"Jade please nasasaktan ako" Halos pagmamakaawa ni Amber dahil hirap na sya sa higpit ng hawak ni Jade sa braso nya. Pero parang walang narinig ang dalaga at patuloy parin sa pagkaladkad sa kanya kung saan.
"Jade saan ba-" Naputol ang anumang sasabihin sana ni Amber nang biglang huminto si Jade at titigan sya nito nang matalim.
Napalunok na lang si Amber at hinayaan na lang si Jade sa gusto nito. After all, wala na din naman syang magagawa dahil kahit anong pagpupumiglas pa ang gawin nya ay sobrang higpit ng hawak nito sa kanya. Mamumula lang lalo yung braso nya kapag pinilit pa nya. Isa pa mukhang masama talaga ang timpla nito.
Pagod na pagod na si Amber dahil kanina pa sya kinakaladkad. Dagdagan pang naka heels sya, aba sino ba namang di mapapagod. Nang maramdaman nyang huminto na pala sila pero mahigpit padin ng kapit nito sa kanya at napakadilim ng itsura nito.
"Jade" Tawag ni Amber dito at halos himatayin sya sa paraan ng pagtitig nito.
Jade looks like a strong predator who are ready to devour her any moment now.
But what Amber didn't get at this moment is that, she never felt nervous kahit ang talim na nang mga titig nito sa kanya. In fact she felt like she is blushing, hard!
Like what the crap!
At nagawa pa talaga nyang mag blush despite sa galit na nakikita nya sa mga mata nito. Halos balian na nga sya nang buto sa higpit nang hawak tsk!
"The next time you disobey me, you'll regret it. I'll make sure of that" Halos bumagsak si Amber sa panginginig nang tuhod nya buti na lang at nakapulupot ang kanang braso ni Jade sa bewang nya. Panu ba naman nakakapanindig balahibo ang ginawang pagbulong nito sa tenga nya.
Matalim padin ang mga titig nito pero ewan ba nya kung bakit pero kinikilig talaga sya yayks! Feeling nya kasi pinagdadamot sya nito na ewan! And she can't help but smile, na ikinakunot nang noo nung isa.
"What's so funny?" Imbes na matakot nakyutan pa si Amber sa inaasal ni Jade kaya di nya napigilang pang gigilan ang pisngi nito.
"Ang cute mo kasi magalit, selosa" Nakasmile na sagot ni Amber habang pisil pisil padin ang pisngi ni Jade.
Napatitig naman si Jade sa kanya. No one, as in not even a single soul called her cute when she's mad. Ruthless, Ice queen yan madalas na sinasabi sa kanya. Madalas syang kinakatakutan, iniilagan, iniiwasan, and the people around her know better than to pissed her off.
Pero si Amber tinawag syang cute?
Ibang klase!
Ngayon pa lang sya naka encounter nang taong di takot sa kanya. The very first girl who called her "cute" kahit umuusok na ang ilong nya sa galit.
"I'm gorgeous, not cute" Napatawa naman si Amber sa sinabi nya.
"And I love you too sweetheart" Sabi ni Amber bago sakupin ang labi ni Jade.
******
Naglikot utak brain ko kaya ito resulta. Try lang baka pwede naman
#loves
BINABASA MO ANG
I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)
Romansa"Wala akong pakialam kong mahal mo sya. Mamahalin mo ko sa ayaw at sa gusto mo dahil akin ka! At hindi sa kanya!--- Jade "Baliw ka talaga. Hindi mo madidiktahan ang puso. I love her!"--- Amber Biglang sinunggaban ng halik ni Jade si Amber. Mapusok...