41

2.9K 75 4
                                    

Gem's POV:

Hindi ako mapakali habang nakaupo sa kotse. Inihihimas ko ang palad ko sa pantalon na suot-suot ko dahil pakiramdam ko ay namamasa na ang kamay ko. Ang kabog ng dibdib ko ay malakas na din dahil sa kaba.

         "Chill Baby." Bulong ng lalaking tahimik na nagdadrive sa tabi ko.

Ramdam ko ang mainit nyang palad na hinawakan ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

        "Pupunta tayo doon para kausapin sila at ipaalam ang kung ano man ang meron tayo." Hinalikan nya ang kamay ko na hawak nya.

         "Pano if hindi nila tayo tanggap?" Malungkot kong sabi at ngumuso pero nginitian nya lang naman ako.

         "Baby listen okay?" Nahinto ng bahagya ang kotse dahil sa traffic. "Hindi natin sila kakausapin para lang tanggapin nila tayo. Because tanggapin man nila o hindi wala na akong pakealam. Mas malakas ang nararamdaman kong pagmamahal sayo." Paliwanag nya sa akin kaya napangiti ako bago lumingon sa labas.

Our one week vacation is done. Tapos na ang masasaya at tahimik na araw namin dalawa, it's time to face the reality today.

Papunta kami ngayon sa mansion, Bronze called everyone bago kami umalis sa CDO at hindi ko alam kung paano nya napapayag ang lahat.

Habang palapit ng palapit ay patindi din ng patindi naman ang kabog ng dibdib ko. Nilingon ko si Bronze bago bumuntong hininga.

Malayo pa lang ay nakita ko na ang mga sasakyan sa labas ng mansion. Bumalik lahat ng kaba at namamawis na din ako hanggang sa tuluyan ng huminto ang sasakyan na sakay namin ngayon. Mabilis na bumaba si Bronze at pinagbuksan ako. Hindi kaagad ako nakababa at napatitig lang sa kanya.

         "We can do this okay?" Sabi nya bago ako halikan sa noo at yakapin.

Ilang minuto din ang pinalipas namin bago kami tuluyan pumasok sa mansion. Hand in hand as my eyes focuses on the people looking at our hands intently.

Para akong napapaso sa titig nila sa kamay namin na magkahawak, binalak kong hilahin but Bronze hold it tightly. Nilingon ko sya just to see his serious face looking directly at everyone.

Napatayo ang mga pinsan ko ng makita kami at tinakbo ako ng yakap.

         "Waaaah! Gem.." Yakap ni Hope sa akin kaya napabitaw naman ako kay Bronze na tiningnan ako bago dumiretso sa upuan sa harap nila Tito at Tita.

          "Are you okay our Precious Gem?" Nakangusong sabi ni Kuya Josh at Kuya Cob na akala mong nag practice sa choir.

Natatawa naman akong tumango sa kanila at yinakap sila ng mahigpit. How I miss my cousins. How I wanted to cry kasi sinusuportahan nila ako in everything I do. Napabitaw sila sa akin ng batukan naman sila ni Ate Che na nakapamewang.

         "Etong kambal na 'to daig pa babae." Umirap pa sya sa kambal kaya natawa ako. Nilingon nya ako ng yinakap ng mahigpit. "I missed you Gem."

        "I missed you too ate." Sabi ko ng nakangiti.

Kuya Teejay tap my head and kiss my hair before hugging me kaya nakangiti ko syang tiningala. Lexie roll her eyes on me but laugh after before hugging me tightly.

Napatayo ako ng maayos ng marinig ko ang boses ni Dad na umubo. Kita ko pa ang pag irap ng mga pinsan ko bago bumalik sa upuan nila kanina at wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Sinenyasan ako ni Bronze to sit beaide him na kaagad ko naman sinunod. Nakatingin lang sila sa kilos ko at napabuntong hininga si Mom ng maupo ako sa tabi ni Bronze.

Nasa gitna kaming dalawa at nakapalibot sila. Para kaming iimbestigahan na dalawa.

         "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Simula ni Bronze kaya nilingon ko sya. "We had a  special feelings for each other." Diretso nyang sabi na nakapagpatahimik sa lahat.

         "G*go ka ba Bronze?! Pamangkin mo yan!!" Nagulat ako sa hiyaw ni Dad kaya hinawakan ni Bronze ang kamay ko. "At ikaw Gem!" Baling nya sa akin. "You know that all of this is wrong!" Galit na galit talaga sya at kita ko ang pag hawak ni Mom sa braso nya as if pinipigilan sya.

         "Stop shouting at her, Jerome!" Madiin na sabi ni Bronze kay Dad kaya napahigpit ang hawak ko sa kanya. "And how many times do I need to tell you that I'm adopted?!" Nginisihan pa nya ang mga Tiyuhin ko. "As if mga wala kayong alam. Wag na tayong mag lokohan dito." Ang lamig sa boses nya ay bumalik.

        "Gem.." Matigas na boses ni Mama ang narinig ko. Sasagot sana si Bronze but I hold his hand tight as if stopping him.

        "Mom, I'm sorry." Nagbara na ang lalamunan ko. I try my best to stop my tears from falling. "To all of you.." Nilingon ko sila and wipe my tears na nagsisimula ng tumulo. "Especially to you, Mom and Dad.. I'm sorry for being a dissapointment. I'm sorry sa lahat . God knows how much I tried to stop this but I can't." Naramdaman ko ang pag higpit lalo ng kapit ni Bronze kaya madiin akong napapikit. "Bronze is like air to me Mom, Dad." Nilingon naman nila ako. "I just can't leave without him." Lumakas na ang hikbi ko kaya yinakap na ako ni Bronze.

         "Mga wala kayong utang na loob." Galit na sabi ng Papa ni Hope. "Inalagaan at binihisan kayo tapos kahihiyan ang igaganti nyo!" Patuloy pa nito ay lalong bumibigat ang dibdib ko sa naririnig ko.

          "Don't talk as if wala kayong napala sa akin." Galit na din ang boses ni Bronze na patuloy lang sa paghagod sa likod ko. "I am the reason kung bakit namumuhay pa kayo sa karangyaan ngayon. Isinalba ko ang kumpanya na kayo din ang dahilan ng pagkalugi." Dire-diretso lang sya at nagugulat nalang ako sa nalalaman ko. "Akala nyo ba hindi ko alam at hindi alam ni Mama ang pagnanakaw nyo ng pera sa kumpanya nya?!"

Nakarinig nalang ako ng singhapan na mula sa mga pinsan ko.

          "Wag kayong mag - alala at ibabalik ko ang kumpanya nyo. Babylyn family's company is too much to handle. Sapat na yun to support our needs." Madiin nyang sabi. "At hindi kami pumunta dito para pilitin kayong tanggapin ang kung ano man ang meron kami. We respect you kaya kami nag punta dito but accept it or not, walang makakapaghiwalay sa amin."

Pagkatapos nyang sabihin yan ay inalalayan na nya akong tumayo. Nakaalalay sya sa akin habang naglalakad kami palabas ng masion.

         "Wala na kayong mapapala sa amin!" Galit na sigaw ng Papa nila Lexie kaya napahikbi ako.

They are still my family and it hurts me hearing those words from them.

          "Hindi naman namin kayo kakailanganin but if ever na kailanganin nyo kami you know how to contact me." Madiin n sabi ni Bronze na humigpit ang hawak sa akin. "I will still thankful kasi inaruga ako ng pamilya nyo."

Nilingon nya ako.

         "Hush now Baby. Dadating din ang oras na matatanggap nila 'to. Let's give them time." Malambing nyang sabi kaya tinanguan ko nalang sya .

           "Masama man pakinggan pero tanggapin man nila o hindi okay lang. It's time for me to fight for you Love." Sabi ko naman sa kanya.

He peck my lips bago ako tuluyan ipasok sa kotse nya. I will still be thankful na nandito sya kahit hindi maganda ang kinalabasan ng pag uusap kasama ang pamilya at least at end of everything nanatili kaming magkasama. And that's enough. 😊

. . . . . . . . . . . . .

This chapter is dedicated to @molinajtin. Thank you be. 😘😍 Loooong comments are much appreciated guys. Love you. 😄😄 #NoBrain.

Ps: Where's my account?

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon