James POV:
Nakatitig lang ako kay Gem na tulala habang umiinom ng alak. Kita ko ang pagpikit nya ng iisang lagok ang alak na laman ng baso. Nandito kami ngayon sa isang tagong bar sa Quezon City.
Naaawa ako sa itsura nya. Ang mga namumugto nyang mata. Ang luha na patuloy at walang hintong umaagos sa mga mata nya. Ang mukha na kita ang sakit at lungkot.
"Babe tama na." Pigil ko sa kanya ng makitang iinumin nanaman nya nag panibagong bago ng alak na nasa harap nya.
Napabuntong hininga ako at napakamot sa ulo ng iiwas nya ito ng akmang aabutin ko at walang emosyon na tinungga.
"Babe, dalawang Linggo ka nang ganito. Baka hinahanap ka na din sa inyo halos hindi ka na umuwi." Paliwanag ko na ikinalingon nya, ang mga mata nya ay pumupungay na dahil sa kalasingan.
Totoo ang sinasabi ko. 2 weeks ago ng tawagan nya ako to fetch her sa isang terminal sa Zambales. Nagulat ako sa itsura nya that time, she looks devastated, tahimik kaming bumyahe until we reach her hiding place. Isang tagong condo near Marikina na sobrang layo sa condo ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko nun, she keeps on crying and crying na hindi ko alam pano sya patatahanin. Cried, get drunk and sleep. Yan lang ang routine nya sa loob ng dalawang Linggo. I cancelled my flight dahil hindi ko sya maiiwan sa ganitong kalagayan but kailangan ko din umalis tomorrow evening at wala ako dito sa birthday nya.
Nalulungkot man ako na aalis ako na ganito ang kalagayan ng bestfriend ko pero kailangan na. Sinabi ko naman sa kanya and she agreed to that.
"I am easy to fool James! I always get being fooled at the end of the day and that is f*cking hurt." Ramdam ko ang sakit at diin ng bawat salita nya. Muli ay tinungga nya ang alak na hindi na maubos-ubos.
"Babe, trusting them is your choice but breaking your trust is their choice. But still you need to know the whole story before concluding anything." Sabi ko at pasimpleng sinenyasan ang waiter na wag ng magdadala ng alak dahil nadukdok na si Gem.
"Galing na sa bibig nya and all the things he said breaks me into pieces." Parang gripo nanaman ang luha nya kaya naaawa ko syang tinitingnan. "Ang tanga ko kasi." Bahagyang syang tumawa pero yung tawa na alam mong hindi totoo. Na alam mong nasasaktan sya. "I fell inlove with the most dangerous man I know. I f*cking fell inlove with my Tito." Seryoso nyang sabi at umiling-iling.
Nag iisip ako ng paraan kung paano sya matutulungan gayong aalis na ako bukas.
"Come with me Babe. You, forget everything and continue living your life without him." Seryoso kong sabi sa kanya.
Nagulat naman ako ng iangat nya ang ulo nya at mabilis na umiling. Pinahid nya ang luha sa mukha nya.
"I can't kasi kahit gaano kasakit. Kahit hindi pwede. Kung kinakailangang ipilit, gagawin ko. Kasi mahal ko sya, mahal na mahal ko sya!" Paliwanag nya.
"Love is really powerful." Wala sa sarili kong sabi kaya malungkot syang ngumiti sa akin bago tuluyan bumagsak sa table at nakatulog.
She really love Bronze and I'll do anything to see her happy again. Ayokong nakikita ang bestfriend ko sa ganitong kalagayan dahil kahit loka-loka yan, sya lang ang pamilya na itinututing ko.
Nagbaba ako ng bill sa table bago alalayan si Gem palabas ng bar at iniuwi sa condo ko.
. . . . . . . . . . . .
Gem's POV:
Nagising ako dahil sa sakit at parang minamartilyo ang ulo ko. Nalasing nanaman ako kagabi, pano naman ang gagawin ko? I want to forget kahit sandali lang. Gusto mawala lahat ng sakit na dinadala ko pero hindi kayang tanggalin ng alak ang lahat.
Masasakit ang mga mata at hirap na hirap akobf idilat ang mga ito. Namumugto naman ang mga mata ko at walang akong magawa dahil tuwing maaalala ko ang lahat ay tumutulo kusa ang luha sa mga mata ko.
Alam ko kasi na kahit sakit-sakit at sobra nya akong dinurog. Niloko man nya ako, alam ko sa huli sya pa din ang hahanapin ko. Alam ko na isang hingi nya lang ng tawad ay handa akong kalimutan ang lahat.
Tanga nga siguro ako kasi handa akong pakinggan sya. Handa akong patawarin sya at kahit niloko nya ako, mahal ko pa din sya. May nararamdaman akong iba, parang may itinatago sya. Hindi ko alam kung totoo yun o iniisip ko lang yun para kumbinsihin ang sarili ko na baka talaga mahal nya ako.
Nangunot ang mga noo ko ng hindi pamilyar na kwarto ang sumalubong sa akin. Ano ba nangyari kagabi? D*mn it Gem!
May nakita ako isang maliit na note sa tabi ng isang basong tubig at gamot, kinakabahan man at nanginginig ay inabot ko ito. Napahuntong hininga naman ako sa nabasa ko.
Babe,
I know na magigising ka with your headaches and I prepare this for you to lessen the pain. Babe, hindi na ako nagpaalam sayo because I just can't disturb your peaceful sleep. Napaaga kasi ang flight ko, the time na gumising ka ay baka nakasakay na ako sa airplane. Sorry if I was not able to say goodbye but I did something that will bring your smile back. Just locked my condo if you'll go out. Hindi na ako makakabili nyan ha? Smile ka na babe. Advance happy birthday and I'll try my best to come back, soon. Take care babe.
Your gorgeous bestfriend,
James.Napapailing akong bumangon kahit iniinda ko pa ang sakit ng ulo ko. Alas dos na pala ng hapon, I washed a little bago tuluyan lumabas ng condo nya. I'll make sure na nakalocked mabuti bago tuluyan umalis at umuwi sa mansion.
I will jist endure the pain sa pagpapakita ko sa kanila. Pero tama na ang dalawang Linggo na pagpapahirap sa kanila at paghihirap ko.
Kung hindi nya ako gusto at iba na ang mahal nya okay lang. Maybe sapat naman ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya upang kaharapin at labanan ang sino man na hahadlang.
I live my life trying to be as good as anyone wants me to be but it's time to let them see the evil side of me.
. . . . . . . . . . . . . .
Aaaaaaano ne? Hahahaha 😂😂 Bati-bati tayo. -😘 #NoBrain

BINABASA MO ANG
Lips of an Angel ✔
Romance"They say loving you will be the death of me but I don't care about their opinion. At least I will die fighting for you and not because I am not with you" - Bronze Axel Smith