.

"What do you know about love?!" Madiing tanung ni mommy.

"I don't know much, but one thing is certain. I know it more than you do." Matigas kong sagot, nakita kong nasaktan si mommy sa sinabi ko.

"You don't know a thing, Amber." Punong puno nang sakit na sabi ni mommy.

"Anong nangyayari dito?" Biglang sulpot ni nana. Para naman akong batang tumakbo papunta sa kanya at yumakap. Umiiyak ako dahil sa sama nang loob.

"Nana Ising alam mo ba ang tungkol sa babaeng yun?" Galit naman akong napalingon kay mommy.

"How many times do I have to tell you her name's Jade! Stop calling her names!" Sigaw ko.

"Teka muna. Ano bang pinag aawayan nyong mag ina?" Naguguluhang tanung ni Nana.

"Yang alaga nyo, nakipag girlfriend Nana." Walang emosyong sabi ni mommy. Napatingin naman sakin si Nana saka ngumiti.

"Aba'y kayo na pala ni Jade, Amber?" Malumanay na tanung ni Nana, nakangiti naman akong tumango. Maang namang napatingin samin si mommy.

"Nana! At talaga namang kununsinti mo pa?" Napatingin naman sa kanya si Nana.

"Amy, nasa tamang gulang na ang anak mo. Alam na nya ang tama at mali at alam na din nya kung ano makapag papasaya sa kanya. Wag mo namang hadlangan ang kaligayahan nang anak mo." Nakikiusap na sabi ni Nana kay mommy. Napalingon naman ako kay mommy nang marinig ko syang napabungtong hininga.

"Ayaw ko lang syang makitang masaktan Nana." Nakayukong sabi ni mommy.

"Amy, hindi lahat nang tao katulad ni Bianca." Nanigas naman si mommy pagkarinig sa sinabi ni Nana. Napakunot noo naman ako nung makitang mapait na napangiti si mom.

"Sino po si Bianca.? Naguguluhang tanung ko. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"She's no one." Sagot ni mommy, si Nana naman ang napabuntong hininga.

"Tingin ko panahon na para malaman nang anak mo ang totoo Amy."

"Anong totoo?"

"Hindi na kailangan Nana, wala naman yung kinalaman sa pinagagawa ko sa kanya." Pagod na sabi ni mommy.

"Pero Amy--"

"Nana please, wag na po natin pag usapan yung tapos na." Inis na sabi ni mommy.

"Ano po bang nangyayari? Ano bang pinag uusapan nyo? Mommy? Nana?" Naguguluhang nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Mag usap kayo nang mommy mo anak." Masuyong ngiti ang binigay sakin ni Nana bago nya kami iwan ni mommy sa sala. Matagal na katahimikan muna ang namayani sa aming dalawa. Walang gustong magsalita, nakatingin lang ako kay mommy na nakatitig lang sa kawalan habang may malalim na iniisip.

"Mommy, sino po si Bianca." Tanung ko maya maya. Napatingin sya sakin, tinitigan nya akong mabuti. Kitang kita ko ang ibat ibang klase nang imosyon na dumaan sa mga mata nya. Lungkot, galit, saya, pangungulila, pagmamahal.

"Mom." Untag ko kay mommy.

"Wala, kalimutan mo na yun. Umakyat ka na sa kwarto mo." Hindi makatinging utos sakin ni mommy.

"Pero mommy--"

"Amber wag matigas ang ulo sundin mo na lang ako pwede." Napahinto naman ako sa galit na nakikita ko sa mga mata ni mommy.

Mapait syang napangiti. Habang hinawakan ang kwintas na locket. Madalas ko syang makitang ginagawa yun noong bata pa ako. Kapag nag iisip sya lagi nyang hinahawakan ang kwintas nya at ni minsan hindi ko pa nakitang hinubad nya yun.

"Sino si Bianca." Tanung ko ulit.

"Don't push it Amber."

"Mommy, sino si Bianca"

Nakita ko ang pagkuyom nang kamao nya sa tanung ko but I have to, kilangan ko nang sagot.

"MOM!!"

"SHE'S MY WIFE!!




















******

A/N

Oh well!

Pabilisin ko na pacing nito . . .

How will u know if ur love is real?


I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon