Dispareo
Chapter 27Tahimik na nakatingin lang si Hurricane kay Thunder habang patuloy pa rin nilang nilalakbay ang lagusan papuntang kastilyo. Hindi niya na inalintana pa ang mga punong sa sobrang tanda ay nakakatakot nang tingnan, o kaya'y ang mga sangang nakaharang sa kanilang dinadaanan. Ang isip niya ngayon ay nahahati sa mga ideyang pumapasok sa isip niya, at sa lalaking tuwang-tuwang nagsasalita sa gilid niya. Kanina pa ito nagkukwento sa kanya ng mga naging karanasan nito mula noong nagkahiwalay sila, pero halos wala siyang naintindihan dahil sa dami ng mga iniisip niya.
"At alam mo ba, nadiskubre kong kahit reincarnation lang ako ni Oriel, makakaya ko pa ring gumamit ng powers," patuloy na pagkukwento nito habang nakatingin pa rin sa dinadaanan nila.
Nang napatingin siya sa mukha nito'y doon niya naramdaman na totoo ang sayang bumabalot sa tinig ni Thunder habang nagkukwento sa kanya. Walang halong pagkukunwari o pagkabahala na nasa gitna sila ng isang paparating na digmaan.
Napangiti na lang bigla si Hurricane, dahil sa hinaba-haba ng pananatili niya sa Dispareo ay ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganoon. 'Yung tipong alam niyang hindi siya nag-iisa, 'yung wala siyang inaalalang baka mamaya, o bukas, o sa makalawa, magigising na lamang siyang wala na ang mga taong pinapahalagahan niya.
Si Thunder lang pala ang makakapagpagaan ng loob niya sa mga sandaling iyon, kaya hindi niya napigilang biglaan itong yakapin mula sa likuran. Bigla na rin itong napatigil dahil sa pagkakayakap niya, at nagtaka.
"Bagyo? Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.
Kung gaano niya kabilis itong niyakap ay ganun din siya kabilis humiwalay dito. Kasing bilis ng kisapmata ang pagtama ng hiya sa kanya dahil sa inasal niya, pero hindi siya nagpadaig dito. Tiningnan niya sa Thunder ng mata sa mata bago sinagot ang naging tanong nito. "Wala naman. Natutuwa lang ako na ligtas ka."
Naningkit ang mga mata nito na tila nagdududa sa naging sagot niya. Kaya hindi niya inasahan ang unti-unting paglapit nito sa kanya. "Bagyo..." mapanuksong banggit nito sa pangalan niya. Pamilyar sa kanya ang inasal nito. Nanyari na ito dati at mukhang mangyayari na naman ulit. Ang mukha nito'y papalapit ng papalapit sa kanya. Dahan-dahan at tila kalkulado ang mga ikikilos.
"Yes, Kulog?" Hindi naman siya nagpatinag dito at dire-diretso na rin ang tingin. Nakahanda sa mga susunod na gagawin ng mapangahas na kaharap.
"Bagyo..."
Ramdam niya ang bara sa kanyang lalamunan, tila nanunuyo ito kaya hirap siya kahit sa paglunok lang. Ang binata namang kaharap ay patuloy ang paglapit sa mukha niya, seryoso pa rin ang hitsura't nakatitig sa kanyang mga mata.
"Ang korni ng mukha mo Thunder, ha. May pa singkit-singkit ka pa, mukha kang rapist." Agad na kinurot ni Hurri sa tagiliran si Thunder.
Napasigaw naman ito sa pagkagulat at pagkakiliti, daig pa ang batang nakurot ng magulang dahil may kasalanang nagawa. Siya nama'y napapahawak pa sa tiyan sa sobrang tawa, halos habol-habol niya ang hininga. Hindi na kasi halos maipinta ang mukha ni Thunder nung mapangiwi ito sa harap niya.
"Loko ka bagyo, ha."
"Aba! Sinong loko sa ating dalawa? E, ikaw nga 'tong balak yata akong nakawan ng halik."
Napatahimik ito bigla, na inakala niyang dahil sa sinabi niya. Napangiti tuloy siya bago muli itong tinukso. "O, kita mo na..."
"Teka," putol nito sa sinasabi niya bago itinapat ang palad sa bibig niya upang hindi siya makagawa ng ingay. Hindi niya alam kung bakit biglang nag-iba ang kilos ni Thunder, pero dahil sa inasal nito'y nakinig na lang rin siya sa ingay ng paligid.
BINABASA MO ANG
Dispareo
FantasySa gitna ng dilim na bumabalot sa kalawakan, may isang mundong nabuo at napaligiran ng pitong araw mula sa kalangitan. Dumaan ang maraming siglo, lumipas ang maraming panahon, nanatiling tahimik ang itinuring na kumikinang na mundo. Ngunit sa isang...