Gem's POV:
Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa mga sasakyan na nag daraan at sa mga tao na may iba't-ibang ginawa. Halakhakan at hagikgikan ng mga bata nag naririnig ko kaya napangiti ako.
I miss being a kid. I can do whatever I want. Wala akong problema kundi saan ba makakabili ng lollipop na kinakain ng mga nagiging kaibigan. Saan ba kami magkikita sa susunod na araw? Ano naman kaya ang lalaruin namin kinabukasan?
Ngayon lumaki na ako tsaka ko lang na-realize ang lahat. Na habang mas lumalaki at tumatanda ka mas nagiging komplikado ang lahat. Natututo ka ng mag tanong nga Bakit? Natututo ka ng manghingi ng paliwanag sa bawat bagay kasi hindi mo na maintindihan. I wish I could turn back time. Sana na enjoy ko ang pagiging bata kagaya ng mga bata na nandito sa park ng katabing village.
Halos dalawang Linggo na ang lumipas simula ng sabihin ko sa kanila na alam ko na ang lahat. Halos lahat sila hindi ko pinapansin, galit ako oo pero noong una yun. Noong una kong nalaman pero inintindi ko sila at naisip na baka may paliwanag naman ang lahat kaso hindi pa ako handa ng makarinig kahit isang paliwanag sa ngayon kasi mas nangingibabawa pa din ang pagtatampo sa puso at damdamin ko.
After 2 weeks na hindi ko sila kinikibo at pinapansin ay nakalabas na ako ng mansion. I want to breath some fresh air kaya dito ako nakarating sa park ng katabing village.
Nakita ko kung pano mag takbuhan ang karamihan ng mga bata ng may humintong nagtitinda ng cotton candy dito sa park. Hapon na din kasi kaya parami na ng parami ang tao at mga tinda. Pero may isang bata na naiwan mula sa kumpol ng mga bata kanina, tahimik syang nakaupo sa ituktok ng padulasan habang pasulyap-sulyap sa mga bata na masayang bumibili ng cotton candy at sa kamay nya habang pinagdidikit ang mga daliri nya.
Mula sa pagkakaupo sa isang duyan ay nilapitan ko ang bata at pumwesto sa dulo na padulasan. Napaangat naman sya kaagad ng tingin sa akin ng maramdaman nya ang presensya ko.
Nginitian ko sya at ibinalik naman nya ang ngiti na iyon. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Bakit ka naiwan dito? Ayaw mo ng cotton candy?" Mahina kong tanong sa kanya kaya napalingon ulit sya ngayon.
This time madami ng bata ang masayang kumakain ng binili nilang meryenda. Umiling naman ang bata na nasa harap ko.
"Gusto po." Nahihiya naman nyang sagot sa akin.
"Bakit hindi ka bumili?" Nagtataka ko naman na tanong sa kanya kaya nilingon nya ulit ako.
"Hindi po kasi ako binigyan nila Tita ng pera. Wala naman na po kasi akong mga magulang, namatay na po sila." Napasimangot naman ako sa sinabi ng bata. Nalulungkot ako kasi napakalungkot ng mga mata nya.
"Hindi mo man sila nakikita, nandyan naman sila." Tinuro ko ang puso nya kaya napahawak sya sa kaliwang dibdib nya. "Halika ibibili kita ng cotton candy." Aya ko ng mapansin kong iilan nalang ang bumibili.
Nanlalaki ang mga mata nya pero kaagad naman din nagpadulas. Humawak sya sa kamay ko na iniaabot ko kanina bago nya ako tingalain.
"Ate ano po ibig nyong sabihin na nandito sila Nanay at Tatay?" Inosenteng tanong nya habang tinuturo ang dibdib nya.
"Nandyan sila sa puso mo. Hindi naman sila mawawala na dyan e. Alam ko naman na mahal mo sila at nasisigurado kong mahal ka din nila. Kaya wag kang malulungkot ha? Lagi ka lang nilang binabantayan." Paliwanag ko naman sa kanya at mukang kahit naguguluhan at tumango nalang sya.

BINABASA MO ANG
Lips of an Angel ✔
Roman d'amour"They say loving you will be the death of me but I don't care about their opinion. At least I will die fighting for you and not because I am not with you" - Bronze Axel Smith