Amber
Palinga linga ako habang naglalakad ngayon papasok sa campus, mukha tuloy akong tanga sa ginagawa ko. Pero wala eh kelangan baka mamaya makasalubong ko si Jade. Speaking of her, bwisit padin ako sa ginawa nya kahapon kay Mark. Tama ba naman paalisin nya yung tao eh hello! Nagtatanung lang naman yun kung kelan namin uumpisahan yung project namin para sa english lit na subject namin. Akala nya makikipagdate ako porket binigyan ako nang bulaklak. Hindi naman yun para sakin in the first place para yun kay Prof. Castro kasi birthday nya kahapon napabili tuloy ako nang wala sa oras kasi tinapon nya. Baliw na babae.
"Morning Hon" Shit! Speaking of the devil. Nagmadali akong naglakad kunwari hindi ko sya nadinig. Kaso nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla nya akong hatakin at pinasok sa isang classroom na wala pang tao. Dapak!
"Ano ba Jade! Bakit ka ba nanghahatak?" Pagalit na sita ko sa kanya.
"Eh bakit di ka namamansin?" Balik tanung nya.
"Panu kita papansinin eh di naman kita nakita?" Totoo naman kasi, nadinig ko lang sya.
"Panu mo ako makikita di mo naman ako tiningnan nung binati kita?" Ganti nya.
"Panu naman kita titingnan eh di naman kita nadinig?"
"Bakit bingi ka ba?" Seryoso para kaming mga tanga.
"Hindi ako bingi ayoko lang talaga madinig ka!" Sigaw ko sa mukha nya. "Tabi dyan may pasok pa ako" Dugtong ko saka akmang pipihitin ang door knob para makalabas pero ang siste hinatak nya ako ulit saka sinandal sa pintuan. Putek! Ang sakit!
"Aray! Shit! Problema mo ba?" Tanung ko pero natigilan ako dahil titig na titig sya sa mga labi ko. Di ko maiwasang mapalunok sa way nang pagtitig nya. "Ahm! Jade, bitaw na may pasok pa ako eh." Mahinang sabi ko pero parang wala syang nadinig. Nakita ko na lang na unti unting bumababa ang labi nya sa labi ko. Shemay! Hahalikan na naman ba nya ako? Pero bago pa man lumapat ang labi nya huminto sya, yung tipong isang hibla na lang ng buhok ang pagitan nang labi namin. Ang lapit nang mukha nya kandaduling duling na ko sa pagtingin sa kanya.
"Can I kiss you?" Tanung nya pero sa labi ko padin nakatingin.
"Ba-bakit nagpapaalam ka pa di mo naman yan ginagawa dati." Nabulol na tanung ko.
"Para di mo ko sabihang manyak na naman kahit alam kong gustong gusto mo namang mahalikan ko." Nagpintig ang tenga ko sa narinig kaya bigla ko syang tinulak palayo sakin. Siraulong to ako pa talaga yung gustong gusto mahalikan ngayon? Ang sama nang tingin ko sa kanya samantalang sya tawang tawa sa reaksyon ko.
"Ang kapal mo talagang babae ka! Ako talaga huh! Eh ikaw nga yung panay nakaw nang halik sakin!" Inis na sabi ko.
"You should have seen your face hon, ang epic!" Sabi nya habang panay padin ang tawa. Nakahawak na nga sya sa tyan nya kakatawa eh habang nakahawak yung isang kamay nya sa upuan. Bwisit na to pinagtatawanan ako kaya naman para makaganti sinipa ko yung upuan na hawak nya ayon na out of balance ang loko bumagsak sa harapan ko.
"Ouch!" Daing nya. Ayan buti nga sa kanya. It's my turn to laugh.
"Ano masakit ba? Kala mo huh! Buti nga sayo." Sabi ko habang tumatawa. Nakadapa padin sya sa sahig at di pa bumabangon. "Ano dyan ka na lang? Una na ba ako? Mukhang mapamahal ka na sa sahig eh." Kantyaw ko pa. Kaso di na sya sumagot. Maya maya narinig ko na lang ang mahinang singhot. Naalarma ako teka umiiyak ba sya? "Ahm Jade?" Tawag ko sa kanya saka lumuhod sa tabi nya para makita ko mukha nya, pero nakapikit lang sya nang madiin at may butil nang luha na pumatak sa mata nya.
Shit!
Mukhang napuruhan ko sya. Naman! Anong katangahan ba tong ginawa ko nasaktan ko sya.
"Jade, I'm sorry ok ka lang ba? May masakit ba sayo?" Natataranta kong tanung, sinundot ko pa yung braso nya nung di sya sumagot. "Ui Jade"
BINABASA MO ANG
I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)
Romance"Wala akong pakialam kong mahal mo sya. Mamahalin mo ko sa ayaw at sa gusto mo dahil akin ka! At hindi sa kanya!--- Jade "Baliw ka talaga. Hindi mo madidiktahan ang puso. I love her!"--- Amber Biglang sinunggaban ng halik ni Jade si Amber. Mapusok...