NINETY TWO☆KYLIE

2.6K 77 11
                                        

           Dumiretso na agad ako ng Airport mula sa hotel.
Tinawagan ko na lang si Rhian na nauuna na kong umuwi ng Pilipinas dahil nagka problema sa isa sa mga resort.Pero dahilan ko lang yun para makaiwas na muna kay Ken.Sa totoo lang,punong puno na ko sa pagpapairal nya ng pride nya.Napakadami sana naming chance para mag enjoy as couple pero limitado dahil nga sa lecheng PRIDE na yan.Ni ayaw nya akong gagastos kapag magdi date kami.At kapag may mga okasyon sa pamilya nya,ayaw na ayaw nya din na mag reregalo ako ng mamahalin para sa kanila.Kahit gustuhin ko mang mag travel kami every month para makapag relax,sayang lang daw ang pera kaya sa bahay na lang daw kami magkasama maghapon

"Iha!Napa aga ka ata ng uwi?Si Ken,hindi kaba hinatid?_Mommy Shiela
"Hindi na mom.Nauna na ko dito dahil may kailangan akong asikasuhin.Yung resort ko sa Batangas,may problema daw sa pinapagawa ko._AKO.humalik ako sa pisngi nya.
"Ganun ba,sya magpalit kana muna ng damit at ipagluluto kita ng makakain._Mom Shiela
"Sa kwarto na muna ako mom,Wag nyo na muna akong gigisingin.Wala pa kong tulog mula pa kahapon.Ako na po muna ang bahala.Hindi pa naman ako nagugutom._AKO
Diretso sa room ko at nagshower pagkatapos saka ako humilata sa kama.Ni hindi ko manlang nakausap si mommy ng matagal.
Naiwan lang si mom na walang imik sa sala.Alam ko nag aalala sya sa akin pero sa oras na to wala akong panahon makipag usap kahit kanino.Nagbilin na din ako sa guard at sa mga tao sa baba ng Condo na wag magpapapasok ng kahit na sino kapag wala akong permiso.This time,kailangan ko na talagang magmatigas.Hindi na nya ko madadala sa mga paglalambing nya.Never again!

Kinabukasan,Bago pa dumating sila Ken from Canada nagpa book na ako agad pa Hongkong.Kay daddy ako nag punta.
"Iha,tumawag si Ken sa akin.Tinatanong kung andito ka daw ba sa Hongkong kasama ko.May problema ba kayo anak?_Dad.Medyo maayos ang pangangatawan ni daddy ngayon kumpara nung nasa Manila pa sya.
"Haaaist.Pati ba naman kayo kinausap na din nya._AKO.Magkasabay kaming nagla lunch ni daddy.
"Iha,Nag aalala si Kendra sayo.Bakit mo ba sya pinagtataguan?Anu bang pinag awayan nyong dalawa?_Dad
"Wala naman Dad,maliit na bagay lang.Wag kang mag alala magiging okey din kami._AKO.Pero hindi naman ako masyadong makakain.Wala akong gana mula pa kagabi.
"Ang sabi nya sa akin,nagalit ka daw sa kanya at iniwan mo sya dun sa Canada.Bakit mo naman ginawa yun anak,until now ba hindi kapa din nagma matured?_Dad.
"Dad!Hindi mo naman kasi alam ang dahilan.Ako ang anak mo pero parang mas kay Ken kapa kumakampi eh!_AKO.Umiiral na naman ang pagka Brat ko.
"Hindi ko kinakampihan si Ken iha,Sympre ikaw ang anak ko,sayo ako kakampi.Kaya lang,sa pagkakakilala ko kay Ken,Isa syang responsableng tao.Kapag alam nyang mali sya,marunong syang magpakumbaba.Pero kapag alam nyang nasa katwiran sya pinaninindigan nya ang tama._Dad.
"Dad.Basta wag nyo na lang muna syang pansinin.Magkaka ayos din kami nun,magpapalipas lang muna ako ng sama ng loob. Nakakapikon na din kasi sya eh.Kahit hindi na nakaka tulong sa sitwasyon pinaninindigan pa din nya yung prinsipyo nya!_AKO
"See,anak?Ken is a good person.Wag mong hayaang masira ang relasyon nyo ng dahil lang sa gusto mo ang dapat masunod.May dahilan si Ken kaya ganun sya.Kaya sana anak,mag usap kayo ng maayos._Dad.
"Hindi pa muna sa ngayon dad.Gusto ko na munang mapag isa.
Parang napapagod na din ako sa ganitong set up namin dad,palage na lang kailangan mas unahin nya muna ang PRIDE nya kaysa sa magtulungan kami.Aanhin ko ba lahat ng PERANG PINAGHIRAPAN ko kung wala din naman akong MAKAKASAMA SA BUHAY KO?_Ako.
Napapa iyak na ko sa sama ng loob kay Ken.
"Iha,tumahan kana.Alam ko kahit na kasama mo na ngayon ang nanay at kapatid mo,may kulang pa din sa buhay mo..Pasensya kana at mas pinili ko na namang iwan ka.Gaya mo,gusto ko ding hanapin muna ang sarili ko.Wala akong mukhang maiharap sa nanay Shiela mo sa ngayon.Sana dumating din yung panahon na mapatawad nya ako sa mga nagawa ko._Dad
"Pero dad,napatawad kana ni mommy Shiela matagal na.Hindi mo naman kailangan lumayo.Duon ka nalang din kasama namin.
_Ako
"Alam ko,gusto mo ng buong pamilya anak.Alam ko din na kaya gusto mo ng magpakasal kayo ni Ken dahil pangarap mo ng isang pamilyang makakasama mo sa hirap at ginhawa._Dad
"Sorry dad,Kung sa tingin mo ang selfish ko para madaliin si Ken na pakasalan nya na ko.Pero tama ka,GUSTO KO NG BUMUO ng sariling pamilya.Ayokong matulad sa naging buhay natin nuon na puro kayo trabaho ni mommy puro negosyo,to the point na wala na kayong panahon sa akin.Pagkatapos,hindi na din pala mabubuo dahil nawala din agad si mom.Tapos nagkaron nga ako ng nanay at kapatid,pero dad...IKAW NAMAN ANG NAWALA.
_AKO.Hindi lang ata luha ang tumutulo sa akin pati sipon na din.
Pero wala akong pakialam.Basta masama ang loob ko talaga.
"Anak,Kasalanan ko ang lahat.Sa kagustuhan kong magkaroon ka ng masaganang buhay,hindi ko naisip na kailangan mo din kami ng mommy mo sa buhay mo.Na hindi lang pera o kayaman ang magpapasaya sayo.Nagsisisi ako sa lahat lahat anak._Dad.
Yumakap sya sa akin at saka kami nag iyakan dalawa.
Atlis ngayon,Naiintindihan na ako ni dad kung bakit ayaw ko ng patagalin pa ang pagiging magkarelasyon lang namin ni Ken.Alam nya na ang saloobin ko.Hindi ko naman hangad yung magarbong kasal.Lalong hindi naman importanteng may bahay pa syang kailangang ipatayo para sa amin.May mga Mansyon,Condo unit at townhouses akong naipundar.Aanhin ko naman lahat yun kung di ko titirahan?Ang hirap kay KEN,hindi nya ko kayang mahalin pati na kung anong meron ako.Bakit kailangan nya pang pahirapan ang sarili nya sa pagta trabaho kung lahat naman kaya kong ibigay sa kanya.

Isang linggo na ako dito sa HK.Kasama si Dad.Nalilibang ako sa farm dito ni dad.Tuwing umaga,magkasama kaming nag didilig ng mga tanim nya at kapag hapon naman magkasama kaming namamalengke.Sa totoo lang,pangarap ko ang ganitong simple pero masayang buhay.Bigla kong naalala ang Resort na pinarenovate ko sa Batangas.Para syang palasyo kung titignan,matayog at malaki sa paningin pero walang naninirahan.Para sana sa amin yun ni Ken,pangarap kong kapag nagka anak kami,dun sila maghahabulan ng mga magiging anak namin.Dun kami palage magrerelax kapag weekends.
"Iha,nalulungkot ka na naman ba?Bakit kasi hindi mo pa kausapin si Ken,para naman malaman nya din ang saloobin mo?_Dad
"Hindi na muna siguro daddy.Pabayaan na muna natin sya.Ayoko din namang maging sagabal sa pangarap nya.Kapag nagkabalikan kami,ganun pa din naman.Wala din namang pagbabago.Hindi pa din naman sya handa para magpakasal._Ako
"Basta anak,kapag gusto mo ng umuwi sa Pilipinas sabihin mo lang,sasamahan kita.At hihingi na din ako ng tawad sa nanay Shiela mo._Dad
Tumango naman ako at yumakap sa kanya.Masaya ako na magkasama kami ngayon ni dad.Pero mas masaya sana kung pati sila mommy Shiela at Shiera ay makakasama ko din.

Isang balita ang hindi ko inaasahan na nagpapa windang sa akin kinabukasan pag gising ko.Si KEN daw,NAAKSIDENTE...

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon