Chapter 28

175 10 7
                                    

Dispareo
Chapter 28

Walang tigil ang pagpatak ng mga luha niya habang patuloy na lumilipad papunta sa tuktok ng Bundok Kubli. Isa ang Bundok Kubli sa mga itinatagong paraiso ng Dispareo. Isang paraisong hindi ginalaw upang mapriserba ang biyaya ng kalikasan. Ngunit hindi inaasahang nadiskubre niya ang lugar na iyon. Naging saksi ito sa lahat ng emosyong naramdaman niya sa paglipas ng panahon. Doon siya unang nakadama ng pag-iisa. Sa Kubli siya unang naglabas ng inggit. Doon unang nagpahayag ng lungkot at panghihinayang. At doon din niya unang ikinuwento ang isang bagay na itinuring ng lahat na bawal.

Sa kanyang paglipad papunta roon ay napahawak siya sa kanyang dibdib. Ang parte ng pagkatao niya na pinaka naapaektuhan ng negatibong emosyon. Ramdam niya ang paninikip nito, ang kirot, ang hapdi na tila tumutusok sa kaibuturan niya. Halos tila nilalamon na siya ng emosyong matagal na niyang dinaramdam. Minsan nga ay naisip na niyang sana dumating na ang oras na kusa na rin itong sumuko at tumigil na lang sa pagtibok.

Ngunit sa gitna ng kanyang pagiging emosyonal, isang napakalakas na tunog ang pumukaw sa kanyang atensyon. Sa sandaling iyon, alam niyang malayo na siya sa Avalon, ang tinuturing niyang tahanan. Ngunit kahit magkaganun man ay naririnig niya pa rin ang mga pagsabog na nagaganap. Wala siyang ideya kung ano nang kinahihinatnan ng tahanan niya, pero alam niyang malubha na ang mga nangyayari mula nang magsimula ang digmaan.

Hindi man ginusto ni Lumeng na umalis at iwan sa ere ang mga taga roon, siya naman mismo ang tinulak ng mga ito papalayo, na naging dahilan ng kanyang paglisan. Kung nandoon sana siya'y alam niyang makakatulong naman siya kahit papaano. Pero kung mismong mga taga Avalon na ang nagpapalayas sa kanya'y wala na siyang magagawa pa. "Gano'n na ba talaga kasama ang ginawa ko?"

Sa isip niya'y marahil hindi pa rin nakakalimutan ng mga ito ang isang malaking pagkakamali na nagawa niya... dahil sa pag-ibig.

"Kung alam ko lang na mali ang umibig, ang maghangad ng kasiyahan, sana hindi ko na lang ginawa." Pinahid niya ang mga luha. Ngunit kahit anong pahid ang gawin niya'y unti-unti pa ring nanlalabo ang kanyang mga mata.

"Dapat alam n'yo na sa pag-ibig, walang mali. Hanggang kailan n'yo ba ko parurusahan?" Mariing naikuyom ni Lumeng ang kanyang kamao habang isinisigaw sa kawalan ang mga hinaing niya.

Gusto niyang sumigaw nang sumigaw, gusto niyang sisihin ang sarili niya pero ano pa nga ba ang mababago? Wala. Tapos na... nangyari na ang mga nangyari ngunit tila ang mga tao sa Avalon ay hindi pa rin yong nalilimutan.

Napahawak siya sa sariling leeg habang nanginginig ang mga kamay. Doon niya tuluyang naisip na hindi na lang lungkot ang kanyang nadarama, kung 'di mas masidhi pa roon.

Bumagsak siya sa lupa, tila nabalian ng mga pakpak. Nawalan siya ng kakayahang lumaban pa dahil kahit mismong siya, ay wala nang lakas upang umusad. Sigurado na siyang ang lungkot na itinanim niya sa puso niya ay nagbunga na ng... awa.

Nanatili siyang nakasalampak, ang mga kamay ay nakahawak sa leeg. Habol-habol niya ang hiningang paunti-unti na rin siyang tinatakasan. Sa isip niya'y baka pati ito ay hindi na rin siya gustong makapiling. Ngunit hindi gaya kanina'y, tumigil na siya sa pag-iyak. Marahil ay natuyo na rin ang kanyang mga luha kaya wala na siyang mailabas. Ang kaninang nakabara sa kanyang lalamunan ay paunti-unti na ring nawawala. Ang tanging natitira na lang ay ang bunga ng itinanim niya.

"S-sana, pwede pang ibalik ang nakaraan..."

--

"Guys, mauna na akong uuwi ha. Baka hinahanap na ako ni erpat." Pinulot niya ang nalaglag na jacket bago inatras ang inuupuang mono block upang makatayo. Malalim na ang gabi, pero nakikipag-inuman pa rin siya kasama ang mga kaibigan at kasintahan. Celebration nila ng kanilang pagkapanalo sa battle of the bands, kaya walang excempted sa tagay.

DispareoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon