Gem's POV:
Eto na. Waaaah! 😱 Mommy help me. Nandito kasi ako ngayon sa harap ng opisina ni Tito Bronze after what happened di na ulit kami nagkausap as if kakausapin ko sila. Duuuh!
Natatakot man ay bumuntong hininga ako at tumingin sa hawak ko, my resignation letter. Wala ang sekretarya nya sa labas ng opisina so I decided na pumasok nalang agad.
Mula sa pag pirma ng kung ano ay nag angat sya nang tingin sa akin. I met his cold eyes at kumunot ang noo nya. Sumandal sya sa swivel chair nya at bahagyang iniikot, iminwestra nya ang kamay nya sa akin I tried my best to walk gracefully. D*mn it! Presensya pa lang ay nanginginig na tuhod ko.
"What's the matter?," Tanong nya at tinaasan pa ako ng isang kilay at pinaglaruan ang ballpen nya.
Pinagcross ko ang mga daliri ko at gustuhin ko man kagatin ang kuko ko dahil sa kaba ay di ko magawa, nakakahiya.
"I--" Lumunok muna ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. "Uhmn! As I was saying I am here to give you this." Taas noo kong sabi kahit parang gusto ko nang magtatakbo papunta kay Lola ng maibsan ang kaba ko.
Iniabot ko sa kanya ang isang brown envelop, he sat straight ang open it. Ang kunot noo nyang noo kanina ay lalong nangunot at ang mga mata nya ay parang nag aapoy sa galit.
"I told you to not bring this here." Madiin nyang sabi at ibinalibag sa lamesa nya ang papers. Napahawak sya sa bridge ng ilong nya.
"But I want to work to another company!" Pag dadahilan ko. My goal before gaoing here is to make him signed my resignation letter and never ko pang tinalikuran ang kahit isang goal ko.
"No!" Madiin nyang sabi at tumayo na upang humarap sa bintana nya. Napatayo naman ako dahil naiirita na ako.
"Ano ba problema mo?! Ayoko nga dito mag trabaho!!" Hiyaw ko dahil napipikon na talaga ako.
Hinarap nya ako at bahagyang lumapit. Seryosong-seryoso na ang mga mata nya habang nakatingin sa akin.
"Give me a f*cking reason, why would I let you work with other company." Halos lamigin naman ako sa boses nya. D*mn it!
"I--- I" D*mn it! It's not the right time to stutter Gem. Sh*t!
"What?" Matapang nyang tanong.
"I just don't!" Sabi ko at sinalunong ang titig nya pero sa huli ay nag iwas din ako ng tingin.
"Then it's a no." Sabi nya ay naupo na ulit. He hold his pen and looked at me. "You may now leave." Sabi nya at nag simula na ulit pumirma.
No! Hindi pwede. How about my goal? Hindi ako pwedeng matalo. Kailangan ko syang mapapayag! Sa sobrang inis ko ay hinila ko ang pinipirmahan nya at itinapon sa sahig, nasagi ko pa ang tasa ng kape kaya naman natapon ito sa desk nya kung nasaan ang mga dokumento na alam kong mahahalaga.
Napatayo sya at galit akong tiningnan. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nangyari, that's -- that's not my intention.
"What the hell!!" Hiyaw nya at halos maiyak ako sa lakas noon kaya bahagya pa akong napaatras.
"I'm --- I'm--" He cut me off.
"I told you to leave! What did you do?!!" Hiyaw nya sa akin bago pulitin ang ilang papeles. "You don't know how important is this!" Nanginginig na ako sa takot.
Lumunok ako at sinubukan mag taas noo pero natatakot pa din ako kaya sa huli nakayuko lang ako.
"I just want you to sign my resig---" He cutted me again and this time he's giving me a dead glare.
"I said NO! Look Gem, kung hindi mo ako mabibigyan ng magandang rason para pumayag sa gusto mo e pasensyahan tayo! At pag ipinilit mo pa ulit ito, I will file a case against you!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya at napailing-iling.
"You can't do that!!" Sabi ko at umaatras.
"I can! You had a contract with this company so I really can. Try me!!" Madiin nyang sabi.
Napakuyom naman ako ng kamao at tiningnan sya. Hinihilot na nya ngayon ang noo nya habang may kausap sa cellphone. Muka syang problemado.
Pagka babang-pagkababa ng cellphone nya ay pinindot nya ang intercom para tawagin ang secretary ny siguro. He looked at me.
"Leave now Gem!!" Madiin nyang sabi at kahit ayoko ay tumalikod ako.
Bago ako tuluyan lumabas ay nilingon ko pa sya at nakahawak sya sa ulo nya habang may kausap sa cellphone. Nakatitig lang sya sa mga papel na ngayon ay di na maintindihan ang sulat dahil kumalat na ang tinta nito.
Nagulat pa ang secretary nya ng makasalubong ako.
"Good afternoon Ma'am." Sabi nya pa bago ako lagpasan at pumasok sa opisina ni Tito Bronze.
. . . . . . . . . . . . .
"Ang tagal naman ni Bronze. Nakakain na tayo at lahat wala pa din." Rinig kong sabi ni Lola dahil bigla syang nag aya ng dinner kanina kaya magkakasama kami ngayon.
Kita sa mukha nila ang pag aalala, tinitingnan-tingnan naman ako ng mga pinsan ko pero umiiwas ako ng tingin. Dito kami mag sisitulog ngayon dahil na din gusto lang daw ni Lola, wala naman magawa ang mga magilang namin.
Nasa sala kaming lahat ngayon, hawak ko ang cellphone ko at itetext sana si Tito Bronze pero naalala ko na wala nga pala akong number nya and vice versa. Napahigpit nalang ang hawak ko sa cellphone ko knowing wala akong number nya at ako ang dahilan kaya wala sya ngayon.
Alas 11 na nang gabi pero wala pa din sya. Nag desisyon na umakyat na ang mga elder sa taas at kami na bahalang mag hintay kay Tito Bronze. Nakatitig lang ako sa TV na hindi naman umaandar at pang ingay lang habang sila ay nagkekwentuhan.
Nakapusod ako ng dalawang bun sa magkabilang gilid at init na init ako. May mga takas na buhok sa mukha ko pero hayaan na. Naka panjama din ako at isang komportableng t-shirt.
Napalingon kami sa pinto ng bumukas iyon at isang pagod na pagod na Tito Bronze ang humarap sa amin.
"Tito Bronze, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Ate Chesca.
Halos lahat sila ay nag aalala sa kanya. Bumuntong hininga ako.
"Well I need to finish my presentation and documents for the board na pipirmahan bukas. Sayang naman kasi dahil pag nagka deal bukas e talagang malaking tulong para sa kompanya . " Paliwanag nya.
"Diba tapos na yun?" Sabi naman ni Lex .
"Nilamay mo yun sabi mo diba? Nung isang araw mo pa nga ginagawa yun e kaya di ka nakasama mag mall last time. " Tumango naman si Tito Bronze.
Nagawi ang tingin nya sa akin at bumuntong hininga.
"I accidentallly push my coffee where all the IMPORTANT documents are." Sabi nya bigla kaya nagulat naman ako.
Walang nag salita kaya nagpaalam na sya.
"Pahinga na ako aa? Maaga pa ako bukas. Good night*" Paalam nya at kinawayan pa kaming lahat.
Pinagtakpan nya ako? What the hell? Ano 'to? Bakit ganito puso ko? 😭😭😭
. . . . . . . . . . .
Well? 😋😋 #NoBrain
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel ✔
Romance"They say loving you will be the death of me but I don't care about their opinion. At least I will die fighting for you and not because I am not with you" - Bronze Axel Smith