Forty eight☆KYLIE

3K 87 0
                                    

             Ang laki ng Maynila.Napakaraming restaurant na pwedeng puntahan,bakit ba naman dito pa sa lugar na ito kami magtatagpo ni Ken.At masama pa nito,kasama nya si Charry.So, sila na ba talaga?Kulang nalang maghalikan sila sa public place.
Mainit na nga ang ulo ko sa biglaang pag set ng dinner ni daddy sa amin ng anak ng general na kabusiness partner nya,tapos ganung eksena pa ang bubungad sayo?Magkayakap na Charry at Ken!Sa inis ko,pati waiter na wala namang ginagawa sa akin,nasigawan ko.Nakita ko namang nagmamadaling umalis na yung dalawa na hindi manlang sumulyap sa akin na parang di ako nakita.
"Hey Kylie,is there anything wrong?Parang nabadtrip ka pagkapasok pa lang natin dito?Gusto mo bang lumipat tayo ng ibang resto?_Gabb.
"No,its okey.Umorder na lang agad tayo.Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko kaya gusto ko sanang umuwi agad ng maaga._Ako
"Ganun ba?Naku,bilisin na natin kumain.Wait lang ipapa follow up ko na agad ung food na inorder natin ha._Gabb tapos lumapit sya dun sa counter.
Nakakainis ang kabaitan ng isang ito.Parang hindi sya.Lahat ng sabhin ko at gawin ko,palage lang syang naka OO lang.Pagbalik nya sa mesa namin,kasunod na nya agad ung waiter na may dala ng order namin.
"Kylie,lets eat na para maihatid na kita agad sa inyo._Gabb
"Okey._Tipid na sagot ko lang.
"Ahhm KYLIE,pwede ba kong dumalaw sa inyo?_Gabb
"Dadalaw ka sa bahay namin?Naku wala ako dun madalas. Sa Condo ko ako palage nag i stay.Hindi naman ako nagpapapasok ng tao sa Condo ko lalo na at mag isa lang ako dun._Ako
"Ganun ba.Pwede na lang siguro kitang mabisita sa opisina mo?_Gabb
"Masyado akong busy sa opisina,hindi mo din ako makakausap duon.At isa pa,may mga ka meeting ako madalas sa labas kaya baka di mo din ako matagpuan dun._Ako
"Susunduin kita sa work.Baka pwede naman yun?_Gabb
"Walang oras ang trabaho ko.Minsan gabi minsan naman madaling araw na ko nakakauwi.Kaya hindi mo masasabi kung makaka adjust ka sa oras ko._Ako
"Napaka busy mo naman pala.Kaya pala sabi ng daddy mo wala ka ng time makipag date._Gabb
"Ganun na nga.Kagaya ngayon,imbis na nagpapahinga na ko sa bahay,andito ako ngayon._Ako
"Sorry ha,dahil sa akin naabala ko ang oras ng pamamahinga mo. After this,iuuwi na talaga kita.pasensya kana talaga._Gabb
Para naman akong nakunsensya sa mga pinagsasabi ko.Tinatarayan ko ang taong wala namang masamang pinapakita sa akin.Pero kasalanan nya.Masyado syang masunurin sa ama nya.Pwede naman syang humindi kung ayaw nya,unless gusto nya din ako.Tinignan ko sya.Matangkad,mestiso at gwapo naman sya.Bukod pa sa mukhang matalino.Pero bakit ganun,wala akong maramdamang kilig sa kanya.Haaaist! Isang tao lang ba talaga ang nagpapakilig sa akin,Si ken lang.Kaso mukhang nagkakamabutihan na talaga sila ng CHARRY na yun.
"Mukhang may galit ka dyan sa steak mo ah.Hindi mo na kasi tinatantanan ng pag slice kahit giniling na sya.hahaha._Gabb
Pino at hindi sya malakas kung tumawa.Malayo sa tatay nyang general na madalas ko nuong napapansin sa sobrang lakas magsalita at tumawa.
"Awts!Sorry.May iniisip lang ako._Ako
"Iniisip o kinaiinisan?Napansin ko kasi,ung dalawang babae kaninang nakasalubong natin hindi mo ba sila kilala?Pareho kasi kayo ng reaksyon pagkakita nyo sa isat isa._Gabb
"Hindi noh.Hindi ako naiinis sa kanila.Siguro pagod lang talaga ako kaya bigla akong nawala sa mood._Ako
"So tama ba ako,kilala mo sila?Sabagay,magaganda din sila,hindi nga lang kasing ganda mo...Pero parang pagkakita mo kasi sa kanila,bigla kang sumimangot._Gabb
"Alam mo,dami mo napapansin.Di ka naman ata software developer eh...Reporter ka ata._Ako
"Hahahahah.Im sorry,just saying.Anyways,mukhang wala ka na din namang gana kumain,lets go na.ihahatid na kita.Siguro naman kahit papano matutuwa na ang dad mo kapag nalaman nyang natuloy tayo sa dinner._Gabb
"Haaaist!Ewan ko nga ba kay dad.Lahat na lang ng lalaking anak ng kasama nya sa negosyo,pilit na inirereto sa akin!_Ako
"Wag kang mag alala.You can count on me.Pareho lang naman tayong napipilitan lang dito.Sumakay ka na lang muna._Gabb.Sabay kindat sa akin.Parang bigla akong nakaramdam ng kakaiba on him.Parang may iba akong naaamoy.

"So,Ano ba ang gusto mo sa isang manliligaw?Ung mahilig magregalo or ung kwentuhan lang masaya kana?_Gabb.Nasa kotse nya kami para ihatid ako.Napansin ko din na may kotseng nakabuntot sa amin.Sigurado,Mga tauhan yun ni dad.Sa Mansyon na lang ako nagpahatid para na din makaiwas kung sakaling bisitahin nya ako ulit at hindi nya ko sa Condo ko puntahan.
"Actually,wala naman akong pinipili.Basta kung sino ung gusto ko dun ako.Pag ayoko naman sa tao,sinasabi ko na agad.Para naman di na kami maglokohan pa diba?_Ako
"Hahahah.So,busted na ba ko agad?Kasi mukhang di mo ako type eh_Gabb
"Well,hindi ka naman panget.Hindi ka din naman baduy.Pero tama ka,hindi kita type.Pero tignan natin,malay mo mag click tayo as a BFF._Ako
"BFF?As in Friendzone?hahahaha.Pero mas okey na yun noh,kesa sa WALA NA TALAGANG PANSINAN after ng first date._Gabb Na tawa lang ng tawa habang nagda drive at kausap ako.
"Mukha naman kasing mabait ka.At saka parang magaan ka lang kasama.Hindi ka kagaya ng ibang anak ng mayayaman na masyadong mayayabang._Ako
"Pero kanina,sa unang tingin mo sa akin parang alangan ka pa eh.hahaha_Gabb
"Oo nga eh.Pero ngayon,parang magkakasundo tayo.Saka sa lahat naman ng binasted,ikaw pa ang masaya,Kakaiba diba?_Ako
"Malungkot kaya ako.Ang sakit nga eh! Super model pa naman sana ang magiging 1st girlfriend ko kung nagkataon,kaso wala eh..Di moko type,kaya eto na iiyak na ko._Gabb
"Sira!Parang di naman.Alam mo,di naman kapani paniwala na 1st time mo pa lang na mgkaka girlfriend noh.Ang gwapo mo kaya.Maliban na lang kung Boyfriend kasi ang hanap mo?_Ako
...Napansin ko naman na nawala ang ngiti sa mukha nya sa sinabi ko.Oppps!Bingo!Sabi ko na,amoy malansa eh..
"Ahh eh,pasensya kana.Minsan kasi matabil talaga ko.Nagbibiro lang naman ako._Ako
"Uhmm,its okey.Alam mo ba ang sabi nila...Hindi ka daw mahahalata ng ibang tao kung anu ka o sino ka,unless ganun din sya.
Bakit ikaw andali mo mahalata,masyado ba kong obvious?_Gabb
"Sabihin na lang natin na parang ganun na nga._Ako
"So,you mean to say...Bakla ka din?_Gabb.
"Hahahha.Sira!Bakla ka dyan.hindi noh!...I mean,Basta naramdaman ko lang na magaan ang loob ko sayo.Ganun lang._Ako
"Weh? Wala naman nakakahalata sa pagiging gay ko kahit nga ang dad ko eh.Sayo ko lang inopen to ha,bet ko kasi yung guy na partner mo sa latest commercial ad mo ng alak.Hahahah_Gabb
"Ahh,si Lorenz?...Sure,ipakikilala ko sya sayo.Anyways,andito na tayo sa tapat ng bahay namin.Salamat sa paghatid._Ako
"Your welcome.Ipatawag mo lang ako kapag need mo ko iharap sa dad mo ha.Wag ka mag alala,kung anu man yang kinakaharap mong problema,pareho lang tayo.Kaya dapat magtulungan tayong dalawa._Gabb.Sabay kindat sa akin.Napangiti naman ako.
May point si Gabb,Para sa ikasasaya ng parents naming dalawa pwede naman kaming mag gamitan parehas.Tutal,we have something in common naman.Parang magkakaroon na nga ako ng BFF sa katauhan ni GABB.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon