Chapter 16

249 24 5
                                    

Full moon sways
Gently in the night of one fine day
On my way
Looking for a moment with my dear

Matapos ang mga panahong pakikipaghabulan ni Thunder kay Lumeng ay nabawi na rin niya ang gitara niya. Kaya hindi na siya nagdalawang isip pa, muli siyang tumugtog dahil iyon ang una niyang naging mahal, ang musika. Sa saliw ng tunog ng kanyang gitara, at sa pagkumpas ng kanyang kamay, ay napapasabay siya sa isang kantang napakapamilyar sa kanya.

Tahimik lang ang buong paligid. Ang tanging naririnig lang ay ang kaluskos ng mga dahon na tinatangay ng hangin, at ang agos ng tubig mula sa batis. Parang binibigyang daan ang musikang nagagawa ng gitara at ng kamay niya. Magaan ang pakiramdam ni Thunder. Para siyang nasa himpapawid na iniihip ng hangin papunta sa sarili niyang bersyon ng cloud nine.

Full moon waves
Slowly on the surface of the lake
You are there
Smiling in my arms for all those years

Iba talaga ang dulot na saya ng musika sa kanya, parang kinakausap siya nito at may ipinapahiwatig sa kanyang mensahe na siya lang at ang tugtog ang nakakaintindi.

Napadilat si Thunder matapos siyang kumanta. Napatingala siya sa langit at napaisip sa mga gagawin. Blangko. Parang nakarating na siya sa dulo at lahat ng mga dapat niyang gawin ay nagawa na niya, pero parang may kulang pa.

Hindi pa man lubos na naintindihan kung ano ang kulang ay naantala na ang kanyang pag-iisip dahil sa narinig niyang sigaw.

"What the hell was that?"

Napatayo siya mula sa kinauupuang bato. Itinabi niya ang gitara at muling nakinig sa paligid. Hindi siya maaaring magkamali sa narinig. Isang sigaw ito na parang nanghihingi ng tulong.

"Thunder!"

Mas lalo siyang nagambala nang marinig niya ang pangalan niya. Sumakit bigla ang ulo niya dahil kilala niya ang boses na iyon. Doon lamang niya nabatid na may kailangan nga siyang gawin.

"Bagyo!" sigaw niya bago kunin ang gitara at tumakbo papunta sa direksyon ng narinig niyang sigaw.

Hindi niya pa kabisado ang kagubatan ng Avalon, pero hindi naging hadlang sa kanya ang masukal na kagubatan. Kung saan na siya nagpasikot-sikot sa mga puno mahanap lang ito.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Naiinis siya sa sarili dahil nakalimutan niya na kailangan nga pala niyang hanapin si Hurricane upang matulungang hanapin ang kuya nito at mga kabarkada niya.

Patuloy pa rin niyang naririnig ang sigaw nito. Doon ay palakas na nang palakas ang tinig nito. "Thunder! Tulong!"

Sa puntong iyon ay sigurado siyang tama ang dinadaanan niya dahil sa mga naririnig niya.

Hanggang sa makarating siya sa likod ng isang matandang puno. Napakalapad nito at maraming mga baging ang nakakabit mula sa mga sanga nito. Pag ikot niya'y agad niyang nakita ang dalaga, pero huli na ang lahat.

"Tang ina! Sino ka at anong ginawa mo kay Cane?" Napatakbo siya sa nakahandusay na si Hurri. May saksak ito ng espada sa tiyan at luhaang nakahiga lang sa damuhan habang naliligo sa sariling dugo.

Hinaplos ng dalaga ang pisngi niya at parang may sinasabi. "Speak up, Cane. Andito na ako. Sorry if I came too late." Niyuyugyog niya ito. Sinusubukan niyang 'wag nitong ipikit ang mata para hindi tuluyang mawalan ng malay.

"Si..."

Bago pa man nito masabi sa kanya ang gusto ay binawian na ito ng buhay. Kakaibang kirot ang naramdaman ni Thunder. Magkahalong galit at lungkot, pero nananaig ang pagsisisi. Gusto niyang maiyak pero walang luha ang lumalabas sa mga mata niya.

Napatingin siya sa taong sumaksak dito. Nakamaskara ito at hindi niya nakikita ang hitsura.

Akmang tatayo siya at susugurin ito nang mabilis siyang tinutukan nito ng espada sa ulo. "Hindi ka sana mamamatay kung hindi ka dumating dito."

DispareoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon