Epilogue

5.8K 98 49
                                    

The most awaited POV. 👍

Bronze's POV:

Everytime na nakikita ko sya nabubuhayan ako ng loob. Everytime na ngumingiti sya napapangiti  din ako. Kapag nagagalit sya masama man natutuwa ako. Every expressions na ipinapakita nya, no! Let me re-phrase it., everything about her is the reason why I fall, really hard.

Sinubukan kong pigilan dahil alam kong mali, alam kong hindi tam! Alam kong kagaguhan ang nararamdaman ko pero walang nakatalo sa lakas ng pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya.

Nasasaktan ako everytime na papalayuin nya ako sa kanya because I know na nararamdaman na nya ang nararamdaman ko at halos mamatay ako ng mag realize ko na pumayag akong lumayo sya sa piling ko.

I waited for 1, 2, 3 until it became 7 years I still patiently waiting for her to come back and hindi ako nabigo, bumalik sya. Hindi ko ma express ang saya na naramdaman ko ng muling tumama ang itim at bilugan nyang mata sa mga mata ko.

Isa sa pinakamasayang araw ko at pinaka importante sa lahat ay noong araw na isuko at ibigay nya sa akin ang sarili nya. I am happy, beyond happy! I am her first and she is mine. I am willing to give her everything that I can.

Nagagalit ako sa tuwing iiyak sya dahil nakikita ko ang lungkot at sakit sa mga mata nya kaya ginagawa ko ang lahat para kahit paano ay mapangiti sya. Dahil doble ng sakit na nararamdaman nya ang nararamdaman ko pag nakikita ko syang nasasaktan

The memorable one week of my life came, yun ay ng dalhin ko sya sa rest house ko sa CDO and I know she'll loved the place. I really buy that for us, for our future.

Hinarap namin ang pamilya ng magkasama, ipagtabuyan man nila kami I don't care at least she's beside me at mas ikamamatay ko kung mawawala sya sa akin.  We promised not to leave each other side. We promised to support each other everytime. She promise to marry me very, very soon but there she is, running away to a jerk like me!

Hindi ko na napigilan ang pag agos ng luha ko because it f*cking hurts me seeing her running away. Mabilis kong isinuot ang pantalon ko not minding the person I am with inside this f*cking room. Nanginginig ako hindi sa galit kundi sa takot na tuluyan na nya akong iwan.

I don't fear anyone but her. Natatakot akong magka mali dahil natatakot akong mawala sya at dumating na nga ang kinatatakutan ko. Mabilis akong tumakbo para habulin sya pero ang naabutan ko nalang ay ang mabilis na pag alis ng sasakyan nya. I tried catching her but she's too fast.

        "D*mn it! D*mn it!!" Mura ko habang pinagsisipa ang gulong ng sasakyan ko.

Kesa magmukmok ay bumalik ako sa kwarto na pinanggalingan ko para kunin ang susi na naiwan ko at inabutan ko pa sila doon.

        "You will rot in hell if she'll leave me. So start praying Babylyn." Madiin at seryoso kong sabi sa kanya bago inabot ang susi at nagtatakbo ulit.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko hoping na maabutan ko sya pero napahampas ako sa manibela ng isang oras na akong nag iikot ay ni anino ng sasakyan nya ay hindi ko na makita.

Nag u-turn ako para pumunta sa bahay, nagbabakasakali na umuwi sya habang nasa daan ay tinawagan ko ang mga batang itiniring kong pamangkin ko.

         [Tito?!] Bati ni Teejay sa labilang linya at alam kong nagulat sya. Alas dose na ng madaling araw at napatawag pa ako.

          "Nandyan ba si Gem?!" Tanong ko habang papaliko sa village.

          [Hindi na sya umuuwi dito Tito since the Smith's judge her and today is counted on that.] Parang nagtataka nyang tanong kaya binaba ko na kaagad ang tawag.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan at halos mawalan ako ng pag asa ng hindi ko makita ang kotse na ineregalo ko sa kanya nung 6th monthsary namin and that's last month.

Napasabunot naman ako sa buhok ko ng maalala kung anong araw ngayon. I remember, I promised her a dinner today and I freaking broke that promise accidentaly.

             "Manang! Manang!" Hiyaw ko ng paulit-ulit habang papasok sa kusina.

Nakita ko naman ang pag mamadali sa kilos ni Manang Nanay habang palabas ng maids quarter kasama ang isa pang kasama sa bahay.

           "O iho? Ano ba ang problema?" Tanong ni Manang na ang aayos pa ng buhok na gulo-gulo.

           "Si Gem, Manang? She's here right?"  I sounded desperate but I don't care I just want to her now! Right now!!

Gumuho.naman ang mundo ko ng umiling sya sa akin kaya bahagya akong napaatras.

           "Umalis sya kanina iho at hindi pa bumabalik. Ang akala ko ay pupuntahan ka n---" Tinalikuran ko na kaagad si Manang because my tears started to pour again.

Mabilis akong pumasok sa kwarto namin and I can smell her perfume, her sweet smell. Nakita ko ang isang kulay itim na dress sa kama kaya napalapit ako doon even the footwear na nakakalat sa ibaba ng kama. Ang lamesa sa gilid ay may mga make ups na ginamit.

Nakakita ako ng maliit na papel na napapatungan ng alarm clock sa tabi ng make up na sa tingin ko ay ginamit nya.

        Love,

             Happy seventh monthsary..

Ayaw ng huminto ng luha ko ng binasa ko ang unang linya. Napaupo ako sa kama ko at alam kong hindi ko na kakayanin pag nakatayo.

               Hindi ako tatabi sayo ngayon kasi nag tatampo ako, hindi ako galit ha? Tampo lang. Of all occassions kasi ito pa talaga nakalimutan mo? But still nagtatampo man ako lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. I love you Love, forever and always. 😘

                                     Love your Baby,
                                             GEM 💙

Humigpit ang kapit ko sa papel na hawak ko kasi alam kong nasaan man sya ngayon ay galit na galit na sya sa akin. I am drunk earlier and ang nasa isip ko sya ang nasa harap ko. I f*cking think that she's the one kissing me and I am a f*cking fool to believe that. D*mn it!

Sunod-sunod na kabog ang narinig ko mula sa pinto and expecting that, that must be Gem kaya mabilis akong tumayo pero nagtaka ako ng isang naginginig na Manang ang sumalubong sa akin. Puno ng takot, sakit at lungkot ang mga mata nya, ang luha nya ay tumutulo na nakapagpakaba sa akin.

Nakaturo sya sa sala na nakaandar ang tv at halos mawalan ako ng hininga sa nakita at narinig ko.

         "Isang kotse ang namataan na nahulog sa bangin sa Baguio, at kinumpirma ng mga pulisya na patay na ang sakay nitong babae na kinilalang si Precious Gem Smith." Tuluyan na akong bumagsak sa narinig ko at nag iiling.

Hindi totoo 'to. Panaginip lang ito!

         "Hindi totoo yan!!!!" Hiyaw ko at binasag ang tv namin.

Wala akong magawa kundi ang magwala dahil aminin ko man o hindi, ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang dapat sisihin. Ako!

Baby, bakit ganito naman? Alam kong nasaktan kita but sana hinayaan mo naman akong magpaliwanag. Kahit hindi mo na ako patawarin basta buhay ka lang. Basta nakikita lang kita kasi napasakit nito e. Ang sakit-sakit!! Pero kulang pa 'to bilang kabayaran ko sa pananakit sayo. I'm sorry Gem. I'm sorry for hurting you and making you cry. I'm sorry for everything. Mahal na mahal na mahal kita at kailanman hindi ko tatanggapin na wala ka na.

Ikaw lang Baby. Ikaw lang ang buhay ko, ikaw lang ang dahilan ng pag tibok ng puso ko. Ikaw ang nagsisilbing hangin ko para makahinga. Ikaw ang araw na nagbigay liwanag sa madilim kong mundo pero ikaw din ang lindol na muling nagpaguho sa mundo ko.

Mahal na mahal kita, always and forever. 😭

. . . . . . . . . . . . . .

Taaaaapos na po. I would like you thank everyone na umabot sa chapter na 'to and para makabawi ako sa sakit at dissapointment na ako din ang nagbigay. Dahil sa request ng nakararami, I am writing Lips Of An Angel Book 2 entitled Always and Forever. I hope na suportahan nyo din sya the way you supported LOAA. Kita kits guys! I will still want to read your comments/thoughts. 😘😘 #NoBrain

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon