18

2.8K 78 38
                                        

Gem's POV:

       "Mrs. Choi's ordered has arrive at the exact time and she's happy with that ma'am." Sabi ng secretary na nasa harap ko habang ako ay patuloy sa pag check ng proposals na nasa mesa ko. "And she wants your designs ma'am for her fashion show next month." Napaangat naman ang tingin ko sa kanya.

Mrs. Choi is our trusted clients. Everytime na kakailanganin nya ng dresses or gowns in any events ay sa akin talaga sya nag papagawa. I am a successful fashion designer now, I studied fashion designing 6 years ago and now I had my own botique.

I looked at my secretary and gave her a slight smile.

        "Gave them a hanging answer." I said seriously.

         "What do you mean ma'am?" Naguguluhan naman na tanong nya.

          "I mean don't give them a yes nor a no. I want them to meet me and talked to me personally." Sabi ko at muli ng bumaling sa laptop.

           "Okay ma'am." Tinanguan ko sya kaya naman napayuko sya na signal para sa pag labas nya.

Narinig ko nalang ang pag bukas at sara ng pinto ng opisina ko. I sighed heavely and look at my wrist watch. It's already 10 in the evening kaya napangiti ako ng mapakla.

Ganito na lagi ang buhay ko, sa loob ng pitong taon ganito lang ang ginawa ko sa buhay ko. Work hard and work hard and work hard.    Haaaay! My life has always been boring.

Napalingon naman ako sa cellphone ko ng bigla nalang itong tumunog. Tiningnan ko kung sino and it's a video call from ate Chesca. Yes! May connection ako kay Ate Chesca, sa kanya lang.

Lumipat ako sa sofa sa loob ng opisina ko bago ko sagutin ang tawag. Sinalubong ako ng nakangiti nyang mukha.

       "Hello dearest Gem!" Masigla nyang sabi kaya napangisi ako. Narinig ko din ang mahinang hagikgik ng asawa nya. Sila lang at ang anak nila ang nakakaalam kung nasaan na ako.

         "Hi ate Che." I smile at her and slightly waved.

          "How's Newyork?" She asked as if asking what I eat. Hahaha 😂😂 Parang may nag bago naman sa Newyork.

Sa pitong taon na pamamalagi ko dito, wala naman pinagbago. Kung meron man siguro ay mas lalo itong gumaganda.

           "What do you expect ate? It's still Newyork. Nothing new." Kibit balikat ko naman na sagot bago sumeryoso.

            "What's with the sudden call?" Tanong ko ng seryoso. Napag usapan kasi namin na mag uusap lang kami pag may mga importante na nangyayari sa Pilipinas o kaya ay mga emergencies.

Matagal-tagal na din nung huling tawag nya, half a year na yata yun.

            "You know that Chester is turning 3 next month right?" Sabi ni Ate Che na parang tinitimbang pa ako. Alam ko na kung saan hahantong 'to.

            "Ate alam mo ang issue ko diba? I can't come." Seryoso kong sabi at  umiwas sa mga tingin nya.

           "Gem it's almost 7 years and a half at never ka pang umuwi. Ano? Can't move on?" Napatanga naman ako sa sinabi ni Ate Che at kita ko ang inis sa mga mata nya.

          "Ate----" Pinutol nya agad ang paliwanag ko.

          "Madaming pasko at bagong taon na wala ka. Namatay si Lola hindi ka umuwi pero inintindi ko. Gem oras na. Oras na para bumalik ka. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan." Tumigil sya at tinitigan ako ng mariin. "Your mom and Dad are lonely. Puro trabaho nalang sila at kita namin ang pagod sa kanila. And we miss you."

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon