Gem's POV:
"Yeeeeeah!!" Hiyaw nila Kuya Cob at Kuya Josh habang nagtatawanan naman sila Kuya Tristan.
Success ang plano nila na tumakas kami at mag road trip. Actually di na sya pagtakas kasi nagpaalam kami kila Mom and Dad at wala silang nagawa kundi ang payagan kami.
Alam nila Mom na hindi ako basta-basta sumasama sa mga pinsan ko kaya alam kong nagtataka din sila kung bakit napapadalas ang paglabas ko pero I know how happy they are for me kasi natututo na akong makisama hindi yung lagi lang ako sa bahay.
"This is the beeest!" Masigla naman na sabi ni Hope kaya napangiti din naman ako.
Iniikot ko ang paningin at nakita ko kung gaano kasaya ang mga pinsan ko. I looked at Ate Chesca na umiwas ng tingin sa akin. Napakunot noo ako dahil sa inaasta nya towards me the last days, laging ganito. Para syang may itinatago sa akin. Tatanungin ko na sana sya ng may bumulong sa tenga ko na nagbigay kilabot sa akin.
"Are you okay?" It's Tito este Bronze husky voice.
Nilingon ko sya at bahagya pa akong natulala sa kagwapuhan nya. Kelan ba ako hindi matatameme sa mukha nya? GOD's created him as perfect as he is. Goodness!
Kumurap-kurap ako ng makita ko ang ngisi sa mga labi nya. Umiwas ako ng tingin at bahagyang tumango at tiningnan nalang sila Lexie at Kuya Cob na nag iinisan.
"Are you happy? O napilitan ka lang talaga na sumama." This time medyo malayo na sya sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko kung mas lumaput pa sya. Tingin pa nga lang nya nakakapanginig na e.
"I am happy. Actually naisip ko na ang dami ko na palang moments na nasayang." I tried my best to tell that casually na parang hindi kumakalabog ng napakalakas ang puso ko.
Tumango-tango naman sya at ngumiti nalang. Napalingon naman ako kay Kuya Josh ng tawagin nya ang pangalan ko.
"Geeem!" Halos humiyaw na si Kuya Josh dahil napakaingay talaga namin sa sasakyan.
Bahagyang hininaan no Kuya Tristan na syang nagdadrive ngayon ang stereo para siguro magkaintindihan.
"San mo gustong pumunta?" Masiglang tanong ni Kuya Josh ng magtama ang mga mata namin sabay salpak ng chichirya sa bibig nya.
Tumango-tango naman si Kuya Cob na umiinom ng pepsi in can.
"Yaah! Great idea. Tutal naman first time mong sumama sa roadtrip like this. Ikaw na mag suggest ng place." Sabi naman ni Hope na nakipag apir pa kay Lexie na kinindatan lang ako.
I shrugged my shoulder at them.
"Anywhere I think." Alangan kong sabi.
Natahimik naman sila na parang nag iisip ng magsalita si Tito este Bronze.
"Why don't you take us sa mga lugar na napuntahan nyo na pag di kami kasama tutal isang beses palang naman din ako nasama sa inyo." Suggest nya na nakapagpalakpak pa sa kanila.
"Nice suggestion Tito." Sabi ni Kuya Josh at nakipag apir pa kay Tito Bronze na nakangisi lang.
Napalingon sya sa akin at kumindat. Nagulat ako hindi dahil baka mahuli kami kundi dahil sobrang gwapo nya. Para tuloy gusto kong manabunot ng mga babaeng napalapit sa kanya nung nasa ibang bansa sya. My GOD! Your dead now Gem.
Hindi ko alam na sumama na pala ang tingin ko sa kanya dahil sa naiisip ko kaya napanganga sya ng magtama ang mata namin.
"What did I do?" Bulong nya habang iniaangat ang kumot na nakabalot sa paa namin.
"Don't talk to me." Inis kong sabi dahil hindi ko lubos maisip na may naging gf na sya.
Napanganga naman sya na nakapagpairap sa akin. Tsk! Hindi ko ba alam kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko.
I am aware na may nabubuo na akong ibang pakiramdam towards Tito Bronze, I am aware na mali ito. I am aware na isa itong kasalanan but what should I do. I can't control my heart. I just cant!
. . . . . . . . . .
"This place naman pinuntahan namin last December I think nung may party at tumakas kami sa sobrang bored nung party as in. It's all about business." Explain naman ni Lexie.
Pangatlong destinasyon na namin ito at ganun katagal ko na din hindi pinapansin si Tito Bronze na hindi na yata ako inalisan ng tingin.
I smiled at Lexie ng mapatingin sya sa akin kahit wala akong naintindihan sa mga sinasabi nya. Halos lahat naman ng napuntahan namin magaganda e. This one is my favorite, sobrang tahimik dito na mas gugustuhin ko pang dito nalang tumira.
Huminga ako ng malalim at tiningnan si Ate Chesca na pumasok sa HiAce namin na sakay. Pasimple kong iniikot ang tingin ko at ng mapansin na hinila nila Kuya Tristan si Tito Bronze sa kung saan at walang nakatingin sa akin ay pasimple kong sinundan si Ate Chesca.
Ibinukas ko ang sasakyan at mula sa paghahalungkat sa bag na dala nya ay iniangat nya ang tingin nya sa akin.
Kitang-kita ko kung paano sya napalunok at awkward na ngumiti sa akin bago bumalik sa paghahalungkat ng gamit nya.
Isinara ko ang sasakyan at naupo , bumuntong hininga ako bago nag salita.
"Ate Che." Tawag ko sa kanya kaya naman nilingon nya ako at napahinto sa paghahalungkat.
"Hmmm?" Simple nyang sagot at lumingon sa gilid nya. "Oww! It's here." Sabi nya sabay wagayway nung headset nya.
Isinara nya ang bag at lalabas na sana ng pigilan ko sya. I looked at her seriously.
"Ate Che what's your problem?" Tanong ko agad sa kanya.
She looked at me and smile.
"Wala Gem. Ano ka ba?" Natatawa-tawa nyang sabi pero ramdam ko ang kaba sa mga salita nya
"Ate I know that there's something that's bothering you. What's that?" Sabi ko na pinipigilan na sumabog. I know. I GODDAMN know that there's a problem.
"Gem seriously? Wala talaga. I'm fine!" Sabi ni Ate Che na parang naiinis na din.
"Ate I am here." Sabi ko at bumuntong hininga. "Pag may problema ka pwede mong sabibin sa akin. Nandito lang ako, nandito lang kami. You can trust me the way I trust you."
Doon sya parang nagulat. Nanlaki ang mga mata nya kaya napangiti ako sa kanya.
"I trust you ate. Ilan lang ang tao na pinagkakatiwalaan ko at isa ka dun. I can't imagine kung ano mararamdaman ko pag nalaman kong may tinatago kayo sakin. You can tell me everything ate. Ayoko lang na sa iba ko malalaman. I trust you so much ate." Sabi ko at tinapik ang balikat nya.
I smiled at her bago ako lumabas. Alam kong may itinatago sila sa akin lalo na si Ate Chesca. Aalamin ko yun! Aalamin ko kung ano yun. Not now but soon! 👋
. . . . . . . . . . .
Fiiiirst update after my birthday. Haha 😂😂 Sooo guys! Enjoy your first day of school guys! Inspire me. Loooove you. 😘😍
PS: Comments are much appreciated. 😜😎 Asan pala gift ko? Hahaha 😜😂😂😂

BINABASA MO ANG
Lips of an Angel ✔
Romantizm"They say loving you will be the death of me but I don't care about their opinion. At least I will die fighting for you and not because I am not with you" - Bronze Axel Smith