31

3.2K 91 15
                                    

Gem's POV:

           "In two weeks birthday mo na. Ano plano mo Gem?" Tanong ni Kuya Teejay habang umuupo sa kaatabing lounger kung saan ako nakahiga at nakatingin sa kulay asul na dagat.

Bahagya akong umayos bago sya lingunin, ibinaba ko din ang rayban na suot ko bago sumagot kay Kuya Teejay na may hawak ng towel na nasa balikat nya.

           "I didn't talk to my parents about that Kuya pero kung ako tatanungin. Gusto ko yung simple lang and family lang." Paliwanag ko bago abutin ang fresh buko juice sa lamesa na maliit na sana pagitan ng dalawang lounger na inuupuan namin.

          "I am sure na hindi sila papayag sa simpleng celebration lang. 7 years na wala ka and I know they want to celebrate your birthday so elegant." Sabi pa nya sa akin which is I know na totoo.

Kabisado na namin ang mga magulang namin, every celebration even if it's just a small event they always throw an elegant party which is na hindi kami pwedeng humindi.

Inayos ko na ulit ang pagkakasuot ng rayban ko at humiga na ulit sa lounger. Nandito kami ngayon sa isang sikat na beach resort in Zambales. Naisipan namin na mag beach dahil hindi naman din ganun kahectic ang schedule nila.

Pinagtalunan pa namin lahat nung una but at the end dito din kami napadpad. Hindi namin kasama ngayon si Kuya Cob na may inaayos na design ng bahay, he had a degree in architectural. Sinubukan namin syang pilitin pero hindi talaga kaya, even Hope na may inaayos sa company dahil nagkulang ng supply ang huling delivery at head sya ng group kung saan may mali.

Hindi na dapat kami tutuloy but they insist. Kasama din namin si Ate Che but not with Chester and Kuya Ge. Kinailangan kasing umalis ni Kuya Ge papuntang US para sa isang project at si Chester naman naiwan sa mga lola nya.

Si Bronze naman ay susunod nalang daw, kagabi pa kami dumating dito dahil sa sobrang excited nila kahit gabing-gabi ay napabyahe kami. Ang alam ko ay susunod si Bronze today kaso mamayang alas singko pa ng hapon at susubukan nyang hilahin yung dalawa pag natapos ang mga problema nila.

Isang Linggo na ng magkausap kami ni Bronze and so far okay naman. Alam ko na safe pa naman ang sikreto namin pero hanggang kelan? Hanggang kelan kami magtatago? Hanggang kelan bibigat ang dibdib namin dahil sa problema?

Napabuntong hininga ako at nginitian si Kuya Josh na maganda ang ngiti habamg papalapit sa akin. Basang-basa pa ng tubig ang katawan nya.

         "Tulog?" Tanong nya at inginuso si Kuya Teejay na mukang naidlip na nga. May suot din itong sun glasses kaya hindi ko alam kung tulog nga.

         "Not sure." Kibit balikat kong sagot at naupo ng maupo sya sa gawing paanan ko habang pinupunasan ang tubig na nasa katawan nya.

         "San na si Tito Bronze? Almost 5 na aa." Sabi pa nya habang patuloy sa pagpapatuyo ng katawan.

         "Ewan ko dun. Hindi naman nag text e. Baka hindi na susunod." At halos ma dissapoint ako sa iniisip ko.

Mas inuna nya pa ang trabaho kesa ang makasama kami. What the hell am I thinking? This is sooo bad!

          "Geeeem! Come here let's try jetski." Hiyaw ni Lexie na kumakaway sa akin maging si Ate Chesca.

Mabilis akong tumayo dahil nakapagpahid naman na ako ng lotion kanina at hindi na din matirik ang araw.

Hinubad ko ang cover up na suot ko leaving me with only a maroon two piece.

        "Woah! Sino nagsabi na pwede kayong mag ganyan?" Tanong ni Kuya Josh peri may halong ngisi sa mga mukha nya.

Lips of an Angel ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon