Gem's POV:
Ang kaba ng nararamdaman ko ngayon ay dinaig pa ang kaba pag may recitation sa school. Higit pa sa kaba na mararamdaman pag mag pepresent ka sa harap ng board at ng mga tao. Higit sa kaba na nararamdaman pag nahuli ka ng crush mo na tinitingnan sya. Pakiramdam ko anytime soon lalabas na lang ang puso ko sa dibdib ko at hihimatayin.
Gusto kong umatras at mag back out pero yakap ako ni Mom at hindi ko maiwasan mangulila habang mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin at umiiyak. Ngayon lang! Ngayon ko lang naramdaman ang pagkainip sa kanila.
Nangingilabot ako sa tingin na ibinibigay ng mga pinsan ko sa akin habang sila ay may mga gulat na tingin. Hindi ko alam kung paano, kung paano ako magpapaliwanag at sasabihin ang lahat lalo na kung hindi nila alam ang tunay kong dahilan.
Kumalas sa yakap si Mom at si Dad naman ang yumakap sa akin bago ako halikan sa temple.
"I miss you baby." Bulong ni Dad at alam ko na pinipilit nya lang ang sarili nya na pigilan ang luha.
"I miss you more Dad. " This time tuluyan ng tumulo ang luha ko.
Tumawa ako ng mahina ay pinunasan ang luha ko. Bumitaw si Dad at umakbay kay Mom habang lahat sila nakatingin sa akin.
Napatingin ako kay Ate Che ng kalabitin nya ako.
"Tita. Tito. Mamaya na drama." Natatawang sabi naman ni Ate Che bago umabrisyete sa akin kaya natawa ako. "Mamaya ko na din po ipapaliwanag ang lahat sa inyo para isang explanation nalang po. Sa ngayon," Bahagya naman akong hinila kaya naibalik ko ang tingin sa kanya. "Hiramin ko po muna si Gem. Namiss din nila." Sabay nguso sya.
Yung kaba na medyo nawala kanina ay biglang bumalik. Hindi ko alam na may mas ilalakas pa pala ang kaba na nararamdaman ko kanina.
Hindi na ako nakaayaw ng hilahin ako ni Ate Che. I tried my best to give my smile para hindi nila maramdaman ang kaba ko pero may isang mata na hindi ko masalubong. His eyes who captivate my heart. Yung mga mata nya na sobrang expressive noon ay nawalan ng emosyon ngayon and I know I'm the one who did that or so I thought sabay baling ko sa babae sa tabi nya.
The girl is a morena and she's pretty. Pretty enough para magpa kirot ng puso ko na sya siguro ang bago. Pero ano problema ko? Pitong taon ang sinayang ko and I ready myself for this pero bakit parang hindi ko pinaghandaan? Bakit naman ganito.
Nagulat ako ng mag clear throat si Ate Che kaya awkward akong ngumiti sa babae na nakatitig din sa akin ngayon bago bumaling ng tingin sa mga pinsan ko. My smile faded at parang gusto kong humagulgol ng iyak ng makita si Kuya Teejay na nakaabang sa yakap ko.
Even if I wear a long gown I run ang hugged Kuya Teejay na humalik sa ulo ko.
"How's our baby Gem? You've grown into a gorgeous woman as expected. " Bulong nya sa akin kaya napangiti ako kahit ayaw tumigil sa pag tulo ng mga luha sa mga mata ko.
Nagulat naman ako ng may humila sa akin at napasubsob naman ako sa dibdib ni Kuya Josh.
"Hindi lang ikaw ang nakamiss Kuya Teejay, let us hug her too. This little brat!" Bahagya naman akong napahampas sa dibdib nya kaya nag tawanan sila na nakapagpahikbi sa akin.
May humawak naman sa braso ko kaya napalingon ako.
"Tss. Nagtatampo yan sayo e pero di yata nakapag pigil." Bulong sa akin ni Kuya Josh bago ako halikan sa ulo ay hayaan si Kuya Cob na yakapin ako ng mahigpit.
I almost can't breath pero di ako nag reklamo because I know how much I missed them too. This is how much how I always think of them na kahit hindi kami gano nagkakasama they will always be a part of me. I cannot say that my life is complete without them completing me.
![](https://img.wattpad.com/cover/97288995-288-k40299.jpg)
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel ✔
Roman d'amour"They say loving you will be the death of me but I don't care about their opinion. At least I will die fighting for you and not because I am not with you" - Bronze Axel Smith