42

3.3K 71 20
                                        

Gem's POV:

         "Answer the phone Bronze." Mahina pero puno ng diin kong bulong habang pabalik-balik ng lakad dito sa sala.

He promised me a dinner at exactly 6 pero sa awa ng D'yos 7:30 na ng gabi e wala pa sya. I dressed the best that I can para sa dinner na 'to I even curled my hair and put a make up on my face which I didn't usually do tapos ganito? Darn!

Nakakailang tawag na ako sa cellphone nya at gusto ko ng ibalibag ang cellphone ko sa inis sa kanya.

I tried calling him for the last time pero nabigo ako and I am so freaking dissapointed right now! Nag dadabog ako habang pabalik sa kwarto para mag palit ng damit. Sumulyap pa ako sa pinto sa huling pagkakataon pero wala pa din.

I tried my best to understand him pag mga simpleng araw lang na nalelate sya ng uwi but not this time. This is our freaking eight monthsary and he makes me mad, so d*mn mad! And yes! Time really flies so fast.

Mabilis din akong nakapagbihis, hinilamusan ko na din ang mukha ko kaya wala ng kahit anong kolorete ang nakakabit dito. Naupo ako sa kama at inabot ang cellphone ko, nagbabakasali na kahit text message lang ay naalala nya but hell! I am fooling myself.!

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina kung saan naabutan ko si Manang Nanay na kinuha nya mula sa mansion at dinala dito sa bahay nya. Yes! I am living with him, lumalayo ako sa mga tao na huhusgahan lang kaagad ako not knowing what's inside the story. My cousins know where I am and they just supprting me, wanting my happiness too but this is not the right time to talk about that.

          "O iha! Bakit nakabihis ka na?" Nagtatakang tanong nya ng makita ang ayos ko.

Nagdadabog akong kumuha ng pitsel sa ref para magsalin ng tubig sa isang baso. Mabilis kong ininom yun hoping that it will cool me down.

         "Bronze didn't show up po Nay." Seryoso kong sagot habang isinasauli na ang pitsel sa ref.

Nakita ko naman ang bahagyang pag tango ni Manang Nanay sa sinabi ko habang nag hahalo ng niluluto nyang ulam.

         "Nay, malinis po ba ang guest room?" Tanong ko at bahagyang humilig sa lamesa.

          "Oo naman iha." Lumingon pa sa akin si Manang Nanay ng sandali. "Laging ipinalilinis ni Senyorito Bronze sa isa kong kasama at hindi ko kasi kakayanin ang maglinis pa."

Napatango naman ako bilang pag sang ayon dahil may katandaan na talaga si Manang Nanay, but still ayaw nyang iwan ang pamilya.

          "Sige po mamamahinga na ako." Paalam ko pero pinigilan nya ako.

          "Sandali iha at patapos na din ito." Sabi nya na medyo bumilis ang pag halo kaya nilapitan ko sya.

          "Okay na po Nay, hindi naman din po ako gutom." Nginitian ko sya bilang pag kumbinsi. "Kayo po ang kumain na at mamahinga pagkatapos. Good night Nay." Paalam ko at hindi na sya hinayaan na mapigilan pa ako.

Sa guest room ako tumuloy, dalawang kwarto ang layo sa masters bedroom. Bahala sya sa buhay nya! I hate waiting and he f*cking knows that!!

Ilang minuto na akong nakahiga at biling baliktad pero hindi ako makatulog thinking about him! F*ck!! I am mad but at the same time I'm worried because till now ay hindi pa sya umuuwi at it's quarter to 9 already.

I tried calling him again and this time he's no to avail. Lalo akong kinabahan dahil ni hindi ko na sya ma-contact.

Tinawagan ko ang mga pinsan ko isa-isa at ni isa sa kanila ay hindi alam kung nasaan si Bronze.

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon