25

3K 83 14
                                        

Lexie's POV:

Nandito kami ngayon sa garden at hinihintay si Gem. Hindi ko alam kung paano napapayag ni Kuya Teejay si Gem na kausapin kami.

Masyado syang nagalit sa amin na ilang linggo nya kaming hindi pinapansin. Sobra na kaming nag aalala sa kanya lalo na nung hindi sya mag lalabas ng kwarto pero nakahinga kami ng maluwag ng sabihin ni Manang na kinakain naman ni Gem ang pagkain nya.

Ni isa sa amin ay hindi makapag concentrate sa trabaho. Habang nasa company kami wala kaming ibang iniisip kung hindi sya. Ayaw na namin maulit na lumayo ang loob nya sa amin.

Masakit para sa amin na malayo si Gem. We need to take care of her until the end at yun ang priority namin na magpi pinsan. Ang protektahan at suportahan sya. Sila Tita Lana at Tito Dave naman ay halos hindi na makapunta sa mansion dahil natatakot silang kaharapin ang galit ni Gem pero halos minu-minuto naman na tumatawag sa mga katulong sa bahay.

Napatingin ako kay Hope ng bigla nya akong kalabitin. Iniikot ko din ang tingin ko at nakitang nakatayo sila Kuya Teejay at Tito Bronze na may hawak na alak habang ang kambal ay tahimik na umiinom habang nakaupo which is new dahil alam ng lahat ang kakulitan ng dalawa.

          "Wala ka bang napapansin?" Bulong ni Hope na sinisiguradong ako lang ang nakakarinig.

Kumunot naman ang noo ko at bahagyang umayos ng upo.

            "Anong napapansin?" Mahinang tanong ko pabalik ay nilingon si Kuya Cob na kunot noo kaming tiningnan bago nagkibit balikat.

            "Hindi kasi ako mapakali. I know there is something strange between Tito Bronze and Gem." Malikot ang mga mata nya na parang naninigurado na ni isa sa mga sinabi nya ay ako lang ang nakarinig at wala ng iba.

Napaisip ako kasi yun din ang masusubaybayan ko. The way Tito Bronze calm Gem nung galit na galit si Gem, the way he looked at her everytime she's near, the way he slightly smile when she smile and laugh, the way he looked for her when she's out of sight and the way he choose her. Alam kong may mali pero sino ba ako o kami para mang husga? Wala kaming ebidensya.

           "Alam mo ganyan din ang iniisip ko e. May nangyayari dito na hindi natin alam." Mahina kong sabi at bahagya pang tumingala at nakita ang mga bituin sa langit.

          "You think they're..." Nilingon ko sya para lang makita na nakangiwi sya habang pinagdidikit ang hintuturo at gitnang daliri.

Nanlaki ang mga mata ko pero kaagad din napailing.

           "Imposible kasi --" Naputol ang pagsasalita ko ng sumingit si Kuya Josh sa usapan.

          "Hindi pa nga tayo pinapatawad gumagawa nanaman kayo ng dahilan para magalit sya." Malamig na boses nya ang sumalubong sa amin. "Anong klase kayong mga pinsan kung huhusgahan nyo kaagad sya ng wala naman kayong pruweba?"

           "Kuya kasi---" Magpapaliwanag pa sana si Hope pero pinigilan na sya ni Kuya Josh.

          "Kayo of all people ang nakakaalam kung gaano kasakit na pag isipan ng masama ng ibang tao. Bakit ganyan ang mga isip nyo?" Ramdam ko sa boses ni Kuya Josh ang galit at pagka dissappoint sa amin.

I wanted to cry kasi yung iniingatan namin na samahan unti-unti ng nasisira.

         "Kung saka-sakali pala na totoo yang mga nasa isip nyo, kayo pa ang unang huhusga sa kanila!" Bahagya syang ngumisi pero halos maiyak ako sa sakit sa binitiwan nyang salita.

          "Wala kayong kwentang pinsan pag nagkataon. At handa akong humarap sa inyong dalawa ng taas noo maipagtanggol lang si Gem mula sa mga katulad nyo." Natahimik kami.

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon