Chapter 32

2.2K 48 28
                                    

Jade







"Yehey! We're going to the beach!" My twin said excitedly, that makes Ems and Vera groan in annoyance and I completely understand them.

"Tell me again why I agreed to go this early?" Himutok ni Ems. Yep it's still so early. Imbes kasi na friday afternoon after class kami aalis eh ngayon na lang sabado dahil sa responsibilities namin as student council officers. Oh well!

"It's 4am for crying out loud. Dapat tulog pa ako ganitong oras eh." Reklamo din ni Vera.

"Duh! Guys, mas maaga mas better so get your lazy butts inside the van so we can go." Rebut ng kapatid ko. Napatingin naman ako kay Amber nung nakita kong humikab sya, sinundo kasi namin sila ni Sandra sa kanila.

"You okay hon?" Tanung ko. Tipid naman syang tumango habang nagkukusot nang mata.

I was the one driving dahil wala akong aasahan sa mga kasama ko. Ayun at puro mga tulog. Si Mia na mukhang zombie at ang kambal ko na parang nakakain ng isang daang tsokolate na lang ang gising. Si Vera at Sandra naman tulog na tulog. Nakasandal sa balikat ni Vera si Sandra hmm. Si Ems, ayun humihilik tsk! Napasulyap naman ako dito sa katabi ko. Tulog din sya pero nakaharap sakin. Hay mga to kung alam ko lang na tutulugan nila ako sana di na lang ako pumayag na umalis ng ganito kaaga.

"Eyes on the road." Napasulyap ako sa rearview mirror nung nagsalita si Mia.

"Don't worry makakarating kayo dun in one piece." Pang aalaska ko. Ngumisi lang naman sya saka umiling iling.

Tanging si Jace lang ang maingay sa loob ng sasakyan pero maya maya'y isa isa nading nagsigising ang mga kasama ko. At para ng riot sa loob ng van sa sobrang ingay nila pati tuloy si Amber nagising. Puro lang kami kulitan habang nasa byahe hanggang nakarating din kami sa destinasyon namin. Ang private beach resort nila Ems sa pangasinan.

"Yohoo!!!" Sabay sabay na sigaw nang lahat nung matanaw na namin ang dagat. Kanya kanyang bitbit nadin ng gamit ang mga kasama ko papasok sa loob ng villa nila Ems.

"Hey!" Pukaw ko sa atensyon ni Amber pagkatapos kong maibaba ang mga gamit namin, sabay yakap sa likuran nya. Nakatingin lang kasi sya sa dagat na may munting ngiti sa labi. "Anong iniisip mo?" Tanung ko habang hinahalik halikan ang buhok nya.

"Hmm wala naman. Ang peaceful lang kasi ng dagat masarap pagmasdan." Sagot nya habang sumandal sa akin.

"Hey best! Jade! Tara na." Sigaw ni Sandra habang kinakawayan kami. Kumalas na ako sa pagkakayakap kay Amber saka sabay na kaming pumasok sa loob bitbit ang mga gamit namin.

"Grabe kapagod." Sabi ni Ems habang nakahilata sa sofa.

"Panu ka naman napagod eh tulog ka lang naman buong byahe?" Pang aasar ni Jace.

"Buong byahe talaga? Baka nakakalimutan mong magkausap tayo kanina." Bangayan nila Ems at Jace ang naabutan namin pagpasok. Itong dalawang to hindi na natigil kanina pa sila sa van. Hinayaan na lang namin at dumeretso na sa kwarto namin. Nilapag ko ang mga gamit at si Amber naman ay hinawi ang kurtina. Kitang kita tuloy namin ang ganda ng dagat mula rito.

"Jade, ang ganda." Manghang sabi nya. Hilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi.

"Mas maganda ka." Sabi ko na ikinapula ng pisngi nya.

"Hmp! Dami mo alam." Sagot nya na ikinangiti ko. Pagkatapos ng sandaling pagmamasid, magkatulong na naming inayos ang mga gamit namin. Bumaba nadin kami at pinakilala sa amin ni Ems si Nanay Maria na syang namamahala sa villa nila, actually kina Amber at Sandra lang pala since kilala naman na namin sya. Pinagluto kami ni Nanay Maria ng pananghalian na super sarap. Namiss din namin luto nya.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon