Chesca's POV:
Tahimik kaming lahat ngayon dito sa living room ng mansion. Lahat ng magkakapatid at magpipinsan ay pinatawag dito at hindi pwedeng humindi.
Matatawa na sana ako sa ekspresyon ng mga pinsan ko na pare-parehas mukang sabog dahil anong oras na natapos ang inuman. Pero hindi ko magawang tumawa dahil ako ang mahahotseat ngayon.
Sinulyapan ko muna si Chester na nakakandong kay Tito Bronze na walang pagbabago ang ekspresyon ng mukha. Ngiting-ngiti naman na nakatingin si Chester kay Gem na medyo malayo sa pwesto nila. Awkward na kumaway naman din si Gem pabalik kaya napatakip sa bibig nya ang anak ko.
Wala dito ngayon si Ge dahil may conference sya na dapat puntahan at ayaw naman din nyang makisangkot sa gulo na 'to. Tahimik lang ang lahat at halos pag hinga lang ang maririnig mo.
"Mama hiy." Bulol na sabi ng anak ko na ngayon ay nasa harap na ni Gem at may hawak na baso ng juice.
Maingat na kinuha naman ito ni Gem at ginulo ang buhok ni Chester habang ang mga Tito at Tita namin even Mama at Papa ay may mga nanlalaking mata. Si Tito Bronze naman ay bahagya lang napakunot noo dahil wala nga pala sya kagabi.
Nilingon ako ng mga adults na parang nang hihingi ng paliwanag pero nagkibit balikat lang ako. Masaya kasi ako para sa anak ko.
"You have a lot to explain Chesca." Malambing na sabi ni Mommy na prenteng nakaupo sa one seater sofa.
"Mom. At sa lahat po sa inyo." Tiningnan ko silang lahat. "Yes. Nakakausap ko po si Gem, I had a communication with her." Sabi ko at lahat sila nagulat.
"You know how much we search for her and you still not tell us where she is?" Halos inis na sabi ni Tita Lana pero hinawakan naman sya agad ni Tito Dave na seryoso lang na nakikinig.
"I asked a favor Mom." Singit ni Gem at lumapit sa akin, nakita ko naman na lumipat si Chester kay Hope. "I asked her not to tell to everyone. I even blackmailed Ate Che, Mom. Wag nyo syang sisihin because I am the one to blame." Maayos na sabi ni Gem na hinawakan ko sa braso.
"In the first place, bakit ka umalis Gem?" Tanong ni Papa na seryoso."Am I not allowed to go out of the country? Am I not allowed to do whatever I want? Am I not allowed to be happy? Who am I here? A prison?!" Hindi ko alam kung saan humuhugot si Gem pero maging ako nagugulat sa sinasabi nya.
"But being out of the country in the past seven years. You think your reason of being happy is enough to explain everything?" Seryoso naman na sabad ng Papa nila Hope kaya napayuko kaming magpipinsan but not Gem.
"Leaving my family is hard and doing that for the sake of this family is even harder but I still I did it for the happiness of everyone. Wag nyong kwestyunin ang ginawa ko kasi hindi ko ginawa ang lahat ng yun para sa sarili ko. " Natameme ang lahat sa sinabi ni Gem.
"Bakit hindi mo ipaliwanag ang lahat ija? Baka maintindihan namin kasi hindi namin ma intindihan reasons mo. Ang daming butas ng kwento na kahit panong tagni hindi mabuo-buo. " Sabi naman ng mama nila Hope na nakakapit sa braso ng asawa nito.
"Tita I have my reasons and no one will understand me. Not even my Mom and Dad. Sa tingin nyo maiintindihan nyo ako kung sarado ang utak nyo sa mga dahilan ko? ." Sabi ni Gem na bumabagsak na ang luha. Kitang-kita ko naman ang pag kuyom ng kamao ni Tito Bronze.
"Why interogate her? That's her life hindi natin dapat pang himasukan yun. She's at the right age and she had her own brain to think and do whatever she wants." Cold na sabi naman ni Tito Bronze kaya napabaling sa kanya ang lahat kahit si Gem na nanlaki ang mga mata.

BINABASA MO ANG
Lips of an Angel ✔
Romance"They say loving you will be the death of me but I don't care about their opinion. At least I will die fighting for you and not because I am not with you" - Bronze Axel Smith