Kailangan kong magpretend na mag boyfriend talaga kami ni Yohan,nahahalata na kami ni Ken.Bakit ba naman kasi hindi ako masanay na may ibang dumidikit sa katawan ko.Bakit pag si KEN naman ang katabi ko,wala akong reklamo.Kaya tuloy palage akong napapahamak sa nararamdaman ko sa kanya,konting dikit nya lang,para na kong naka magnet sa kanya.Kaya ako naiiwanan madalas sa ere eh!haaaaist!di na ko nadala!
"Miss Kylie,Andun na po ang mga bisita nyo sa loob ng restaurant kayo nalang daw po ang inaantay._staff ng hotel
"Ganun ba,pakisabi mauna na silang kumain...May kausap pa kong mga investor.Susunod na lang kamo ako after_ako.
"Excuse lang po Miss Kylie,ang dad nyo po nasa kabilang line...gusto daw po kayo maka usap._manager ko sa hotel
"Okey miss._ako sabay sagot sa tawag ni dad.Medyo kinabahan ako dahil hindi naman madalas tumatawag ang dad kapag nasa gitna ako ng business meeting ko.
"Hello iha! May nakapag sabi sa akin na kasama mo daw dyan ang mga tomboy mong mga bagong kakilala?totoo ba?_Dad.
"Dad? Whats the meaning of this?Kelan kapa naging mausisa pagdating sa pakikipag kaibigan ko?_Ako
"Ang tanong ko ang sagutin mo,Mga tomboy ba ang mga kasama mo dyan sa KYSHA hotel?_dad
"Yes dad.At hindi sila mga tomboy lang,mga kaibigan ko din sila.
May problema ba tayo daddy?_ako
"Oo meron!Ayoko na nakikipag kaibigan ka sa mga yan.Masama silang impluwensya sayo!Nakita mo na yang tono mo,hindi ka dati ganyan makipag usap sa akin ah!_Dad
"Sorry dad.Im in a middle of a short meeting with my investors, pwede bang saka na tayo mag usap ulit?_ako
"Basta pauwiin mo na bukas na bukas din yang mga kasama mo dyan,kung ayaw mong ako pa mismo ang magpaalis sa kanila ng mga guard ko dyaan!!!._Dad
Bakit parang nagbago si dad?Ang alam ko,wala naman syang pakialam sa mga desisiyon ko.Pero bakit ngayon,parang may nagbago sa kanya...At sino naman kaya ang nagsabi sa kanya na may mga kasama ako dito?Unless pinasusundan nya ang mga kilos ko?Kelan pa?Parang bigla akong kinabahan...Ngayon lang nangyari to.Anong problema sa pakikipagkaibigan ko sa mga lesbian?
After ng short meeting ko,dumiretso ako sa loob ng restaurant.Nakita ko sila duon na masayang nag uusap habang kumakain.Umupo ako sa bakanteng upuan.
"Oh tamang tama,andyan na si Kylie.Pwede na tayong umakyat._VM
"Hahaha!Grabe sya oh...Matapos mabusog,basta nalang mang iiwan.Sympre aantayin natin si Kylie guys!_Mikee
"Okey lang,magpahinga na kayo.Ako na lang mag isa ang kakain. _ako
"Hahahaha.Nagbibiro lang yan si Verna.Di pa nga kami nag di desert noh!_Rhian.Sabay kuha ng halo halo na kaka serve lang
"Sobrang busy mo Kylie ah! Ganito kaba palage sa trabaho?Wala ka ng time sa pag a unwind._MJ
"Hindi naman masyado.Iba lang kasi dito sa Bora.Madaming kakumpitensyang magagandang hotel resort kaya need ko talaga tong tutukan.Btw,mauna na nga pala kayo umuwi bukas.Hindi pa ako makaka alis,un kasing inaantay kong ibang Investors na delayed ang flight kaya bukas pa ang dating._ako
"Ganun ba,well ganun na nga siguro.May mga trabaho din kasi kaming iniwan sa Manila.2days lang din ang paalam namin._VM
"No problem guys.Salamat din sa pag sama nyo sa akin ha,kahit busy ako,nag eenjoy ako sa company nyo.Nakakawala kayo mg pagod makita._ako
"Yieeee,sumisenti ang dyosa!hahahaha.Di bagay sayo bru!_Mikee
"Hahahhaa.Sira ka Mikee!Anyways,mamayang hapon hanggang gabi wala na muna akong gagawin kaya sulitin natin ang buong maghapon natin._ako
"Aba ayos yan mahal! Masosolo din kita!_Yohan.sabay akbay sa akin.Napatingin ako bigla kay Ken.Nakatingin din sya kaya naman nilapit ko din kay Yohan ang sarili ko.Bahala ng machansingan.Wag lang mahalata ni Ken na nagpapanggap lang kami.
"Hey!ang sabi ni Kylie,time for us..hindi lang sayo noh! Wag ka ngang madamot dyan!_Rhian.sabay irap kay Yohan.
"Hahahaha.Babe,sympre sa boyfriend muna bago tayo.Parang ikaw,sympre mas masaya na tayo palage ang magkadikit diba?_MJ
"Oo nga.Pero kawawa naman si Kylie,di naman kasi sya nag i enjoy kapag sila lang magkasama ni Yohan eh,palage silang nag tatalo.Nai Stress lang sya lalo!_Rhian
"Hahhaaha.Ganito lang talaga kami ni Yohan,Rhian.Madami lang kasi akong iniisip,pero sweet din naman kami neto,diba Mahal.
_ako.sabay hilig ng ulo ko sa dibdib nya.This time sa iba na nakatingin si Ken.
"Yeah! Oo naman mahal..Magiging masaya ka palage sa piling ko. Hindi ka magsisisi na ako ang boyfriend mo._Yohan.sabay hapit pa sa pagyakap sa akin.Hinayaan ko na lang.Tutal kapag kami namang dalawa lang,di sya makakalapit sa akin.
"Syanga pala,bukas pakisabay nyo na din si Yohan pag uwi.May private plane ang resort.Ihahatid kayo to Subic.Dun na lang kayo magpasundo._ako
"No problem Kylie.And ngayon pa lang Salamat na talaga sa masayang bakasyon.Nag enjoy talaga kami lahat._Mikee
"Yes,Salamat talaga Kylie.Kundi dahil sa inyo,di kami mas lalong magiging close ni Ken gaya ngayon.hihihi._Charry.Na nagblush pa habang tumitingin kay Ken.Isang ngiti naman ang ibinigay sa kanya ni Ken.
Olryt!Bago pa tayo magkaiyakan lahat dito.Bakit di tayo maglakad lakad sa dalampasigan ng Boracay.?_MJ
"Tara na guys!Excited na ko makatapak sa puting buhangin eh!_Rhian
"Hahahah.Kaloka ka talaga Rhian.Ang kyut ng pagka inosente mo sa mga bagay bagay.Kaya lalo ako naiinlove sayo eh!_MJ.sabay halik kay Rhian sa nuo at hawak sa kamay nya.
"Pasensya kana babe,baka nati turn off kana sa kai IGNORANTEHAN ko.Ganito lang naman ako,madaling humanga sa mga nakikita kong bago sa paningin ko,pero Ung LOVE ko para sayo..NEVER MAGBABAGO._Rhian
"Hahahhaa!Alam nyo,ayan na naman kayo sa kabaduyan nyong dalawa ha!Mauna na nga kami ni Mikee maglakad.Baka mahawa pa kami sa kakornihan nyo!_VM.Sabay hila kay mikee
"Inggit ka lang!Palibhasa,di kayo sweet ni Mikee!_ MJ
...Nagtatawanan lang kaming mga nasa likod nilang apat.Pero sa totoo lang,masarap talagang maglakad dito sa beach na kahawak kamay mo ang taong mahal mo.Hindi kagaya namin ni Yohan ngayon,Isang binabayaran para umakting na boyfriend,at isang nagbayad lang para may ipakilalang boyfriend.Sa unahan naman namin sila Charry at Ken.Kahit alam ko naman na di sila,maswerte si Charry dahil hindi si Ken yung tipo na dedma. Madalas nga silang nakikita kong magtatawanan pag magkausap.Ibang iba talaga si Ken kapag ibang tao ang kausap nya.Masayahin at makulit.Samantalang pag ako ang kasama nya at kaharap,para bang di ako nag i exist sa harapan nya..Minsan, naiisip ko..Totoo bang Minahal din ako ni Ken,o lahat ng pinakita nya sa akin nuon..Isang palabas lang?Parang mas masakit isipin ang ganun.Napapikit na lang ako habang naglalakad kaya di ko namalayang may nakausling kahoy pala sa nilalakaran ko sa buhanginan.
"Ouchh!_ako.sabay na din ang pagka upo ko sa buhanginan.Napalingon naman sa akin silang lahat.
"Ohh my!What happened to you Kylie?..Look,dumudugo ung paa mo!_Charry.
Bigla naman akong binuhat ni Ken papunta ng hotel.Nagsipagsunuran naman silang lahat sa aming dalawa.
Pagdating sa hotel,para namang malubha ang naging sakit kk dahil sa mga natatarantang staff.Sumenyas ako na okey lang ako kaya di naman sila masyado nag alala.Buhat buhat pa din ako ni Ken hanggang sa clinic.
"Wag na kayong mag alala,may natapakan lang akong nakausling kahoy.Di naman to malala.Bumalik na kayo dun._ako
"Naku,hindi na noh!Dito na lang kami sa resort maglalakad lakad.Mas safe pa dito kesa duon.Sa Infinity pool na lang tayo tumambay mamaya!_VM
"Hahahha,Oo nga!Nakaka taranta kasi,baka mamaya may maaksidente na naman.Si KEN naman kasi,grabe maka react! Akala ko tuloy,kung ano na ang nangyari kay Kylie!_MJ
"Hahaha.Grabeh nga magpanic si Ken.Saka infairness ang lakas nya pala,imaginin mong mabuhat nya si Kylie from dalampasigan to hotel?Superman kaba Ken?_Rhian
"Hehhehe.Ganun talaga yan si Ken,lalo na sa mga taong MAHAL este mga KAIBIGAN nya.Super matulungin._MJ sabay akbay kay Ken.
"Salamat nga pala Ken sa pagbuhat sa girlfriend ko.Actually,naunahan mo lang ako,ako na sana ang magbubuhat sa kanya._Yohan
"Kahit kanino naman gagawin ko yun,nagkataon lang na nauna akong lumapit kaya dali dali akong nagbuhat.Pasensya kana,ikaw sana ang gumawa nun,nakialam pa ko._Ken
"Okey lang,sa susunod lang,hayaan mong ako ang gumawa nun para sa girlfriend ko._Yohan
"Eh kasi naman,kung san san nakatingin yang mata mo.Di mo tuloy namamalayan na nasugatan na yung girlfriend mo!hahaha
_VM.
"Hahahaha.Ang dami nga kasing mga naka two piece dun sa dagat kaya di napansin ung girlfriend nyang nasugatan na pala!_MJ sabay apir kay VM
"Hahahaha.Tama na nga yan guys! Okey na si Kylie,mag enjoy na lang tayo sa last night natin dito!_Mikee
![](https://img.wattpad.com/cover/95541589-288-k937766.jpg)
BINABASA MO ANG
IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETED
RomansaKapag Nagmahal ang bituin,Hindi mo sya kailangang abutin...Dahil sya na mismo ang bababa para iyong maangkin. Ganyan ang Pag ibig ko para sayo Ken,Nakahanda akong mahulog kahit paulit ulit,dahil alam kong makalibong beses man akong malaglag mula sa...