Chapter 3

4.7K 229 27
                                    

Amber




I'm walking towards Jade's place. I mean private place nya dito sa campus. Meron kasi syang sariling lungga este parang bahay ba dito, sa pinaka tagong lugar sa dulo ng campus. Diba! Sa dulo talaga, yung tipong walang ibang kasama sya lang talaga. Malayo pa, kaya tuloy ang layo layo na ng nilalakad ko. Taong bundok yata yung babaeng yun. Ayaw sa kabihasnan, tsk!

Ayaw ko naman sanang pumunta dito. Malay ko ba naman dito noh! Wala pa kayang nakakapunta ditong ibang studyante, maliban na lang siguro sa mga kaibigan nya. Kaso kelangan, pinapapunta kasi ako ng mahal na reyna, tsk!

Meet me at my place, now! Don't keep me waiting.

Basa ko ulit dun sa sulat nyang iniwan sa upuan ko. Napaka bossy talaga. Kaya pala kanina pagpasok ko ng room tahimik ang lahat. Usually kasi, for the past 2 weeks kapag pumapasok ako may nakahanda ng surpresa para sakin ang lahat pero kanina wala, kaya pala!

"Wow! Ang cute" Buong paghangang sabi ko. Ang cute pala ng lungga ng isang yun. I can see a bungalow house na color blue.

Eeehhh!

Ang cute.

Blue.

Haha! Wag kayo basta blue, cute, maganda, awesome, fave ko eh bakit ba.

Lumapit na ako at nakipagtitigan sa pinto. Nakipagtitigan din naman ito sakin. Tsk!

Ang totoo di ko alam kung kakatok ba ako o hindi. Not that I'm scared or something, it's just that I really don't know if this is a good idea. Wala naman kasi talaga akong panahong makipaglaro sa kanya o kahit na kanino. It's just happened na nakapagbitaw na ko ng salita sa kanya kahapon, and I've never back down from my words. Not so me, nope.

Iaangat ko na sana ang kamay ko para kumatok nang biglang bumukas ang pinto. And there she stood, the epitome of beauty, the Aphrodite's direct decendant.

Jade.

Ahm, did I just compliment her?

Not good.

And worst she's only wearing a towel.

Sh*t!

Di ko tuloy mapigilang mapatitig sa kanya. Tumutulo pa ang tubig galing sa buhok nya, pababa sa leeg, then sa colar bone, papunta sa-

"Enjoying the view?" Napatingin ako sa muka nya at parang gusto kong maglahong parang bula ng huling huli nya akong nakatingin sa kabuoan nya. How I wish I did'nt drool and make a fool out of myself.

Timikhim ako para matakpan yung pagkapahiya ko, mukang nag uumpisa na sya well hindi naman ako magpapatalo noh. Tinitigan ko muna sya saka ako ngumiti ng parang nang aakit.

"Yeah super, but a piece of advice para naman mas maenjoy ko. The next time you open the door, sana naman yung nakahubad ka na talaga. Sagabal kasi yang towel mo sa gustong tanawin nang mga mata ko." Sabi ko in my most husky voice. Nakita ko naman syang parang natigilan dahil sa sinabi ko.

Kala nya huh! Di nya siguro iniexpect yung reaksyon ko na yun.

Alam ko namang sinadya nyang pagbuksan ako nang pinto na nakatapis lang. May hole kaya yung pinto alam ko sumilip sya dun para masigurong ako yun. Isa pa alam ko namang hinihintay nya talaga ang pagdating ko. Asa naman syang padadaig ako sa panunukso nya. Matibay to tsong! Di nya ko ka-

Fudge!

"What the crap!! Jade!" Namilog ang mata ko nang bigla nyang mabitawan ang towel nya, nahulog tuloy. At ngayon kitang kita ko na ang perpektong hugis ng katawan nya with her undies. I can't help but gulp. Oh boy!

Ang sexy.

Ang hot!

At parang uminit

Chos!

"Opps! Sorry nahulog"

Lame.

Nahulog my ass!

Nakakalokong ngiti ang ibinigay nya sakin habang dahan dahang pinupulot ang tuwalya sa lapag at dahan dahan ding pinupulupot ulit sa katawan nya. At take note, she's looking straight to my eyes while doing it.

Urrgg!!

Parusa!

Bakit kasi ang hot nyang tingnan sa ginagawa nya eh! Di makatarungan. Mukang bumabawi sya, wala tuloy akong magawa kundi sundan ang bawat galaw nya. Bakit ba kasi naisipan kong umpisahan to eh, ay mali sya pala nag umpisa! Ang pervert ko lang tuloy! Kasalanan nya!

"Do you want me Amber?" Seductive na pagkakatanung nya. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong lumunok dahil sa tanung nya. Ano bang sinasabi nya?

"A-ano bang kelangan mo sakin? Bakit mo ko pinapunta dito?" Nabubulol na tanung ko. Gusto ko lang maiba yung usapan dahil hindi ko na nagugustuhan ang reaksyon nang katawan ko pagdating kay Jade. Why all of a sudden naging ganito ang epekto nya sakin. Samantalang kahapon lang gusto ko syang durugin sa asar ko dahil sa ginawa nang mga alipores nya kay Sandra pero ngayon, aminin ko man o hindi, I can feel the tension between us. And this is so not good.

"Bakit mo ba iniiba ang usapan. Answer me do you want me?" Napapitlag ako nang bigla nyang idantay ang kamay nya sa kanang braso ko.

Sh*t!

"Stop Jade! Whatever your game is I'm not interested. Kung wala ka nang ibang sasabihin aalis na ako. May klase pa ako na dapat pagtuunan nang pansin kesa sa mga walang kwenta mong kalokohan." Pinilit kong patatagin ang boses ko kahit ang totoo parang nag jejelly na yung mga tuhod ko. Panu nya nagagawa yun?

"But I want you, don't you want me?" Nang aakit padin tanung nya. Is she for real? Bigla naman syang lumapit sakin kaya napaatras ako, pero kada atras ko lumalapit naman sya hanggang sa napasandal na ko sa pinto.

Dead end.

"Jade stop! Hindi na nakakatuwa to. Pwede bang sabihin mo na lang ang gusto mo nang matapos na to?" Sabi ko habang pasimpleng tumitingin sa paligid naghahanap nang pwedeng lusutan. Palayo sa dyosang to ! Susme tukso layuan mo ko!

"You"

"Your crazy!"

"Maybe"

"Lumayo ka nga!" Pilit ko syang tinutulak palayo sakin, panu one inch na lang ata ang layo ng nguso nya sa nguso ko sus!

"Aminin mo na gusto mo din ako diba?"

"You wish! Di kita type?" Bigla naman nagseryoso ang muka nya sa sinabi ko.

"At sino ang type mo? yung kaibigan mo?" Namilog ang mata ko sa sinabi nya. Panu nya nalaman?

"You're too obvious" Parang nabasa ang isip kong sagot nya.

"Wala kang alam"

"Maybe. Anyway, I want you and you'll be mine, like it or not." Parang wala lang na sabi nya. Napakuyom ang kamao ko sa sinabi nya. Sino sya para sabihin sakin to? She's toying me. I won't allow her.

"You want to play with me, you mean. Look Jade, I'm not in the mood for your games so will you please spare me? I get it ok your just bored and you just want a playmate but I'm sorry I can't be her. I have a lot of things to do and I don't want to deal with a stubborn, self centered, pathetic, Icequeen bitch such as you!" Punong puno ng galit na sabi ko pero bigla rin akong natigilan nang saglit kong nakita ang sakit sa mga mata nya. Saglit lang yun para ngang namalikmata lang ako. But I know what I saw pero hindi ko na din mababawi ang nasabi ko na.

"Whatever. You may go now. See you tomorrow babe" Sabi nya sabay halik sakin. Smack lang yun pero ikinagulat ko padin at ang malala magrereact pa sana ako pero mabilis na nyang nabuksan ang pinto at masuyong itinulak ako palabas.

The f!!!

Jade!!!!!!







*****

11:20

As promise pero sorry late. Late din nakauwi eh. Traffic pa more! Antok pa more.

Short UD
Sorry sa wrong gramming ang spelling haha . Antok na kong tunay.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon