15

2.8K 71 4
                                        

Gem's POV:

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan. Pagkatapos linisin ang nabasag ay dito ako dumiretso sa sala at pabalik-balik na naglakad. Hindi ako mapakali. I know something is happening at hindi ko malaman kung ano yun.

Mabilis akong tumakbo sa taas para kunin at buhayin ang cellphone ko. Nagulat ako ng pagkabuhay na pagkabuhay ng cellphone ko ay sunod-sunod na text ang natanggap ko. Wala pa akong nabubuksan na kahit isa ay bigla naman na may tumawag.

          "Hope?" Mahinang tanong ko.

Pilit kong itinatago ang kaba na nararamdaman ko. Kaba sa kung ano man ang sasabihin at ibabalita nya sa akin.

            "Gem, what happened bago ka umuwi?" Seryoso nyang sabi na lalong nagpakabog ng dibdib ko.

           "Wha--what do you mean?" Nanginginig kong tanong at unti-unti na din namumuo ang luha sa mga mata ko.

            "Can you just please tell me?!" Madiin nyang sabi ang right at this moment I know na galit sya at pinipigil nya ang sarili nyang sumabog.

              "W-wala." Lumunok ako para di nya mapansin ang pag garalgal ng boses ko. "I-- I just got home and sleep. W-why?" Nagkakanda utal utal na ako sa pagsasalita.

              "D*mn it Gem!! Hindi maglalasing si Tito Bronze at maaksidente ng dahil lang sa wala!!" Hiyaw nya na nakapagpatakip sa bibig ko.

Ang luha ko ay tuluyan ng bumuhos at ang sakit sa dibdib ko ay lalong lumakas.

              "I don't know Hope. Believe me." Nag mamakaawa kong sabi sa kanya.

               "We texted you and tried calling you dahil hindi namin sya mapigil. He keeps on telling your name na hindi namin alam kung bakit." Huminga sya na parang pinipigil ang sarili nya. " Tinatawagan ka namin na baka kasi ikaw ang  makapigil but you turned off your d*mn phone! And what we recieve next? Na nabangga si Tito Bronze sa isang poste at malala ang lagay nya! And that's because of you!!" Hiyaw nya sa akin.

Ngayon lang. Ngayon lang sila nagalit sa akin ng ganito and I can't help myself na magalit din sa sarili ko because I know na kasalanan ko. Alam ko na ako naman talaga ang dapat sisihin.

            "Hope--" Pinuto nya ang sasabihin ko at sinabi ang pangalan ng hospital.

            "Emergency room." Seryosong dugtong nya sa pangalan ng hospital. "Pumunta ka kung gusto mo, kung ayaw mo wag ka nang magpapakita sa amin kahit kelan. " Sabi nya at biglang pinatay ang tawag.

Wala akong magawa kundi ang umiyak. Ano pa ihaharao ko sa kanila? Anong mukha pa ang maipapakita ko? Kila Mom and Dad, Kila Lola at sa mga Tito ko lalo na sa mga pinsan ko. Ang hirap nito!

After an hour of crying and agony I decided to go. One last time! Itatama ko ang lahat kahit masakit wag lang ulit may masaktan.

Nagkita kami ni Kuya Josh sa parking at kabod nalang napatulo ang luha ko. He hugged me tight trying to comfort me.

        "Shh! Stop crying. Hindi patay si Tito Bronze." Bulong nya sa akin habang hinahagod ang likod ko.

Lumayo sya at pinunasan ang luha ko. Inilahad nya ang kamay nya at inaya ako.

          "Tara na. Tingnan natin kung ano na nangyari."

Nanginginig na umiling ako.

            "Kasalanan ko. Kasalanan ko Kuya Josh. I--I" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng yinakap nya ako ulit.

              "Walang may kasalanan Gem. I know what happened. I heard everything last night and you did the right thing." Nagulat man ako ay hindi ako nakapagsalita. I just cry until I don't know how long.

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon