21

2.9K 92 19
                                    

Gem's POV:

          "Kelan pa sya nag sasalita?" Sabi ni Kuya Teejay at uminom ng margarita na hawak nya.

           "Pano kayo naging close? " Sabi naman ni Lexie habang ibinababa ang baso na galing sa bibig nya.

           "Paano muna sya nakilala ni Chester?" Sabi naman  ni Hope na kumakaway para tumawag ng waiter.

            "At ang nakakagulat. Sya pa ang nakapagpasalita kay Chester." Si Kuya Josh naman na nakangisi ngayon ang nagsalita.

            "All this time na kakausap ka pala ni Chester habang kami 7 years na walang komunikasyon sayo." Sabi naman ni Kuya Cob na nakabusangot.

            "Pero at the same time masaya ako na nagsalita na sya." Sabi naman ni Ate Che na sumasandal sa braso nang asawa nya na nakikipag inuman sa mga pinsan ko.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat sa dami ng tanong nila. Hindi ko alam kung sino una kong sasagutin sa kanila. Ang hirap naman kasi ng ganito.  Hindi ko naman alam na hindi pa talaga nag sasalita si Chester e kasi everytime na tatawag sya sa akin ng patakas ay nagkaka usap pa kami ng maayos kaya kilala na nya ako.

Bumuntong hininga ako bago magsalita.

           "Hindi ko alam na hindi sya nagsasalita okay?" Sabi ko naman sa kanila at sumimangot.

             "Wag nyo ngang i-pressure si Gem. Enjoy muna tayong lahat tonight at bukas daw at mag uusap-usap tayo sa mansion." Paliwanag ni Ate Che at binigyan ako ng abot tangang ngiti, wala akong nagawa kundi ang uminom nalang ng tequila na nasa harap ko.

             "Bakit nga pala umalis si Tito Bronze? Buti nalang nakatulog si Chester kundi magtatampo yun sa kanya." Sabi naman ni Kuya Teejay habang nakatingin lang kay Ate Chesca na tinanguan ang asawa na.

Sinundan namin ng tingin si Kuya Ge na paakyat sa hotel room. Lahat kami ay dito matutulog sa hotel na ito.

               "Iche-check daw si Chester." Sabi ni Ate Che habang nakatingin sa asawa nya na malayo na sa paningin namin.

Nung nag sihiyaw kasi sila kanina ay natakot yata si Chester kaya napayakap ng mahigpit sa akin at hindi na humiwalay kahit sino ang kumuha sa kanya. Hanggang sa hindi nag tagal ay nakatulog na sya kaya wala kaming nagawa kundi ang iakyat na sya at simulan ang adults party na plano daw talaga ni Ate Che sabi nila.

              "And as for Tito Bronze." Lumingon naman sya kay Kuya Teejay. "May emergency daw kasi kanina sa company kaya nagmamadaling umalis.  Pero  aka bumalik din yun sabi nya kasi e saglit lang daw." Sabi naman ni Ate Che.

              "Napaka workaholic talaga ni Tito. Mukang kahit mag anak ng madami e di mag hihirap sa yaman na nya." Sagot naman ni Lexie na nakapag patawa sa lahat habang ako naman ay biglang napainom ng tequila at ngumiwi.

Gusto kong pukpukin si Kuya Josh ng bigla nya akong sikuhin pero ang nagawa ko lang ay pukulan sya ng nakamamatay na tingin.

               "Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa nag aasawa si Tito e. Nasa right age naman na sya diba?" Sabi ni Kuya Josh na nakangisi kaya pasimple ko syang kinurot nang napakaliit.

                "Awww." Daing nya at napalis ang ngisi nya.

            "Problema mo dyan Josh?" Tanong ni Kuya Cob sa kanya habang ang iba ay kunot noo.

             "May langgam kasi. Nakagat ako." Tumango-tango pa sya at gusto kong mapahalakhak ng sumagot si Hope.

             "May langgam sa hotel? Wow! Bago yun aa." Sabi ni Hope na parang nag dududa.

            "Hope." Tinaasan naman sya ng kilay ni Hope. "Shut your mouth." Napakibit kilay naman si Hope kaya natawa kami.

I'm not yet ready. Hindi pa ako handang aminin sa kanila ang lahat, pag hahandaan ko pa. Napag isipan ko na 'to when I was in Newyork at aamin naman ako pero hindi pa ngayon. Magulo pa ang lahat.

Nangunot noo ko ng lahat sila ay nakatingin sa likod ko lilingon na sana ako pero bigla akong nanigas ng marinig ang baritonong  boses sa likod ko.

           "Where's Chester?" Tanong naman nya kaagad ng hindi siguro makita ang bata ng paningin nya.

            "Tulog na Tito." Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila dahil hindi kaagad ako makatingin.

          "Oo nga pala Tito. Gem's here!" Tinuro pa ako ni Kuya Cob. "Your not able to talk earlier kasi umalis ka diba?" Inosente si Kuya Cob alam ko pero gusto ko syang saktan.

Bigla naman tumayo si Kuya Josh. Kaya kinakabahan ko syang nilingon. Pinanlakihan ko sya ng mata pero lumaki lang lalo ang ngisi nya. D*mn it.

            "Gonna get some drinks there." Itinuro pa nya ang pupuntahan nya. "You can sit here Tito." Turo nya sa upuan nya at gusto kong tumutol pero tumalikod na sya.

            "Okay." Sagot naman ni Tito Bronze gamit ang tonong hinding-hindi ko makakasanayan.

Naupo sya sa upuan na kaninang inuukopa ni Kuya Josh. Nagulat ako ng bigla syang lumingon sa akin kaya napaiwas ako nang tingin at nakita ang mga pinsan ko na busy sa kani-kanilang ginagawa at nagkekwentuhan.

             "Welcome back." Seryoso at malamig nyang sabi kaya napalingon ulit sa amin ang mga pinsan ko.

Kinakabahan akong ngumiti sa mga pinsan ko bago lumingon pero ang ikinagulat ko ay ang paglapit ng mukha nya sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at napahawak sa dibdib ko ng lumapat ang mga malalambot nyang labi sa kanang pisngi ko.

              "Your back and you can't go anywhere now." Bulong nya na siguradong hindi narinig ng mga pinsan ko.

Bumalik na sya sa pag kakaupo at uminom ng tequila nya. Hindi ko alam kung ako lang ba o may ngisi sa labi nya.

Ang panlalaki ng mga mata ko ay hindi naalis pati ang pag bilis ng kabog ng puso ko. Nang mahimasmasan ako ay napalunok ako at umayos ng upo.

Kumuyom ang mga mata ko ng maalala ang maarteng babae na ayaw magpatawag ng Baby kundi Babylyn. D*mn! I will surely break her neck the next time I'll see her.

Hindi ko napansin na napasama pala ang tingin ko sa baso na nasa harap ko kaya nagulat ako ng may maglagay ng laman doon ag magsalita.

          "Mag sasalita ka pag gusto mo pa." Ibinaling ko kay Kuya Josh ang nakamamatay na tingin at muli ay nginisihan lang ako. Alam ko double meaning ang pinagsasabj nya. May araw ka din sa akin. Tss.

           "For Gem's come back!" Nagtaas ng baso si Kuya Teejay asking for a toast.

Sunod-sunod kaming napataas ng kamay hawak ang kanya-kanyang baso. Napatingin kami kay Tito Bronze ng hindi sya magtaas at nakatulala lang.

Bahagya syang lumingon sa akin bago mag taas ng baso for a toast.

           "Yeah! For her comeback."

Malamig nyang sabi at ang sunod ko nalang narinig ay bungguan ng mga baso. Kitang-kita ko ng uminom si Tito Bronze pero tumigil sya at bahagyang lumingon sa akin bago itaas ulit ang baso at nakangising uminom.  Napalunok ako bago tuloy-tuloy na inumin ang laman ng baso ko habang pilit pinahihinto ang malikot kong puso gamit ang utak ko.

D*mn! He's playing with me and I don't think I will win this time. 😷😷

. . . . . . . . . . .

Aloha Brainers. 😘😘 Kamusta naman kayo at ang mga puso nyo? Hahahaha 😂😂 I think mapapahaba ko ito kasi ang dami pang pwedeng mangyari, madaming pang sikreto na dapat mabunyag and sana suportahan nyo ako hanggang dulo.  Salamat! Comments please. 😭😂 #NoBrain

          

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon