12

3K 93 18
                                    

Gem's POV:

Nakatingin lang ako sa kanila at nakacross arms habang nakatayo sa hagdan. Nagising ako dahil sa ingay nila at wala akong ibang marinig kundi ang mga tawanan nila na nakakainis. Arggg! Mamaya talaga uuwi na ako sa bahay para naman makatulog ako ng maayos, kundi lang kay Lola ay hindi na ako uuwi dito. Nakakainis!

Bumuntong hininga ako at handa na sanang hiyawan sila sa sobrang ingay nila ng may maramdaman akong presensya sa likod ko. Nilingon iyo and there I saw Tito Bronze just woke up style. Tsk!

Nang magtagpo ang mga tingin namin ay napaiwas ako ng tingin. Waaah! Alisin mo sa isip mo yun Gem. Mali ka ng rinig! Mali!

Magmamabilis na sana ako ng lakad pababa ng bigla kong maramdaman na bumulong sa akin si Tito Bronze.

        "Good morning Gem." Bulong nya kaya para akong napapaso na lumayo sa kanya.

Nakangisi lang sya sa akin habang ako ay may malalaking mata na nakatingin sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko na palakas ng palakas ang kalabog. Umiling-iling ako at nagmamadaking bumaba.

Nang marinig ng mga pinsan ko ang ingay ng pagbaba ko ay napalingon sila sa akin then kay Tito Bronze na kasu-kasunod ko na din pala.

          "Morning Gem. " Bati ni Kuya Cob at dahil wala nga ako sa sarili ay hinayaan ko lang syang halikan ako sa pisngi.

Nagulat ako ng may tumulak sa kanya.

           "Binadtrip nyo nanaman kaya wag kang humalik-halik Cob at baka sakin ka tamaan." Malamig na sabi ni Tito Bronze at gamit ang dalawang kamay ay itinulak nya ako papuntang kusina.

            "Friends na sila?" Rinig ko pang tanong ni Hope na hindi ko alam kung kanino nya tinatanong.

            "Seriously Ti--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng titigan nya ako at biglang ngumisi. D*mn it Gem! Muntik na. I cleared my throat.

             "Seriously? What are you doing?" Mataray kong tanong at kinuha ang mga kakailanganin ko para magtimpla ng gatas.

Nag kibit balikat naman sya at naglakad papunta sa stove. Kinuha nya ang panggawa ng pancake.

              "You love pancake, right?" Tanong nya na ikinagulat ko dahil hindi naman kami nagkasama. Paano nya nalaman? Tsk!

Tumango nalang ako at naupo na sa island counter habang umiinom ng gatas. Ang nakikita ko nalang ngayon ay ang likod nya. He's wearing a plain white shirt and a gray jogging pants with a havianas as footwear. With his messy hair and just woke up look alam kong lahat ng makakakita sa kanya ay maglalaway sa sobrang gwapo nya.

Nagulat ako ng lumingon sya bigla kaya naman kahit alam kong nahuli na ako at umiwas pa din ako ng tingin at hinawakan ang baso ng gatas ko.

           "Staring is rude." Hindi ko alam kung bulong yun o sinadya nya talagang iparinig sa akin.

Inilapit ko sa bibig ako ang baso na pinag iinuman ko at nagsalita.

            "I'm not staring at you." Simple kong sabi at tuluyan ng uminom ng gatas.

             "As you say so." Sagot nya na nagkibit balikat pa talaga kaya naman padabog kong ibinaba ang baso na hawak ko.

Magsasalita pa sana ako ng biglang magpasukan sa kusina ang mga pinsan ko.

             "I smell something.. Hmmm!" Sabi pa ni Kuya Josh bago tuluyan na humila ng upuan at maupo.

             "Mukhang masarap yan Tito aa." Sabi naman ni Ate Charlotte na galing sa tabi ni Tito Bronze.

Ngumiti lang naman si Tito Bronze sa kanya. Bakit sa kanila hindi big deal ang Tito? Nakakainis naman e.!

              "Paaaancakes!" Sabi naman ni Lexie na ngumiti sa akin kaya tinanguan ko naman sya.

               "Pan. Pan. Pan. Paaaancakes!" Sakay naman ni Kuya Cob sa sinabi ni Lexie bago tumabi sa kambal nya.

             "Hoy yung kalat nyo sa sala. Para kayong mga tatlong taon." Sabi nang pumapasom na Kuya Tristan bago humalik sa ulo ko at maupo. "Pakidamihan Tito." Utos naman nya.

              "It's a seeeelfie!" Sabi ni Hope na tumakbo pa sa kung saan para makakuha lang ng pwesto na makukuhanan kaming lahat.

Mabilis naman syang bumalik sa dating pwesto nya at nagkalutkot. Lumingon sya sa akin at ngumiti bago ibinaba ang cellphone nya.

Nagutom naman ako bigla ng maamoy ko ang amoy ng pancakes na ibinababa ni Tito Bronze sa lamesa. Tumayo naman si Kuya Cob at Kuya Josh para kumuha ng mga plato at baso even watwr para may inumin. Lakas talagang makaprinsesa pag sila ang mga kasama.

Kukuha na sana ako ng plato ng may mag abot sa akin ng plato na may laman ng pancakes with chocolate syruuups! Waaaaah. Nakakapanlaway.

           "Daya! Bakit espesyal kay Gem?" Reklamo ni Ate Charlotte na ikinangisi naman ni Tito Bronze na naupo sa tabi ko.

           "Peace offering." Simpleng sabi nya na nakapagpakibit balikat lang sakin at nag simula ng kumain. "Tsaka you know need thay Charlotte, nakagitna ka naman na sa dalawang special child." Doon napatawa ang mga pinsan ko except sa kambal na syang tinutukoy ni Tito kay Ate.

Tahimik lang ako habamg kumakain samantalang sila ay halos hindi na magkandamayaw sa pag sasalita at talagang nag uunahan pa.

Nakikitawa lang o nakikingiti lang ako sa kanila pag nakakatawa ang mga pinag uusapan nila.

             "Gem sama ka?" Gulat na napaangat naman ako ng tingin kay Kuya Tristan ng tanungin nya ako. Uminom muna ako ng tubig bago magsalita.

             "Saan Kuya?" Tanong ko naman at nag focus sa kanya.

            "Nagbabalak kasi kaming mag road trip mamayang gabi e." Paliwanag nya na sinang ayuman naman ng mga pinsan ko.

             "Delikado yun aa. Tsaka gabi? Saan naman pupunta?" Tanong ko naman sa kanila.

              "Ano ka ba Gem. Think positive!" Pang hihikayat naman sa akin ni Ate Charlotte. "Tsaka I'm in. Mag enjoy lang tayo." Sabi pa nya.

              "Kahit saan nalang tayo mapunta. Masaya kasi mag road trip pag gabi e." Sabi naman ni Kuya Josh na kumukuha nanaman ng pancake.

               "I don't know pa. If Mom and Dad will allow me. Uuwi din kasi ako sa bahay mamaya. " Paliwanag ko pa.

            "Si Tito Bronze na bahala kila Tito at Tita tapos daanan ka nalangl namin senyo. Dala ka na din ng kahit pamilit in case na kailanganin natin." Hope explained as if I'm in.

Tiningnan ko naman si Tito Bronze na tahimik lang pero may ngiti sa mga labi. Nilingon nya ako at nginitian bago sya pasimpleng tumango sa akin na sa tingin ko ay walang nakapansin. At walang ano-ano e para akong na hipnotismo at tumango ako.

          "I'm in." Rinig ko ang hiyawan nila pero mas malakas ang kabog ng dibdib ko.

Alam kong mali ito. Mali ang nabubuo kong nararamdaman pero kahit anong pigil ko ayaw e mas lalo lang tumitindi at lumalakas pag pinipigilan. Bakit hindi ko maiwasan kiligin kahit alam ko at mulat ang mata ko na mali ang nararamdaman ko. Haaay!

. . . . . . . . . .

Heeeello. 👌😂😂 I love you guys! 😍😘💙💙 Comments are much appreciated. 😂👌 May 27 is my 🎂. Hahah. Tumatanggap ako ng early gifts. 👏😂👌🙊
#NoBrain

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon