Chapter 27

1.6K 70 8
                                    

Jade










"Gusto ko nga po isama si Amber sa family dinner namin mamaya Mrs. Belmonte." Kamot ulong sabi ko sa mommy ni Amber. Ang kulit naman kasi nitong mommy ng girlfriend ko eh kanina ko pa sinasabi paulit ulit naman ang tanung.

"Ang aga aga mong pumunta dito may lahi ka bang chinese?" Bwelta nya habang nakataas ang kilay at nakapamewang.

"Eh ma'am time is gold kaya cherish every moment." Walang ganang sagot ko.

"At ano namang koneksyon ng mga pinagsasabi mo sa pinag uusapan natin?" Hirit uli nya. Napapakamot na lang ako sa batok sa kakulitan nitong mommy ni Amber eh. Tiningnan ko si Nana para humingi ng tulong kaya lang tinatawanan lang naman nya ako, saka sumesenyas na kaya ko na daw to hays! Asan na ba kasi si Amber bakit di pa sya nagigising. "Ano na napipi ka na?"

"What's going on here?" Yun! Saved by my girlfriend.

"Morning hon." Ngiting ngiting bati ko. Tinaasan lang naman nya ako ng kilay

Naku lam ko na kung kanino nagmana

"Jade, anong ginagawa mo dito?" Tanung nya maya maya.

"Sinusundo ka." Masiglang sagot ko.

"Nang ganito kaaga?" Maang na tanung nya.

"Precisely my point." Singit ng mommy nya. "Ano ba naman tong girlfriend mo intsik ba to?" Sasabat na sana ako pero napahinto ako kasi ito ang unang beses na inacknowledge nya ako bilang girlfriend ng anak nya. It makes me happy somehow.

"Jade, mukha kang si joker dyan." Pang aasar ni Nana. Napatingin naman sakin ang dalawa, nginitian ko lang sila.

"Hoy Jade, bakit nga ang aga mo?" Tanung ulit ni Amber.

"Di ba nga sabi ko sayo bago tayo pumunta ng dinner may pagdadalhan muna ako sayo." Paliwanag ko. Napatango tango naman si Amber.

"I see." Sagot nya sabay baling sa mommy nya. "Mom, pwede po ba kami lumabas ni Jade ngayon?" Paalam nya.

"Buti naman at naisipan mo ng magpaalam sakin." Sarcastic na sagot ng mommy nya. Napakamot lang naman sa ulo si Amber.

"Mommy naman panu naman po ako magpapaalam sayo eh lagi ka naman pong wala." Katwiran naman ni Amber na nagpanganga sa mommy nya.

"Burn!" Singit ni Nana. Di naman namin mapigilang mapahalakhak sa komento ni Nana Ising kaya naman ganun na lang ang sama ng tinging ipinukol nya samin lalo na sakin.

"Sorry po nakakatawa po kasi si Nana Ising eh." Baling ko sa mommy ni Amber.

"Sorry mommy" Sabi ni Amber saka ng peace sign sa mommy nya. Nakangusong iiling iling lang naman sya.

"Pambihira ka naman Nana eh." Baling nya kay Nana Ising na tinawanan lang naman ng matanda.

"Aga aga kasi puro kayo diskusyon. Hala tama na yan at magsikain na kayo." Sinunod na lang namin si Nana at nagsiupo na. Inulit uli ni Amber ang pagpapaalam at himalang pumayag agad ang mommy nya pero isang damukal na banta naman ang inabot ko. Hays!

Nagpaalam na din kami agad pagkatapos mag breakfast

"Jade san ba tayo pupunta?" Tanung ni Amber, kasalukuyan kaming nasa kotse ko at bumabyahe. Saglit ko lang syang nilingon bago hinarap ulit ang daan.

"Makikita mo rin hon. Pero sa ngayon daan muna tayong flower shop." Sagot ko, naguguluhan man at alam kong gusto nyang magtanung pero nirespeto nya ang gusto ko at tumango na lang. Ilang minuto lang naman din ang byahe namin bago kami nakarating sa anita's flower shop.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon