Amber
Ang sakit ng ulo ko ngayon. Ang kulit kasi ni Jade eh hindi ako pinatulog kagabi magdamag tuloy kaming nakatelebabad. Para tuloy akong zombie na naglalakad pababa ng hagdan.
Bwisit na babaeng yun. Parang gusto ko tuloy umabsent!
"Good morning beautiful."
"Ay palaka!" Gulat na bulalas ko.
"Ang ganda ko namang palaka." Nakangising sagot nya. Gulat naman akong napatitig sa kanya.
"Jade? Anong ginagawa mo dito?" Di makapaniwalang tanung ko.
"Sinusundo ang girlfriend ko, masama ba yun?" Nakangiti padin nyang sagot. Tinitigan ko uli sya, bat ganun parang ang fresh nyang tingnan samantalang ako parang zombieng di pa nakakakain ng brain ng isang buwan. Unfair, ang ganda nya.
"Wag mo ko masyado titigan baka mainlove ka sakin lalo." Alaska nya.
Yabang!
Inirapan ko naman sya saka dumeretso na sa kusina. Wala ako sa mood makipagbangayan sa kanya inaantok ako, sumunod lang din naman sya sakin.
"Good morning Nana." Matamlay kong bati saka umupo sa upuan sabay ngudngud ng mukha sa lamesa.
"Magandang umaga din Amber." Bati din ni Nana. "Bakit naman parang puyat ka ata?" Dugtong nyang tanung.
"Panu po kasi may isang taong ayaw akong patulugin kagabi kahit antok na antok na ko." Parinig ko kay Jade saka sya inirapan pero ang loka ngumisi lang saka umupo sa tabi ko.
"Good morning ulit Nana. Pagpasensyahan mo na itong alaga mo at miss na miss ako ayaw ibaba ang tawag kagabi eh kahit anong pilit ko." Pambabaliktad nya.
"Aba't!" Hinampas ko nga binaliktad pa ko ng isang to. Tumatawa lang naman sya habang hinihimas ang braso nyang nahampas ko. Si Nana tumatawa din, edi sila na masaya ako na puyat. Hmp!
"What's going on here?" Sabay sabay naman kaming napalingon sa bukana ng kusina kung saan nakatayo si mommy.
Patay!
"Go-good morning mom." Alanganing bati ko saka tumuwid ng upo sa upuan. Wala namang expression ang mukha ni mommy at hindi sya sakin nakatingin kundi kay Jade. Blanko lang din naman ang mukha ni Jade na nakatingin kay mommy.
Naloko na.
"Ahm mom--"
"What are you doing here?" Malamig na tanung nya kay Jade. Di man lang ako pinansin.
"Susunduin ko lang po ang girlfriend ko Mrs. Belmonte." Magalang na sagot ni Jade.
"Why? May kotse ang anak ko at kaya nyang ipagmaneho ang sarili nya papuntang school, hindi ka nya kailangan." Derederetsong sabi ni mommy na nakapagpasinghap sakin, napatingin naman ako kay Jade.
"I am fully aware of that ma'am but as her girlfriend it is my duty to look after her and ensure her safety. At kasama po doon ang paghatid at sundo sa kanya." Parang wala lang na sagot ni Jade. Napataas naman ang kilay ni mommy sa sinabi ni Jade. Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Ensure her safety huh. Parang mas delikado pa yata sya kung ikaw ang kasama nya." Makahulugang sabi ni mommy.
"Mom!" Di makapaniwalang bulalas ko. Kelangan ba talagang sabihin yun?
"Rest assured na wala po akong gagawin na makakapanakit kay Amber. She is my princess and she should be treated as such. I highly respect your daughter ma'am and I wouldn't do things that would disrespect her as a woman." Buong tapang na sagot ni Jade. Parang may humaplos naman sa puso ko nung marinig ko ang sagot nya di tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko. Buti na lang talaga di nakatingin sa akin si Jade kundi makikita nya ang pamumula ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)
Romansa"Wala akong pakialam kong mahal mo sya. Mamahalin mo ko sa ayaw at sa gusto mo dahil akin ka! At hindi sa kanya!--- Jade "Baliw ka talaga. Hindi mo madidiktahan ang puso. I love her!"--- Amber Biglang sinunggaban ng halik ni Jade si Amber. Mapusok...