11

3.2K 92 31
                                        

Hope's POV:

Kaming dalawa ni Lexie ang naiwan dito sa hospital para bantayan si Gem na hanggang ngayon ay natutulog pa. Pinauwi na muna namin sila Tita Lana at Tito Dave though hindi pa namin talagang natatanggap ang nalaman namin kay Ate Chesca ay nanatili kaming tahimik. Yung mga pinsan naman namin na lalaki ay sumamang umuwi upang ikuha kami ng damit na pamalit, si Tito Bronze? Di ko alam kung saan sya nagpunta, bigla nalang din kasing nawala.

Kanina pa namin pinag-uusapan yung tungkol sa nalaman namin. Alam namin na walang makakarinig sa amin bukod kay Gem na hanggang ngayon ay natutulog.

Iniisip talaga namin ang mga nalaman namin, ang hirap ipasok sa isip nung mga nangyayari. Pano pag nalaman ni Gem? Ano magiging reaksyon nya? Paano na sya? Kakayanin ba nya? Haaaaay!

Napabuntong hininga ako at napatingin kay Gem na nakahiga sa kama. Napatayo ako ng makita kong gumalaw ang daliri nya, nagulat si Lexie sa aksyon ko pero sumunod din naman ng lumapit ako kay Gem. Nakatingin lang kami sa kanya habang sya parang hirap na hirap na ibinubukas ang mga mata nya.

Nang tuluyan syang makadilat ay tiningnan nya lang kami, iniikot nya ang mata nya at nangunot ang noo nya.

         "Why am I here?" Mahina pero maririnig naman ang boses nya. Medyo garalgal pa ito.

          "Tatawag akong Doctor." Sabi ni Lexie at tumalikod na, di pa sya nakakalapit sa pinto ay bumukas na 'to.

Sumalubong sa amin si Tito Bronze na may pagtataka sa mata, bahagya naman syang nagulat ng mapatingin sa gawi ni Gem. Sakto naman at kasama nya ang Doctor na naka assign kay Gem.

Mabilis na lumapit ang Doctor at chineck si Gem. May inereseta syang gamot na dapat inumin mamaya pagka kain. Pagkalabas ng Doctor ay napalingon kaming tatlo kay Gem.

         "Bakit nandito ako? Ayoko dito." Sabi nito na medyo nanghihina pa.

         "Gem, you collapse. Kinailangan ka namin dalhin dito dahil nawalan ka ng malay ng makakita ka ng dugo." Paliwanag ni Tito Bronze na ikinailing ni Gem.

         "Normal na sa akin yun. My head aches everytime I saw blood so gusto ko ng lumabas." Mahinahon at nakayukong sagot ni Gem, parang iniisip nya ang nangyari kanina.

         "Hindi pwede Gem. Kailangan kang bantayan ng mga Doctor. They need to check on you every hour. " Paliwanag ni Tito Bronze. Nagkatinginan nalang kami ni Lexie at nagkibit balikat.

Gem finally look straight at Tito Bronze eyes.

          "Wala akong sakit. I am normal, so please. I want to go home." Alam kong konting-konti nalang ay magwawala na sya.

           "Gem, listen carefully. Hindi ka pa pwedeng umuwi kasi -- "

           "Tito please." Putol ni Gem kay Tito Bronze. "Lalong sumasakit ang ulo ko dito. At pag nagtagal pa ako dito baka di ko kayanin at mawalan ulit ako ng malay. Please." Nilingon naman nya kami ni Lexie. "Call my parents and tell them that I want to go home." Sabi nya at tinalikuran kaming tatlo.

Nilingon naman si Tito Bronze na malakas na napabuntong hininga. Tiningnan namin sya ng nagtatanong tapos tinanguan nya kami kaya lumabas kami ni Lexie to call Tita Lana and Tito Dave.

. . . . . . . . . . . .

Gem's POV:

Sinalubong ako ng mga nakabukang kamay ni Lola Cha habang nakaupo sa wheel chair nya. Tuluyan akong bumaba sa kotse na sakay namin at mabilis na lumakad kay Lola Cha at yumakap.

Ramdam ko ang init ng yakap nya, hinalikan nya ang ulo ko at hinagod-hagod ang likod ko. Napangiti naman ako sa ginawa nya, inilayo nya ako ng bahagya sa kanya at ikinulong ang mukha ko sa mga kamay nya. I smile, a true one. Nginitian nya ako pero nakikita ko pa din sa mga mata nya ang pag aalala.

          "Kamusta naman ang paborito kong apo?" Tanong nya kaya naman napangiti ako.

Hinawakan ko ang kamay nya na nasa pisngi ko at tiningnan sya sa mata pero bago pa ako makasagot ay sumingit na si Kuya Josh sa usapan.

           "Baka magtampo na kami nyan Lola." Sabi nya kaya napalingon ako sa pinanggalingan ng boses just to see my cousins with Tito Bronze standing near us.

Natawa naman si Lola Cha.

           "Ikaw talaga Joshua. Naku kang bata! Isa kang malaking sakit sa ulo." Sabi pa ni Lola kaya nanlaki ang mata ni Kuya Josh at humawak sa dibdib nya na pakunwari ay nasaktan.

             "Ang sakit La. Masakit!" Kunwari pa syang nagpunas na luha habang natatawa naman ang nga kasama nya.

              "Apo? Ano na nararamdaman mo?" Galing kay Kuya Josh ay nahagip ng tingin ko si Tito Bronze na magkadikit ang bibig habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at hinarap si Lola.

              "Medyo okay na po La." Ngumiti ako at balak na sanang dugtungan ang salita ko ng may mag salita sa likod ko.

             "Gem's need to rest Ma. The doctor said she needs to rest for a week." Tumabi sya kay Lola na nakangiti sa kanya at hinawakan ang kamay nito. "Paakyatin na po natin sya sa kwarto nya."

Tumango-tango naman si Lola kat Tito Bronze bago nag salita.

              "Kaya mo na ba anak? Tawagan mo kami pag may masakit aa? Kailangan na kasi namin bumalik sa opisina to meet our client." Paliwanag ni Daddy kaya naman nilapitan ko sila ni Mommy.

Dad hugged me and Mom. He kissed my temple while my Mom kissed my cheeks.

           "Don't make us worried again, alright? You need to be careful this time." Paalala pa ni Dad sa akin kaya bahagya akong natawa.

            "I'm sorry for that Dad, Mom." Napayuko pa ako sa kanila. "I promised to be more careful this time. I will do my best not to stress you both again." Paliwanag ko pa sa kanila.

Mom held my chin high. She smiled at me.

           "Sweetheart you're our stress reliever. Always remember that." Napangiti naman ako. "And always remember that we love you so much."  Sabi pa nya kaya napatango ako at yinakap sya.

           "Kayo na bahala kay Gem a. Ingatan nyo muna hangga't wala kami." Sabi ni Dad sa mga pinsan ko that makes us awkward.

            "Mag bati-bati na kayo." Natatawang sabi ni Mommy bago humalik sa pisngi ko as same as Dad.

Tuluyan ng umalis sila Mom kaya naman tiningnan ko sila saglit. Wala na din pala si Lola siguro ay oras na ng inom ng gamot nya. I cleared my throat and look at them.

          "Magpapahinga na ako. Salamat sa pag aalala." Simple kong sabi at tinalikuran na sila.

Balak kong lagpasan si Tito Bronze na nakaharang sa daan at nakatingin ng seryoso pero bago pa ako makalagpas ay hinawakan na ako ni Tito Bronze kaya nilingon ko sya ng nagtataka.

            "Tito? I want to rest." Napaigting panga naman sya sa di ko alam na dahilan.

             "I told you to stop calling me Tito pag tayo-tayo lang." Madiin nyang bulong sa akin. "Makipag ayos ka sa kanila, walang papasok ng bahay ng di 'to maayos. Pakinggan mo sila."

Nagtataka ako sa inaakto nya. Tiningnan ko sya at sumulyap sa mga pinsan ko.

             "Tit--aray!" Bulong ko ng dumiin ang hawak nya na bahagyang lumuwag nung dumaing ako.

            "I am warning you Gem. Call me Tito pag wala ang mga kapatid ko at si Mama, hahalikan kita kahit sino makakita." Seryoso nyang sabi na nakapag pagulat sa akin.

Alam kong namumutla ako. Ohmygosh! Waaaaah. No! No! No! Susundin ko na sya. That would be an issue if ever. 😭😭

. . . . . . . . . . . .

Ayaaaaan na. 😂😂 Sorry for the late update. ✌ #NoBrain #ParkBoGum

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon