Chapter 22

123 11 1
                                    

Dispareo
Chapter 22

Humahangos na dumating si Hurricane sa Avalon matapos niyang tumakbo galing sa punong iyon. Nababagabag man ay gusto niya pa ring harapin si Malaya para sa pagsasanay niya. Kailangan niyang isantabi ang mga nalaman at kausapin ito para makapag simula na sila sa kanilang dapat na gawin.

Ngunit bago tuluyang makalapit sa Avalon ay kitang kita niya na ang gulo na nangyayari sa buong lugar. Buhat ng gamit dito, takbuhan doon. Lahat ay tila balisa at takot na takot. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang sitwasyon nang lugar. Umalis siyang tahimik lamang ang mga ito, pero pag balik niya'y nagkakagulo na.

Bahagya pa siyang lumapit sa mga taga roon kaya nakita siya ng mga ito. Napasigaw ang isa sa mga ito bago patakbong lumapit sa kanya. "Ang tagapagligtas!"

Nang tuluyan nang nakalapit ito sa kanya ay agad siyang napatanong dito tungkol sa nangyayari. "Bakit kayo nagsisitakbuhan? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong dito ni Hurricane.

"Nakikita na namin ang pangingitim ng ulan. Nalalapit nang magsimula ang digmaan." Hinahabol pa nito ang hininga habang ikinukwento sa kanya ang nagaganap. "Hindi na namin alam kung anong gagawin dahil takot na kaming mangyari ulit ang nakaraan. Takot na kaming mamuhay sa kadiliman."

Ramdam ni Hurricane ang biglaan ngunit hindi nagtagal na pagtigil ng tibok ng puso niya. Hindi pa man tuluyang nagsisimula ay parang nangangatog na bigla ang tuhod niya.

Alam naman niyang darating ang puntong kailangan niyang gamitin sa digmaan ang lahat ng natutunan niya, pero iba pala talaga ang epekto sa kanya kapag nalalapit na ang panahong iyon.

Pagtingin niya sa katabi'y nakikita niya sa mata nito ang sobrang pag-aalala, at parang tinamaan siya ng hiya dahil itinuturing nga siyang tagapagligtas pero katulad nito'y natatakot rin siya. Kaya bago pa man mahalata nito na nababahala siya ay hinawakan niya ito sa balikat. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mailigtas kayong lahat, pati na rin ang mundo namin."

Napadako ang tingin niya sa ngayo'y madilim nang kalangitan. Hindi siya sigurado sa kung anong kakaharapin niyang panganib, ang alam niya lang ay kailangan niyang lumaban, hindi lamang para sa mga taga Dispareo, kun 'di para na rin sa mundo niyang hindi niya pa alam kung anong nang kinahinatnan.

"Alis na muna ako, tagapagligtas. Kailangan ko nang tumulong sa paglilipat. Asahan mong hihilingin namin sa Itaas na gabayan ka sa laban na ito." sabi nito sa kan'ya bago tumalikod at tumakbo palayo.

"Salamat," bulong ni Hurricane habang hinahatid ito ng tingin.

Napahawak si Hurri sa kanyang dibdib. Pinakiramdaman niya ang tibok nito. Mabilis pa rin ang bawat pintig. "Kung sa bawat tibok mo'y isang buhay ang maililigtas ko, hindi kita hahayaang huminto. Para sa kinabukasan ng dalawang mundo, lalaban ako."

---

Impit ang mga sigaw na pinakawalan ni Thunder. Ramdam niya ang hapdi at kirot na dulot ng puting liwanag na bumabalot ngayon sa ulo niya. Kasalukuyan siyang nakatali sa isang bakal na silya, ang mga kamay ay nasa likod niya't ang mga paa ay nakakadena. Ang ulo niya'y nababalutan ng hindi niya matukoy na liwanag na siyang nagbibigay ng sensasyong parang binibiyak ang ulo niya.

Kanina niya pa inililibot ang paningin sa pag-asang makita si Igor, pero simula nang magising siya'y wala na siyang nakitang bakas nito. Kung nandoon lamang siguro ito'y nakapag tulungan na sila upang makaalis sa lugar na iyon. Ngunit hindi niya ito namasdan pa. Ang tanging nakapalibot lamang sa kanya ngayo'y purong itim na pader na may mga adornong paso na umaapoy. Kakaiba ang dekorasyon na nakaukit doon. Tila mga litrato, o kaya mga sulat na hindi niya naman alam basahin. Mas sumasakiy lamang ang ulo niya habanh tinitingnan niya ito kaya sa ibang bahagi na lamang nang silid siya tumutok.

DispareoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon