Chapter 24

134 15 1
                                    

Dispareo
Chapter 24

"Hurricane Lanie, one of the strongest hurricane ever recorded, started slamming the country of Japan early Wednesday as a category 5 storms with devastating winds, heavy rains, and catastrophic storm surges.

As of 8am on Monday, the tropical storm was battering northern Japan with maximum sustained winds of 227 mph, and gusts of 272 mph. Worldwide Weather Center said the hurricane was cruising northwest toward Kanazawa at an incredibly slow pace, elevating the damages it gives. Stay tuned for more weather updates. This is Kara from CNN News Asia, reporting."

Namilog ang mga mata ni Niña habang nakatuon ang atensyon sa kanyang pinanunuod. Tila isang malagim na bangungot ang nangyayari sa karatig na bansa. Ilang libong buhay na ang nawala, at ilang milyong halaga ng mga kagamitan ang napinsala. Hindi niya alam kung anong kasasapitan ng Pilipinas kung minalas ito’t napunta sa kanila ang bagyo. Sa kalagayan ngayon ng bansa matapos ang ilang pagsabog ng mga bulkan at pagyanig ng mga lindol, baka ang kasalukuyang bagyo na ang tatapos sa mga natitira pang buhay dito.

Halos hindi na makita ang kabuuan ng Japan dahil nilamon na ito ng matataas na baha dulot ng storm surge. Sa sobrang lakas ng bagyong Lanie ay nilamon na nito ang dalawa pang bagyong nabuo rin malapit sa Japan na naging sanhi ng mas lalong paglakas nito.

Batid ni Niña na sa takot pa lang na naaaninag niya sa mata ng reporter ay mas lalo pang magiging mapaminsala ang nananalantang bagyo.

Gayunpaman, ang pulang buwan ay hindi pa rin nagbabago ang kulay. Habang tumatagal, mas lumalaki ito nang lumalaki na parang kaunti na lang ay maaabot na nila ito. Walang araw. Walang umaga. Ang buong bansa ay binalot ng gabi. Marami na ring mga tao at hayop ang namamatay sa mga sakit na naglalabasan na hindi pa rin mahanapan ng ano mang lunas. Laganap sa buong mundo ang iba’t ibang sakuna. Ngunit wala pa ring paliwanag ang mga eksperto patungkol sa mga kababalaghang nangyayari.

Isang taon na, isang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang kakaibang klima... at isang taon na ring hinahanap si Hurricane.

Kasalukuyang nasa bahay si Niña nina Eli habang nagbabantay. Dahil sa lumalaking gastusin, napagpasyahan ng mga magulang ng kanyang nobyo na sa bahay na lamang ito magpagaling upang mas mapadali rin para sa mga ito na tingnan ang binata sa tuwing nagpapahinga sa kahahanap kay Hurricane.

Unti-unti nang nawawalan ng pag-asa ang mga ito na mahanap ang dalaga ngunit dahil sa pagmamahal sa anak, baliwala ang pagod at puyat makita lamang ito.

Agad siyang napalingon sa walang malay na si Eli na nasa tabi niya. "Isang taon ka na rin hindi gumigising, mahal." Napayuko siya nang bigkasin niya ang katagang mahal. Habang tumatagal, para bang may mga kutsilyong tumutusok sa puso niya kapag naiisip niyang hindi na ito magigising pa.

Marahan niyang hinawakan ang mukha nito, dinadama ang natitira pang init sa balat ni Eli. Alam niya sa mga sandaling iyon na masyado na siyang nangungulila sa mga panahong nakakasama at nakakasalamuha niya ang nobyo. Dahan-dahan siyang lumapit, ang mukha niya’y ilang sentimetro na lamang ang layo sa mukha nito. Naaamoy niya na ang pabangong nilagay niya sa leeg nito matapos mapaliguan ng mga magulang ni Eli. At nang akma niyang hahalikan ang noo nito’y bigla na lamang itong napasigaw ng napakalakas, tila namimilipit sa sobrang sakit.

"Eli!" naluluhang sambit niya. Pilit niyang pinakakalma ang katawan nito mula sa pagwawala ngunit hindi niya ito mapigilan. Sigaw ito nang sigaw habang panay ang pagkawag nito. "Eli, ano nangyayari sayo?" Natataranta na siya’t hindi niya na alam ang gagawin sa sitwasyong iyon.

"Eli!" Biglaan niyang niyakap ito nang mahigpit habang panay ang hagulgol. Parang bumalik ulit ang takot na nararamdaman niya noong unang beses niya itong nakita sa ospital na duguan at nasa bingit na ng kamatayan.

DispareoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon