Gem's POV:
Kanina pa ako biling baliktad sa higaan ko dahil nakokonsensya ako sa nangyari. Mygad! Anong oras na? Nagdadabog akong bumaba sa kama ko at isinuot ang bunny na tsinelas ko na malambot. Bumaba ako papuntang kusina para mag timpla ng gatas, napadaan naman ako sa library at dahil bahagyang nakabukas ang pinto nito at nakita kong bukas pa ang ilaw.
Maingat akong lumapit doon at medyo nilakihan ang bukas ng pinto at napatakip ako sa bibig ko ng makitang nandun si Tito Bronze na seryosong nakatitig sa laptop nya.
Mabilis akong lumayo doon dahil mas lalo lang akong binibisita ng konsensya ko. Iniikot ko naman ang paningin ko at tinalasan ang pandinig, di ko na naririnig ang mga pinsan ko. Maaga yata silang nag si tulog ngayon. Isang himala!
Nagtimpla ako ng gatas at ipinag timpla ko na din ng isang tasang kape si Tito Bronze ngayon ang hindi ko nalang alam ay kung pano ko ibibigay 'to sa kanya. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at naupo habang nag iisip kung ano ang dapat gawin para maibigay 'to.
Mygad Gem! Haaaay. Napadukdok naman ako bigla sa lamesa ng makarinig ako ng kaluskos. Mabilis kong iniangat ang ulo ko just to see Kuya Cob entering the kitchen.
Gulat syang tiningnan ako habang ako ay umirap lang. Bahagyang bumuka ang bibig nya na parang may sasabihin pero mabilis din nyang itinikom. Nag bukas sya ng ref bago nag salita.
"Bakit gising ka pa?" Tanong nya, the humor everytime na kakausapin nya ako ay nawala. Para kaming di magkakilala sa tono ng boses nya.
"I can't sleep." Halos bulong ko nalang. Nilingon naman nya ako while holding chocolates and beer. Iinom sya? Mag-isa nya lang? Gusto kong itanong.
"Aa. We're at the garden, wanna come?" Aya nya at nagawi naman ang tingin nya sa gatas na hawak ko na ngayon at sa isang timpladong kape.
"No na." Umiling ako sa kanya at kinuha na ang gatas na tinimpla ko. "Nag timpla lang ako nito, pampatulog."
Tinanguan naman nya ako. Paalis na sana ako ng kitchen ng makita kong papalapit si Tito Bronze. D*mn! Pasimple kong nilingon ang kape na hinanda ko at tumingin kay Kuya Cob na may nagtatakang tingin.
Yumuko ako at huminga ng malalim. Nag angat ako ng tingin ng naramdaman ko na ang presensya ni Tito Bronze sa loob ng kitchen. Feeling ko ang sikip ng kitchen namin ngayon. Muka syang nagulat at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Kuya Cob.
Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko bago nag simulang lumakad. Pero napahinto ako ng mag salita si Kuya Cob.
"Tito Bronze, let's drink!" Aya ni Kuya Cob and in my pheriperal view nakita kong iniangat nya ang beer na hawak nya.
Umiling naman si Tito Bronze sa kanya at bahagyang natawa.
"Next time. Dami ko pang gagawin e, mag titimpla lang sana ako ng kape." Paliwanag naman ng huli.
Nakita kong nilingon ako ni Kuya Cob kaya naman napalunok ako at tumalikod na ulit.
"Ayan o. May coffee dyan sa table." Alam kong nilingon ako ni Kuya Cob. "Iyo ba yun Gem? Okay lang na kay Tito Bronze nalang?" Tanong ni Kuya Cob kaya naman napatango nalang ako.
"Hindi na. I can make a new coffee nalang." Sabi naman ni Tito Bronze bago kumuha ng panibagong tasa at nag timpla ng kape nya.
Bumuntong hininga ako at tuluyan ng umalis doon. Laglag ang balikat ko habang naglalakad, guilty na nga ako e. Sobra-sobra na akong nakokonsensya. Arggg! Sanay naman na ako na di pinapansin at sa cold treatment ni Tito Bronze pero para kasing iba ngayon. Ewan ko ba!

BINABASA MO ANG
Lips of an Angel ✔
Romance"They say loving you will be the death of me but I don't care about their opinion. At least I will die fighting for you and not because I am not with you" - Bronze Axel Smith