Chapter 21

2.4K 74 14
                                    

Jade





"Hon, kain na." Tawag ko kay Amber na hanggang ngayon nakahiga padin. "Breakfast in bed honey, bangon ka na." Paglalambing ko sa kanya.

"5 more minutes Jade." Natawa naman ako sa tawad nya.

"Hindi pwede hon lalamig na yung pagkain." Hinatak ko na yung kumot nya para bumangon na sya. Ang kaso,
"Ouch! Bakit ka nanghahampas?"

"Antok pa ako eh!" Nakasimangot na sagot nya.

"Kapag inaantok manghahampas?" Asar ko sa kanya. Natawa lang naman sya nang mahina saka yumakap sakin. "Pagkatapos ako hampasin, mangyayakap." Komento ko. Sinamaan naman nya ako nang tingin.

"Arte mo! Edi wag!" Sabay tulak sakin, ang sweet nya talaga grabe. Kaya kiniliti ko na lang sya para sumaya. Isang linggo nang nandito sa condo ko si Amber. Isang linggo na mula nang napagbuksan ko sya nang pinto na umiiyak.

"Amber? Anong nangyari bakit ka umiiyak?" Umiling lang sya sabay yakap sakin ang mahigpit.

"Pwede bang dito muna ako Jade?" Nakikiusap ang mga mata nyang nakatingin sakin. Nakita ko namang may dala dala syang isang malaking bag. Niyakap ko sya at pinapasok.

"Kahit forever pa, ok lang."

"Sira. Salamat."

Hanggang ngayon di ko padin alam ang dahilan kung bakit naglayas sya sa kanila. Tinanung ko sya pero di naman sya nagsalita kaya nirespeto ko yun. Hintayin ko na lang na kusa syang mag open up sakin.

"Anong iniisip mo?" Biglang yakap nya sakin.

"You, me, naked under the blanket." Pilyang sabi ko sabay kindat sa kanya.

"Manyak!" Sabi nyang namumula "Manyak ka talagang babae ka!" Natatawa naman ako sa itsura nya.

"Joke lang naman hon, pero kung gusto mo pwede naman nating totohanin." Sabi ko sabay taas baba ng kilay. Ayun! Pinaghahampas ako.














*****

"Kanina pa ring ng ring phone mo, hindi mo ba sasagutin?" Tanung ko kay Amber habang nasa byahe kami.
Tiningnan lang nya tapos pinatay. Laging ganun kapag mommy nya tumatawag.

"See you later." Paalam nya nung huminto na kami saka dumiretso na sa classroom nila.

"Ate!!" Napalingon naman ako boses nang kapatid ko.

"Uy! Babe long time no see ah." Bati ni Ems. Sinamaan ko naman sya nang tingin.

"Pinagsasabi mo. Magkasama lang tayo kahapon." Sagot ko habang sabay sabay kaming naglalakad. Panay naman bati nang mga estudyante samin.

"I mean ngayon ka na lang namin ulit nakasabay maglakad papasok sa room. Lagi kasing si Amber kasabay mo nung mga nakaraang araw." Di ko naman maiwasang mapabuntong hininga kapag naaalala ko si Amber.

"Lalim nun ah. Nakakalunod." Si Mia "Problema?" Dugtong pa nya saka ako inakbayan.

"Ako wala si Amber meron at hindi ko alam panu sya tutulungan."

"Ano ba problema nya?" Si Vera

"Hindi ko alam." Sabi ko sabay upo na sa pwesto namin. Wala naman kaming klaseng lima ngayon kaya dito lang muna sa tambayan.

"Eh panu mo nalaman na may problema sya kung di mo naman pala alam kung ano?" Naguguluhang tanung ng kambal ko.

"Eh syempre araw araw ko syang nakikitang tulala, nag aalala ako." Sagot ko.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon