34

2.7K 72 7
                                        

Gem's POV:

Wala ni isang nakaparadang sasakyan. Walang mga nag lilibot na mga maids at sinalubong ako ng nanlalaking mata ng isang guard sa gate ng mansion.

Yumuko sya bilang pag galang, alam ko na gusto nyang magtanong pero dire-diretso lang ako. Nagtataka man ay hindi ko na pinansin ang pagbabago sa paligid.

Pumasok ako ng mansion at halos mailaglag naman ni Manang Nanay ang dala nya g makita ako. Mabilis syang lumapit sa akin at yumakap ng napaka higpit. Her love always makes me calm.

         "Jusko po ija! Pinag - alala mo kami, saan ka ba nagpunta?!" Histerikal na sabi nya habang nakatitig sa akin at wala akong balak sagutin ang tanong nya.

           "Nagkagulo ang mga Smith ng mawala ka. Lahat ng eroplano at barko at pinigilan sumahimpapawid at maglayag nung araw na mawala ka. Jusko kang bata ka!" Alam kong pinag alala ko sila ang I want to say sorry for that.

            "Sorry Nay." Bulong ko kaya tinitigan nya ako ng medyo matagal bago ako nginitian. Kita ko ang relief sa mata nya.

              "Wag nang uulit ha? Baka atakihin na ang Manang Nanay." Mahinahon nyang sabi kaya tumango ako. "Ako na ang nagpalaki sa inyong magpipinsan kaya kahit sino man ang mawala sa inyo ay kinakabahan ako." Yinakap ko sya pabalik.

           "O sya maupo ka muna dyan at ipaghahanda kita ng meryenda." Tumango nalang ako at naupo sa sofa.

Nakaharap ako sa tv kung saan nakikita ko ang sarili ko dahil hindi ito nakasindi kaya nag mistulan itong salamin.

Gusto kong itanong kay Manang Nanay kung nasaan ang lahat pero nahihiya ako kasi kung hindi ako umarte baka nandito sila ngayon. Haaay naku!

Ilang minuto lang ay naglapag na si Manang Nanay ng isang slice ng cake at juice sa harap ko bago naupo sa gawing kanan kong sofa.

           "Thanks pp Nay." Nakangiting sabi ko at kita ko ang bahagyang pag tango nya habang sinusuri ako.

             "Ano ba nangyari ija?" Nilingon ko naman sya habamg ngumunguya. Inilunok ko naman kaagad ang cake na nasa bibig ko.

             "Masyadong komplikado Nay." Maingat na sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya bago kumain ulit.

             "Sabihin mo sa akin Nak at baka makatulong ako." Iniikot ko ang tingin ko sa kabuuan ng bahay dahil baka may nakakarinig sa amin, napansin naman nya ang ikinilos ko. "Tayong dalawa lang ang nandito ija." Sabi nya sa akin kaya itinulak ko palayo ang platito sa akin bago uminom ng juice.

            "Nagmahal ako Nay." Malungkot kong sabi kaya napatango sya. "Nagmahal po ako sa taong hindi ko dapat minamahal." Kita ko naman ang pagkunot ng noo nya.

             "Gem ija, lahat ng tao ay kamahal-mahal. Lahat ng tao ay dapat minamahal. Kaya walang mali sa nararamdaman mo." Sabi naman nya ng seryoso sa akin.

            "Hindi po Nay. Ang ibig ko pong sabihin ay maling tao ang minahal ko." Napapayukong sabi ko at nahihiya ako dahil kahit alam kong mali sa simula pa lang, ipinagpatuloy ko pa.

          "Anak, hindi naman kasi namimili ng mamahalin ang puso." Tumayo sya at lumipat sa tabi ko.

Kinuha nya ang kamay ko at itinapat yon sa dibdib ko na napakalakas ng kabog sa oras na 'to. Ito ang unang beses, unang beses na magkekwento ako tungkol sa nararamdaman ko.

             "Napaka makapangyarihan ng pagmamahal. Darating yan sa oras na hindi mo inaasahan. Sa taong hindi mo aakalain na mamahalin mo. Pero ija kaya ka binibigyan ng pag subok ng Panginoon sa pagmamahal mo kasi alam nyang kaya mo. Kaya mong lagpasan ang sakit na kaakibat nito." Napapatango naman ako kay Manang Nanay. "Wag mong isusuko ang pagmamahal mo anak, ipaglaban mo dahil may dahilan kung bakit sa ang ibinigay sayo." Tinatamaan ako sa sinabi ni Manang Nanay.

             "Nay iniwan ko na po sya. Hindi ko po sya ipinaglaban." Tumulo nanaman ang mga luha ko na hindi na naubos-ubos at laging may imbak na tubig ang mga mata ko.

              "Hindi kasi dapat nag dedesisyon habang galit ka dahil pag nahimasmasan ka na ay pag sisihan mo na ang desisyon na ginawa mo. Lagi mong tatandaan yan ha?" Tumango naman ako sa kanya ng sunod-sunod at yumakap pa ng mahigpit.

Hinagod-hagod nya ang likod ko habang yakap ko sya 

             "Maari ko bang makilala ang taong ito?" Bulong ni Manang Nanay kaya napahigpit lalo ang yakap ko at nag dalawang isip kung sasabihin o hindi.

Sa huli ay nag desisyon na akong sabihin. Pasasaan ba at malalaman din nila bakit patatagalin ko pa?

              "Si..." Nanginginig ako dahil sa magimging reaksyon ni Manang Nanay. "Si Tito Bronze po." Halos hindi marinig ang boses ko sa hina.

Ramdam ko ang biglang paninigas ni Manang Nanay ng dahil sa gulat kaya napalayo ako sa kanya. Nang mahimasmasan sya ay muli na nya akong tinitigan at ngumit ng bahagya.

             "Mali ija dahil T'yuhin mo sya pero sino ako para pangunahan kayo? Nararamdaman nyo yan kaya walang kahit sino ang pwedeng mang husga sa inyong dalawa." Sabi pa nya ulit sa akin. "Alam  na ba ng mga pinsan mo?" Tumango ako kay Manang Nanay kaya medyo tumango din sya.

Matagal syang natulala na parang may malalim na iniisip o pilit inaalala. Tinitimbang ko naman kung kakausapin ko sya o hindi dahil napaka seryoso ng mukha nya.

Nang mukang maalala nya ang iniisip nya at tiningnan nya ako ng puno ng saya ang kanyang mga mukha.

             "Alam mo ba ija na ako ang nag alaga sa inyong lahat na kabataan ngayon at mahirap man na kaya kong alagaan kayo." Panimula nya kaya kunot na kunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang ipinupunto nya.

            "Lahat kayo ay naalagaan ko bukod sa isa." Kinabahan naman akong bigla.

            "Sino po yun Nay?" Nagtataka kong sabi kay Manang Nanay na hawak-hawak ang mga kamay ko.

           "Si Bronze." Ang kalabog ng puso ko ay lalong lumakas dahil sa sinasabi ni Manang Nanay.

             "Bakit naman ho? Ka-edad naman ho namin sya aa. " Mahina kong tanong dahil naguguluhan na ako.

              "Tatlong taong gulang kasi kayo noon ng umalis ang mga magulang nyo patungo sa Canada at makalipas ang ilang araw ay bumalik sila na kasama si Bronze. Noon ko palang nakilala si BronZe." Nagulat ako sa mga nalalaman ko.

              "Sabi nila anak ni Lola." Sabi ko ulit at halos mapasabunot na.

              "Yun ang nakakapagtaka dahil hindi naman nabuntis ang Lola mo." May nabubuo na sa isip ko pero nasasaktan akong malaman na parehas kaming nagiging biktima ng mga kasinungalingan.

               "May posibilidad na ampon si Bronze. Ginagawa ko ito anak para naman ang sigla at pagmamahal sa mga mata mo ay bumalik na."

Madami pa kaming napag bidahan ni Manang Nanay pero napatigil kami ng sunod-sunod na sasakyan ang huminto at ang mga maiingay nilang boses ang narinig ko.

             "Nasan ho?! Nasan sya?!" That's Ate Chesca at wala pa akong naririnig na sagot ay biglang bumukas na ang pinto.

            "Gem! Jusko po." Umiiyak sya habang tinatakbo ako ng yakap.

Halos sabay-sabay naman napabuntong hininga ang mga pinsan ko. Marahan kong tinapik ang balikat ni Ate Che ng mag tama ang mata namin ni Tito Bronze.

            "I'm fine. Umuwi lang ako para di nyo na ako alalahanin." Puno ng lamig ang boses ko. "Magpapahinga na ako."

Wala ni isang nakapigil sa akin kaya dire-diretso lang ako sa kwarto ko at doon ay natulala at may malalim na iniisip.

......... . . . . . .
.

Comments naman kayo o. 😘😘 Kamsahamnida! 🙊 #NoBrain

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon