Gem's POV:
Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa mukha ko. Napaungol naman ako dahio naramdaman ko ang kirot ng ulo ko. Hangover!
Nakapikit akong bumangon at isinara ang kurtina bago pabagsak na nakadapa sa kama. Kinapa ko ang cellphone ko sa side table dahil tamad na tamad talaga akong dumilat sa sakit ng ulo.
Tiningnan ko ang oras at mabilis pa sa alas kwatro akong napaayos ng upo sa kama ng makitang alas dos na ng hapon. Nag over pa sa oversleep ako!
Napasalo ako sa ulo ko ng kumirot nanaman ito. Hindi na ako iinom at magpapakalasing! Ano ba nangyari? At pano ako napunta sa kwarto ko? Sh*t!
Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi at gusto kong mapamura ng malutong ng ang maalala ko lang ay ang galit sakin ni Tito Bronze sa sala kagabi at wala ng iba.
Napakunot noo naman ako at umusog palapit sa side table ko ng makakita ako ng inumin at gamot doon.
Drink this med. And we'll talk later. -B.
Alam ko na kaagad kung kanino galing kaya ininom ko naman kaagad ng gamot. Naligo muna ako para medyo mawala ang init sa katawan ko bago ko napag desisyunan na bumaba dahip nagkakagulo na ang mga alaga ko sa tiyan.
Katahimikan ng mansyon ang sumalubong sa akin. Nadatnan ko si Manang Nanay sa kusina na naghahanda ng meryenda.
"O iha! Maupo ka na diyan at iiinit ko lang itong pagkain." Hindi na ako nakahindi ng iinit na nya nag pagkain na mukang lumamig na kakahintay sa akin.
Masayang inilapag nya ang pagkain sa harap ko kapagkuwan.
"Salamat Nay." Sabi ko at nag simula ng kumain. Pero nag taka ako ng patuliy pa din aa pag handa ng meryenda si Manang Nanay.
"Kanino ho iyan Nay?" Tanong ko habang ngumunguya ng pagkain na kinakain ko.
Nilingon naman nya ako ng bahagya at ngumiti bago nagpatuloy sa ginagawa.
"Naku ito ho ba? Ay kay Señorito Bronze ho ito." Sabi no Manang Nanay na nakapagpalaki ng mga mata ko at muntik ko pang naibuga ang kinakain ko.
Mabilis kong inabot ang tubig at uminom. Nang mahimasmasan ako ay hinarap ko si Manang Nanay na nagtataka akong tinitingnan.
"Nandyan na sya Nay? Hindi po ba sya pumasok sa opisina?" Nagtataka ko naman na tanong at umayos ng upo dahil parang nagtataka si Manang Nanay sa ikinikilos ko.
"Pumasok pero maaga din umuwi. Kanina pang mga bandang alas diyes ng umaga sya nakauwi." Kwento ni Manang Nanay sa akin.
Iniaayos na ni Manang Nanay sa tray ang meryenda ng tumunog ang cellphone nya. Mabilis nya itobg dinukot sa bulsa nya at masayang sinagot ang tawag.
"Anak! Naku.." Nakikinig lang sya sa kabilang linya bago nya ako lingunin.
Tinakpan nya ang mouth piece ng cellphone bago ako alanganin na tiningnan.
"Pwede bang ikaw na ang mag akyat nyan iha? Wala kasing signal hindi ko maintindihan ang anak ko. " Parang nahihiya pa na sabi ni Manang Nanay.
Tumayo naman kaagad ako dahil tapos na ako bago sya ngitian at kunin ang tray.
"Okay lang ho Nay. Sige na ho!" Tumalikod na si Manang Nanay kaya napabuntong hininga na ako.
Pano na? Waaaah! Kinakabahan ako at baka may ginawa o nasabi akong masama kagabi kaya galit na mukha ni Tito Bronze ang naalala ko pag inaalala ko kung ano ang nangyari kagabi. Ayst! Bahala na nga!
Lunok ako ng lunok habang papunta sa kwarto nya. Nanginginig ang kamay kong kumatok pero nakakatatlong katok na ako ay wala pa din na nagbubukas. Sinubukan kong pihitim ang doorknob at bukas, bahagya akong sumilip pero wala ni anino nya akong nakita.
Nasan na yun? Sabi ni Manang Nanay ay nandito sya. Hindi kaya namalikmata lang si Manang Nanay dahil sa katandaan? Ano ba yan?!
Aalis na sana ako ng maalala ko ang library room nya dito sa itaas na katabi ng kwarto nya. Mabagal akong lumakad doon at nag iingat na hindi makagawa ng ingay.
Sa pagkakataon na 'to ay hindi na ako kumatok, pinihit ko nalang ang doorknob at sumalubong sa akin ang nakatalikod nyang swivel chair habang nakaupo sya dito.
"I told you not to call me if it's not important Baby. I'm busy." Malamig na sabi nito sa kausap sa telepono.
"No! You can't come here."
Ramdam ko ang frustration sa boses nya. Maingat kong inilapag ang tray sa table nya kaya napalingon sya sa akin.
Bahagyang lumaki ang mga mata nya, aalis na sana ako ng tumayo sya at hulihin ang braso ko. Ramdam ko ang milyon-milyong boltahe na dumaloy sa katawan ko maging ang mga hayop na nagpaparty sa tiyan ko at ang malakas ng kalabog ng puso ko.
"Don't disturb me!" Madiin nitong sabi na hindi ko alam kung sa akin dahil nakatitig sya sa akin o sa kausap nya sa cellphone dahil after nyang sabihin yun ay ibinaba na nya ang cellphone na nasa tapat ng tenga mya kanina.
Iginalaw ko ang kamay ko pero humigpit lang ang hawak nya dito at ibinulsa ang cellphone nya. Pilit nyang hinuli ang mga mata ko hangga't sa magtagumpay sya.
"San ka pupunta?" Mahinahon nyang sabi pero nandun pa din ang lamig sa boses nya.
"Ahm.. Ahmm." Napagawi ang tingin ko sa tray na dala ko bago magbalik ng tingin sa kanya. "Nakisuyo kasi si Manang Nanay na dalhin yung meryenda mo dahil biglang tumawag yung anak nya sa probinsya." Paliwanag ko kaya napatango-tango lang sya.
Tiningnan nya lang ako na parang sinusuri at kapag kuwan ay nagtanong. Parehas pa din kaming nakatayo habang hawak nya ng kanan kamay nya ang mga kamay ko at sa bewang ko naman ang kaliwa nyang braso.
"Are you okay? No hangover?" Seryoso nyang tanong as if we're in a business meeting.
"I'm okay now. Thanks for the meds." Nginitian ko pa sya kaya kita ko ang biglang pag kislap ng mga mata nya.
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin while resting his chin on my shoulder kaya tumatama ang pag hinga nya sa leeg ko.
"I missed you Baby. So d*mn much!" Sa hindi malamang dahilan ay namuo ang mga luha ko kaya bahagya akomg tumingala pero tumulo pa din.
"I missed.. You too." This time ay yinakap ko na din sya ng mahigpit.
"Don't do that again Baby okay? Don't leave me again." Humigpit pa lalo ang yakap nya sa akin habang hinagod ko naman ang likod nya habang umiiling.
Inilayo ko sya ng bahagya sa akin at ikinulong ang mga pisngi sa maliliit kong kamay. Hinila ko sya hanggang sa mahalikan ko sya sa noo.
"I'll never leave again. Never again." Bulong ko kaya tinitigan naman nya ako bago ako halikan sa ulo at sumubsob sa mga balikat ko. Haaaay! Alam kong ngayon wala na akong kawala. It's either I'll fight for us or break my promise to him. Now, it's my time to choose, again!
. . . . . . . . . . . . . . . . .
Aaaaaano na? Humihinga pa ba kayo? Comments naman to inspire me o. Thanks for reading.💙😘😘 Ang blue heart nyo ha? Ingataaaan! #NoBrain
PS: Because I love you my Brainers pinagsunod ko. Inspire nyo ulit ako ha? 😀😀

BINABASA MO ANG
Lips of an Angel ✔
Romance"They say loving you will be the death of me but I don't care about their opinion. At least I will die fighting for you and not because I am not with you" - Bronze Axel Smith