Dispareo
Chapter 20Madilim ang paligid at masukal ang gubat. Hindi madaling pasukin iyon dahil sa mga nakakalat na bato at matitinik na baging. Magkakalapit rin ang mga matatayog na puno na tila sinadyang paglapitin dahil may pilit itinatago. Pero hindi iyon naging hadlang kay Hurricane para sundan si Malaya. Ilang sugat na ang natamo niya dahil sa pagsunod dito niya rito ng palihim ngunit hinayaan lang niya iyon. Pero ang nakita niyang pag-iyak ng pinuno ng Avalon, at ng susunod na magsasanay sa kanya ay parang produkto ng isang sugat na sa tingin niya ay hindi pa lubusang naghilom.
Hindi niya pa ito kilala masyado. Pero kahit may nararamdaman siyang takot sa pagkatao nito'y nag-aalala pa rin siya noong nakita niya itong umiiyak. Nasa malayo ito noong mga panahong iyon, pero nang nakita niya ang pagpatak ng mga luha nito'y naramdaman niya ang sakit na naramdaman nito.
Nanatili siyang nakakubli sa likod ng isang malaking puno nang makita niyang tumigil ito sa paglipad at dumapo sa sanga ng kalapit na puno. Alam niyang si Malaya ito dahil sa kulay ng pakpak nito. Unti-unti itong lumipad pababa at tuluyan nang itinago ang mga pakpak. Doon lang napansin ni Hurri ang isang kakaibang puno na nasa harap nito.
Kahit namamangha'y sinigurado niyang wala siyang magagawang ingay. Nasa harap ng diwatang iyon ay ang isang puno na may na liwanag na nagmumula sa kabuuan nito. Kakulay ng isang normal na puno ang balat ng punong iyon, pero naglalabas ito ng dilaw na liwanag na sa buong buhay niya'y ngayon palang niya nakita. Kahit kakaibiba sa paningin ay hindi ito nakakatakot, bagkus ay nakakahalina ang liwanag na inilalabas nito. Parang may kung anong enerhiya na nakakapagpagaan ng kalooban.
Hindi niya alam kung alam din ito nina Reemus at Barrius, pero walang may nagsabi sa kanyang may isang puno sa Avalon na sa sobrang hiwaga ay makakapukaw ng pagtataka ng kahit na sino man.
"Aphrodite, bakit nangyayari ito?" Mula sa pwesto ni Hurri, rinig niya ang boses ni Malaya. Halata sa boses nito ang pagtataka at paninisi sa kung sino man ang tinutukoy nitong Aphrodite. "Nangako siya, 'di ba? Nangako siyang ako lang, at sa muli niyang pagbabalik ay ako pa rin."
Biglang naguluhan si Hurricane. Inilibot niya ang tingin para magmasid para makita ang posibleng kausap nito ngunit wala siyang ibang nilalang na nakikita, pero tila may kinakausap si Malaya kaya nagtaka siya. Mali ang makinig sa kwento o pinag-uusapan ng iba, pero hindi niya magawang umiwas o lumayo dahil pinipigilan siya ng puso niya. Parang may gumagapos sa kanya at nag-uudyok na makinig pa sa mga sasabihin nito.
"Sinong siya ang tinutukoy niya?" bulong niya sa sarili habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin nito.
"Kay tagal kong naghintay, nangamba, nangulila. Nagtiis ako sa mga panahong nilalamon ang puso ko ng lungkot pero nagbabalat-kayo akong masaya para lahat din sila ay maging masaya sa presensya ko pero sarili ko lang ang mas pinahihirapan ko."
Bawat salitang binibitiwan nito ay parang mga pana na itinutok at pinakawalan papunta sa kanya. Sapul sa puso si Hurricane at ramdam niya ang sakit at pighati sa boses nito. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang nararamdaman niya gayong hindi naman niya lubusang kilala si Malaya.
---
Pinahid niya ang mga nangingilid na luha mula sa kanyang mga mata. Ngayong nag-iisa siya'y alam ni Malaya na pwede na siyang maging mahina, na pwede na siyang bumagsak nang walang ibang taga Avalon na mag-aalala.
Napaluhod siya sa lupa habang nakatingin sa puno ng Aphrodite. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod at ang pagkirot ng kanyang mga binti sa biglaang bagsak na iyon, pero tiniis niya ang sakit. Hindi niya na alam kung gaano na katagal simula noong una niya itong nakita, pero sigurado siyang hindi pa rin nag-iiba ang wangis nito; maganda, matatag, mahiwaga.
BINABASA MO ANG
Dispareo
FantasySa gitna ng dilim na bumabalot sa kalawakan, may isang mundong nabuo at napaligiran ng pitong araw mula sa kalangitan. Dumaan ang maraming siglo, lumipas ang maraming panahon, nanatiling tahimik ang itinuring na kumikinang na mundo. Ngunit sa isang...