Hope's POV:
"C'mon Tito Bronze! Saglit lang naman tsaka ngayon nalang 'to ulit." Pamimilit ni Kuya Cob kay Tito Bronze na hindi man lang kami tinapunan ng tingin at patuloy na nakatutok sa documents na nasa harapan nya.
"I'm busy." Simpleng sabi nya at tinapunan kami ng malamig na tingin.
7 years ago ng makatagpo ng mga mata namin ang malalamig nyang tingin. Bumalik kami sa hospital noon ng makita namin syang nakagising at nakasandal lang sa kama kung saan sya naka confine. Tinanong namin sya kung kamusta na pero ni isa sa amin ay wala syang kinausap maging sila Lola at mga Tita namin.
Nag pumilit syang lumabas na kaagad nung araw na yun pero di sya pinayagan. Hindi umubra ang mga doctor dahil ng malingat kaming lahat ay bigla syang nawala sa kwarto nya. Nagkagulo kaming lahat sa paghahanap at pag aalala dahil may sugat pa sya sa braso that time.
Inabot kami ng tatlong oras sa paghahanap at natagpuan namin sya na nagpapakalasing sa isang bar. Napagalitan sya, obviously pero laging ganun nalang. Parang nawalan sya ng saysay na mabuhay at simula din nun ay hindi na namin nakita pa si Gem.
Tinanong namin ang mga magulang nya kung nasaan sya pero wala din silang alam. Wala daw sinabi si Gem, basta ang alam lang daw nila ay aalis ito ng bansa. Nag alala ako dahil nung huli kaming magkausap ay galit ako pero nadala lang ako ng takot nung mga panahon na yun. Wala kaming komunikasyon sa kanya, maging sino man sa amin o akala ko lang na lahat kami walang komunikasyon sa kanya.
"Let's go Bronze. Mayaman kaya pag bigyan mo na mga pamangkin mo." Sabi ni Baby.
Napatingin kaming lahat sa kanya at napabuntong hininga. Siya si Baby well Babylyn, nakilala namin sya ng one time natakasan kami ni Tito Bronze at iniuwi nya sa amin si Tito na lasing na lasing at walang malay. Since then nakasama namin sya hanggang sa napansin namin na napapalapit na sya sa amin lahat lalo na kay Tito Bronze.
Mas lumala ang samahan namin ng mamatay si Lola, 3 years ago. Lahat kami nalugmok pero she's there to support us at pagaanin ang pakiramdam namin. She's kind and pretty. Pero hindi maitatago ang lungkot sa amin ng hindi umuwi si Gem ng mamatay si Lola, hindi namin alam kung di ba nya alam o ano. Nagalit kami, ayy nag tampo lang pero wala na ngayon yun dahil wala naman may kasalanan na mawala si Lola, katandaan nalang talaga.
Tiningnan ni Tito Bronze si Baby pero walang emosyon ang mga tingin na yun. Hindi nya nakikita ang pagmamahal sa mga mata ni Baby kapag tinitingnan sya, sakit naman ang bumalatay sa mata ni Tito Bronze.
"Go if you want." Malamig na tugon naman nya sa amin pero nagulat kami ng tumayo si Ate Che na kaninang nakayakap sa bewang ng asawa nya. Yes! May asawa na si ate Che, 4 years ago pa.
"C'mon Tito. Chester want's to bond with you." Sabi ni Ate Che na hinawakan na ang mga kamay ni Tito.
Napatingin naman si Tito sa bata na tahimik na nakaupo. Tiningnan nya ang anak ni Ate Che na nakaupo sa tabi ng ama nito at ngumiti lang kay Tito Bronze. Sumenyas si Tito Bromze sa bata kaya nagtatatakbo naman na lumapit ang bata na ikinandong ni Tito.
"You want to bond with Papa?" Bulong nito sa bata na ikinatango lang ni Chester. Hindi sya nakakapagsalita pero 2 years old na sya, pinatingnan na sya pero ang sabi ay wala naman daw itong dahilan para maging pipe at normal lang daw ito sa mga ibang bata.
Papa ang nakasanayan nang sabihin ni Tito pag sya ang pinag uusapan as if gusto nya na pag nakapagsalita na ito ay Papa na ang itawag sa kanya.
Tumayo si Tito Bronze at binalingan kami ng malamig na tingin bago kami unahan sa paglabas ng opisina nya. Dito na halos sya nakatira sa opisina, madalang na syang umuwi ng bahay. May condo naman sya at may rest house na hindi pa namin napupuntahan.
BINABASA MO ANG
Lips of an Angel ✔
Romance"They say loving you will be the death of me but I don't care about their opinion. At least I will die fighting for you and not because I am not with you" - Bronze Axel Smith