Jade
"Hi" masiglang bati ni Trish nung nakalapit sya samin. Kunot noong nakatingin lang naman sa kanya si Amber.
"What are you doing here Trish?" Takang tanung ko. Ngumiti naman sya sakin.
"I'm in vacation with my friends, didn't know na makikita ko kayo dito." Mahinahon nyang sagot na ikinataas nang kilay ni Amber.
"Bait mo ah, di mo bagay." Pasaring ni Amber. Nilingon naman sya ni Trish saka ngumiti.
"Alam ko galit ka sakin sa nagawa ko pero hindi ako nagpunta dito para manggulo gusto ko lang talagang magbakasyon. Hindi ko naman alam na nandito din pala kayo." Tinitigan ko si Trish, ito yung babaeng kilala ko noon kaya napangiti ako.
"Ayos lang yun, nagkataon lang siguro." Nakangiti kong sagot na ikinataas nang kilay ni Amber at ngumiti naman si Trish.
"Sige papano mauna na ako ah, hinihintay na ako nang mga kasama ko." Masigla nyang tugon, saka kumaway bago umalis.
"Talagang sa harapan ko pa ah." Napabaling naman ang tingin ko kay Amber sa sinabi nya.
"Anong ibig mong sabihin hon?" Takang tanung ko.
"Anong ibig kong sabihin? Halos mapunit na yang mukha mo kakangiti sa babaeng yun. Masaya ka ba na nakita mo sya?" Malamig na tugon nya na ikinataka ko.
"Hon, wala namang masamang ginawa yung tao. Bumati lang naman hindi naman nya tayo ginulo." Sagot ko.
"Talaga ba Jade? Ni hindi mo makita yung pekeng bait baitan nang babaeng yun?" Sagot nya "At talagang naniwala ka na hindi sinadya na nandito din sya? For all I know sinundan ka lang nya dito eh." Dugtong nya sabay alis. Nagugulahan man hinabol ko si Amber.
"Hon, I don't think it's fair na hinusgahan natin yung tao. Panu kong nagkataon lang talaga saka wala naman syang ginagawa eh." Habol ko sabay hawak sa braso nya.
"Wala pa, panu kong may gawin, saka diba sinabi ko na sayo na nakabungguan ko sya sa parking at gusto nyang hiwalayan kita dahil bumalik na sya. Wala lang ba sayo yun?" Sumbat nya.
"Hon, hindi naman ganun yung pagkakakilala ko kay Trish." Mahinahon kong sagot na ikinahinto nya.
"Wow! So ang labas ako pa sinungaling ngayon?" Sabi nya sabay bawi nang braso nya at nagpatuloy sa paglalakad. Napakamot naman ako sa ulo. Hindi naman yung ang ibig kong sabihin. I mean, I know Trish mabuti syang tao. Mabait at maunawain kaya nga minahal ko sya noon. Kaya medyo nahihirapan din akong paniwalaan yung sinasabi nilang ibang personalidad nya.
"Hon wait!" Habol ko kay Amber pero tuloy tuloy lang sya sa paglalakad.
"Uy ano yan LQ?" Napalingon ako kay Ems, nakatingin sya sa aming dalawa. Si Amber naman kasama na sila Sandra at Vera.
"Hindi naman." Sagot ko kay Ems habang nakatingin kay Amber. Parang wala lang namang nangyari na nakikipagkulitan sya sa kanila.
"Nakita kong parang wala sa mood si Amber, anong problema?" Talas talaga ng mata ng babaeng to. Napahawak naman ako sa batok, pinag iisipan kong sasabihin ko ba yung misunderstanding namin.
"Ate nakita ko si Trish, andito din sya." Hindi pa man ako nakakapag desisyon eh bigla nang sumulpot ang kakambal ko. Nag aalalang nakatingin sakin.
"Oh, I get it. Kaya pala wala sa mood si Amber." Singit ni Ems.
"Nagkita kayo ate? Ginulo ba kayo nang babaeng yun?" Tanung ni Jace. Umiling naman ako.
"Hindi, hindi naman kami ginulo. Bumati lang sya kanina." Buntong hiningang sagot ko.
BINABASA MO ANG
I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)
Romance"Wala akong pakialam kong mahal mo sya. Mamahalin mo ko sa ayaw at sa gusto mo dahil akin ka! At hindi sa kanya!--- Jade "Baliw ka talaga. Hindi mo madidiktahan ang puso. I love her!"--- Amber Biglang sinunggaban ng halik ni Jade si Amber. Mapusok...