3days after...
Tulalang nakatingin si Hurricane sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga nagbabagsakang nyebe. Hindi niya pa rin mawari kung saan ito galing, pero natutuwa siya rito. Matagal na niyang pangarap ang makapunta sa ibang bansa para lang makakita nito sa personal, pero dahil alam niyang malabong mangyari iyon sa ngayon, masaya siya na kahit hindi na siya umalis ng bansa ay naranasan na niyang makakita ng nyebe.
Ilang sandali pa ay bigla niyang naalala na may gagawin pala siya kaya nagmamadali siyang tumayo at kinuha ang nakasabit na jacket sa tabi niya.
Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.
Hindi pa man tuluyang nakakababa, narinig niya na ang ingay ng tv. Alam niyang nanunuod na naman ng balita ang mama at papa niya habang umiinum ng kape.
"Ano kayang nangyayari, pa?" nagtatakang tanong ng mama niya. Tahimik lamang ang papa niya habang patuloy na nanunuod sa balita.
Marahang naglakad si Hurri papalapit sa kinaroroonan ng mga magulang para makita rin ang balitang pinapanuod ng mga ito.
"It has not yet been confirmed as to why the sky in Milan has turned blood red. This phenomenon caused panic to both locals and tourist, but authorities still can't answer everyone's questions. This is Georgia, reporting."
"Anong nangyayari, ma?" Hindi mapigilang tanong ni Hurri sa mama niya nang masaksihan ang balita. Una ay ang pag snow sa bansa, tapos sa pagkakataong iyon naman ay, ibinabalita ang pagdugo ng kalangitan sa Italy. "Paano nangyari 'yon?" nagtatakang tanong niya ngunit hindi sumagot ang kanyang magulang dahil tutok na tutok ang mga ito sa pinanunuod.
"Baka kagagawan 'yan ng mga Illuminati. Sa kagustuhan nilang maging successful ang New World Order, dinadaan nila sa takot 'yung mga tao," singit ng kuya Eli niya habang naglalakad papalapit sa kanila habang naghahalo ng bagong timplang kape. "Kahit nga bagyo nagagawa na nila."
"Ewan ko sa 'yo, kuya. Dami mong alam."
"Ang lamig-lamig, ang init ng dugo mo, Hurri," natatawang sagot ng kuya niya.
"Makalabas na nga lang at nang mas ma-enjoy ko ang snow." Patakbong lumabas ng bahay si Hurricane.
Paglabas ni Hurricane, doon lang niya napansin makapal na pala talaga ang yelo sa paligid. Halos hindi na niya makilala ang lugar na kinalakihan niya.
Simple at maliit lang ang bayan ng Oud Metha--ang kanyang kinalakihan. Sariwang hangin, matataas at mayayabong ang mga puno. Malayong-malayo sa mausok at magulong lugar ng Maynila. Tahimik pero walang kriminalidad na nangyayari kaya kung siya ang masusunod, mas gusto niyang manatili sa lugar na iyon.
Napadako ang tingin niya sa bandang kanan kung saan niya nakita ang pinakamalapit na park sa kanila. Hindi na ito matao gaya nang dati. Kung noon, kahit anong init ng panahon, marami pa ring mga lalaki ang naglalaro ng basketball. May mga nagba-bible study habang nakaupo sa damuhan. At may iilang nakatambay lang. Ang tanging nasa park na lang ngayon ay iilang dumadaan at si Hurri.
"Totoo yata 'yung sinasabi ni Tasyong Baliw."
Hindi gano'n kalakasan ang boses babaeng matandang nadaanan ni Hurri, pero hindi rin ganun kahina upang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Napatigil siyang saglit upang makinig.
"Dispareo? Sigurado ka ba, Andeng?" nagtatakang tanong ng babae sa kasama niya. Mukhang hindi ito gaanong kumbinsido sa tungkol sa pinag-uusapan nila.
"Mari, nag-snow na, oh? Ano pa ba ang gusto mo? Totoo yatang sinumpa na ang mundo ng mga taga Dispareo na 'yan." Sa tono ng boses ng babae, sigurado siya sa naiisip. "Mga demonyo nga talaga sila."
Kasabay ng pagkakasabi no'n ay ang pagkidlat at paglakas ng kulog mula sa kalangitan.
"Santisima!" sigaw ng matandang babae kasabay nito ang natatarantang pagsa-sign of the cross. "Makauwi na nga diyan ka na, Andeng."
Kunot-noong napatingin si Hurri sa dalawang matanda. Hindi niya alam kung bakit may kakaibang pakiramdam sa kanya ang salitang binanggit ng mga ito.
"Dispareo?" aniya sa sarili.
Nagulat siya nang biglang may sumitsit sa kanya mula sa kung saan.
"Sino 'yan?" kinakabahang tanong niya nang makarinig siya ng yabag sa hindi kalayuan kung saan may mga puno at mga halaman.
Akmang aalis na siya nang bigla ulit sumitsit sa kanya kaya naisipan niyang sundan ito...
BINABASA MO ANG
Dispareo
FantasySa gitna ng dilim na bumabalot sa kalawakan, may isang mundong nabuo at napaligiran ng pitong araw mula sa kalangitan. Dumaan ang maraming siglo, lumipas ang maraming panahon, nanatiling tahimik ang itinuring na kumikinang na mundo. Ngunit sa isang...