14

2.9K 83 3
                                        

Gem's POV:

Hindi ko alam kung ako lang ba talaga o talagang tahimik lang ang lahat ngayon. Hindi ko alam kung pagod nga ba talaga ang lahat? Simula ng kausapin ko si Ate Che kanina ay di na sya lumabas ng sasakyan na ikinataka naman ng lahat. They asked me why na ikinakibit balikat ko lang kasi wala naman akong ginawa para ma awkward sya sa akin o kahit kanino.

I sighed heavely and looked at my wrist watch. Alas tres na pala ng madaling araw, malayo-layo din kasi ang narating namin. Inilipat ko ang tingin ko sa labas at pumikit ng mariin.

Ang daming gumugulo sa isip ko. If ever na may hindi sila sinasabi sa akin, bakit nila itinatago? Ano yun? Ano ang tungkol dun? Bakit hindi nila sabihin? I will truly understand whatever it is kung sa kanila ko mismo malalaman at hindi sa iba.

Muli akong napabuntong hininga at di ko alam na kanina pa din pala ako pinagtutuunan ng pansin ni Tito Bronze.

          "May problema ba?" Bulong nya kaya nilingon ko naman sya. "You seemed bother." Dugtong pa nya pero umiling lang ako at muling ibinaling ang tingin sa bintana.

Hindi pa nagtatagal ang mata ko sa labas ay muli syang nagsalita.

           "Gem, looked at me." This time medyo may diin na ang boses nya.

Nagulat ako at iginala ang mata ko just to see na tulog na lahat except kay Kuya Josh na syang driver ngayon at dahil nasa dulo kami at naka focus sya sa pagmamaneho alam kong di nya kami naririnig. Inis ko syang nilingon.

          "Wala okay? Wala akong problema so please!" Sabi ko at inirapan sya.

Gusto kong maconcentrate sa pag iisip kung bakit naiilang sa akin si Ate Che gayong wala naman akong ginagawa na masama sa kaniya o kahit sino sa kanila.

           "Gem!" Alam kong galit na si Tito Bronze pero di ko sya nilingon kaya naman ikinagulat ko ng hawakan nya ang kamay ko ng mahigpit. "I want you to look at me eye to eye everytime I talked to you." Seryoso nyang sabi.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko pero ipinagsawalang bahala ko yun. Mali ito! Kailangan kong tapusin ang kahibangan na 'to, hindi dapat ito palalain dahil ang pagmamahal ay isang sakit na walang lunas.

        "Who are you?" Nginisihan ko sya at umiling-iling ako. "Let me remind you, your my uncle and I am your f*cking niece. Kaya ngayon palang tigilan mo na ang lahat ng 'to." Seryoso kong sabi sa kanya na nakapagpaluwag ng hawak nya sa akin kaya agad kong hinila ang kamay ko.

          "Gem, ginawa ko ang lahat pigilan lang 'to but what happened? I literally fall. " Madiin nyang sabi na parang pilit nyang ipinapaintindi sa akin ang lahat.

             "Then try harder!" Madiin kong sabi at pinipigilan ang galit at sakit na namumuo sa loob. "Hindi mo sinubukan mabuti. Your effort is not enough. We both know that this is wrong yet you still doing it, I don't want to dissappoint anyone. I don't want to be the demon here!" Naluluha kong sabi.

Tumingin ako sa labas. Nakita ko na malapit na kami sa bahay.

           "Please don't come near me again. I don't want you in my life. Hindi ko isusugal ang buhay ko sa pagmamahal na walang kasiguraduhan at sa pagmamahal na sisira ng lahat."

Pagkatapos kong bitiwan ang mga salita na yun ay nagmamadali akong bumaba ni hindi ko nakuhang magpaalam kay Kuya Josh. Narinig kong tinawag nya ako but I've done enough.

Mabilis akong umakyat sa kwarto ko at parang akong nauubos na kanila na bumagsak sa sahig. Isa-isa din nagtuluan ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Kung inaakala nya na sya lang ang nasaktan mali sya. Ako man ay nasasaktan pero kung hindi ko pipigilan 'to, kelan pa?

I know what I've said is all below the belt but we all need that. We both know that this is wrong. Kailangan kong itama ang mali hangga't hindi pa nalalason ang utak ko nang pagmamahal na nararamdaman ko dahil sa oras na malason ang utak ko alam kong kahit mali ipaglalaban ko ang pagmamahal ko.

I need a break for everything. Gusto kong lumayo. Gusto ko yung dati kong buhay. Maybe titigilan ko muna ang pag sama sa kanila. Ako na yung iiwas at baka sakaling masagip ko pa ang sarili ko sa unti-unting pagkahulog sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pag iyak. Nagising nalang ako sa araw na tumatama sa mga mata ko na hindi ko maimulat sa sakit at pamamaga.

Tamad akong bumangon sa sahig kung saan ako nakatulog at dumapa sa kama. Nag simula nanaman mamuo ang luha sa mata ko and I tried my best na huwag malaglag ang luha but I failed. I f*cking failed.

I smile bitterly and wipe my tears away. Tiningnan ko ang orasan na nasa bedside table ko just to see it's already 1 in the afternoon. Alam ko na nasa work na sila Mom and Dad ng ganitong oras. Tumayo ako and ready to take a bath nung makita ko ang cellphone ko, battery low. I charged my phone and take a bath.

Pagkatapos kong maligo ay binuksan ko ang cellphone ko at noon lang nagpasukan ang mga texts nila. Una kong tiningnan angg text ni Mom saying that they're off to work and not bothered to wake me up 'cause they'll know that I'm tired.
      
Nakita ko din ang text ng mga pinsan ko na hindi ko na binasa. Binura ko agad ng hindi binabasa lalo na ang mga text ni Tito Bronze. Pinatay ko ulit ang cellphone ko at itinago sa mini cabinet ko.

I sighed heavely at tiningnan ang sarili sa salamin. I'm smiling but my eyes saying what I am really feeling. I can't fool myself. I just can't.

Muli ay huminga ako ng malalim at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang pagkain sa lamesa na tiningnan ko lang at dumiretso sa refrigerator para uminom ng tubig. Hindi ako makaramdam ng gutom o ng kahit ano.

Ibabalik ko na sana sa ref and pitsel ng matabig ko ang baso sa lamesa kaya gulat akong tiningnan ang bubog nito dahil sa pagkabasag.

Nanlalaki ang mga mata ko at kasabay nun ang malakas na kalabog ng puso ko.

. . . . . . . . . . . .

Haaaaappy me! 😂😂 Nanalo ang team ko e. Hahaha 😂 Hello guys! More comments please! 😘😘 #NoBrain

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon