SIXTY TWO☆KYLIE

2.9K 87 1
                                    

        Hindi ko lubos maisip kung ano nga ba ang mas pipiliin kong unahin...Pamilya at karir ba o Pag ibig? Hindi ko ma imagine na itatakwil ako ng daddy kapag mas pinili ko si Ken kaysa sa kanila ni mom.Mula sa pag mulat ng mata ko,hanggang magka isip ako palaging naka alalay sa akin si dad.Kahit nung iwan kami ng mommy,si dad ang nagsilbing ina at ama sa akin.Paano ko magagawa syang iwan na lang basta?haaaaist! Anu ba kasing nagawa kong kasalanan,bakit ako nahihirapan ng ganito ngayon.
"Hey girl! Kanina kapa dyan sa ramen na hinalo halo mo lang! Akala ko ba,andito tayo para mag foodtrip? Bakit sing lalim ng balon yang pagbubuntong hininga mo ha?_Gabb.
Andito kasi kami ngayon sa isang ramen house,Nag crave kasi ako sa mainit na sabaw kaya dito kami pumunta.
"Pasensya na,ang dami ko lang iniisip.Kagabi nga hindi ako nakatulog masyado.Iniisip ko kung tama ba tong gagawin natin? Tama bang sumuway tayo sa mga magulang natin para lamg sa pansarili nating kaligayahan?_Ako
"Kylie,hindi porke sinunod mo ang tibok ng puso mo MASAMA KA NG ANAK!Nagkataon lang na ang minahal mo,ay hindi gusto ng tatay mo,pero hindi mo naman yun kasalanan._Gabb
"Pero kahit na,tatay mo pa din yun.Mas alam nila ang makakabuti para sayo hindi ba?_Ako
"Alam mo kasi,nuong bata kapa at walang pang sapat na pag iisip para sa mga desisyon mo,Magulang talaga ang dapat mong sundin,pero ngayon na nasa hustong gulang kana,may sarili ka na ding pera at kabuhayan,aba hindi na masamang kumawala sa mga magulang._Gabb
"Eh bakit ikaw,hindi kapa din umaalis sa poder ng mga magulang mo?_Ako
"Sino naman nag sabi sayo?Matagal na kong wala kila dad at mom.Ang business ko,hindi ko yun hiningi sa kanila,sariling pera ko ang pinuhunan ko dun.Ang di ko lang talaga maamin, ay ang kabaklaan ko.Kasi ayaw ko din namang masaktan ko sila dad kapag nalaman nila._Gabb
"Pero sa palagay mo may idea na din sila about your gender? _Ako
"I think so.Nagbubulagbulagan lang sila.Kaya nga tayo pilit ipakakasal dahil alam nila na hindi tayo straight.At ayaw nilang mangyari yun._Gabb
"Sabagay totoo yun.Kahit nga ako,hindi ko naisip na alam na nila ang tungkol sa amin ni Ken nuon pa.Haaaist._Ako
"Mas nauna ko pa palang nalaman na alam na ni tito alex ang tungkol sa inyo ni Ken bago mo pa nalaman.hahaha._Gabb
"What,alam mo na nuon pa? Paano,saka bakit di mo agad ako sinabihan?_Ako
"Matagal na,Hindi pa tayo pinakikilalang dalawa sa isat isa,alam na ng daddy mo ang relasyon nyo ni Ken!_Gabb
"Sino ngang nagsabi sayo?At saka paanong nalaman ni dad?_Ako
"Wala namang imposible sa daddy mo.Lahat ng tungkol sayo,naka report yun.Pati mga bago mong kaibigan at kung sinong madalas mong kasama,Alam nya lahat yon._Gabb
"Whaaat? Ibig mong sabihin,pati ang pag iwas nuon sa akin ni Ken,dahil si dad ang nag push sa kanya para gawin yun? Omg! Bakit di ko ba agad naisip yon? Nakakainis talaga ang ka tangahan ko! _Ako
"Hahahaha.Why dont you ask KEN para maliwanagan ka?Makakatulong yun para sa pagdedesisiyon mo.Malay mo,may iba pang sasabihin si Ken para mas lalo kang makapag isip at makapagdesisyon ng maluwag sa dibdib mo._Gabb.
"Mabuti pa nga.Lets go,ihatid nyo na ko sa apartment.Para din makapag bonding na kayong dalawa.Ilang araw na lang maghihiwalay na naman kayo eh._Ako.After kasi ng trip nila dito sa Japan,babalik na sa Cambodia si Stephen,habang si Gabb naman babalik na ng Pinas para sa business nya.
Pagpasok ko sa Apartment,nag palit na muna ako ng pang tulog ko at saka ko kinontak si Ken.Madali ko naman syang nakontak dahil kanina pa pala sya mag aantay sa tawag ko.
"Hello sweetheart! I miss you.Kamusta ang gala with gabb and his bf?hehehe _Ken. Nakatingin lang ako kay Ken.Ang galing talaga magtago ng problema ni Ken,hindi kagaya ko na obvious kapag may gumugulo sa isipan.
"Okey lang naman._Ako.
"Hey,parang you look tired and sad sweety,may problema ba?_Ken.
"Ken...Gusto kong maging honest ka sa akin ha.Anong ginawa sayo ni dad nuon?_Ako.Nakatitig ako sa kanya.
"Ginawa ng dad mo? Anu naman ang gagawin nya sa akin? Wala naman akong natatandaang ganun sweety._Ken
"Haaaist! Kailangan mo ba talaga akong paglihiman Ken? Hindi mo ba talaga ako kahit kailan pagtitiwalaan ng mga nararamdaman mo?_Ako
"Sweetheart,alam mong di totoo yan.Wala akong nililihim sayo.Mula ng maging tayo na ulit,lahat na sinasabi ko sayo,kahit maliliit na bagay._Ken
"Pero bakit hindi mo sinabi sa akin na alam ni dad ang tungkol sa atin?_Ako.Napansin ko naman ang bigla nyang pagkagulat.
"Look sweety,May mga bagay na hindi naman kailangan pang sabihin para hindi maging kumplikado ang lahat._Ken
"Pero tungkol sa ating dalawa yun Ken! Hindi mo dapat sinasarili at lalong hindi mo dapat pasanin lahat ng problema!_Ako.Napapalakas na ang boses ko sa sama ng loob,guilt,awa,at bigat sa dibdib. Halo halong emotion.
"Sweety!Kumalma ka lang naman.Kaya nga di ko na lang sinasabi sayo,para hindi ka magkaganyan.Ayokong pati ikaw madamay pa sa problema._Ken
"Ken,hindi mo dapat sinasarili.Kaya nga partners hindi ba? Pareho nating magkasabay na haharapin ang problema,hindi mo kailangang solohin!_Ako
"Im sorry,Mali na pinaglihiman kita.Pero hindi moko masisisi.Ayokong dahil sa akin,magkasira kayo ng daddy mo. Ayokong dahil sa akin,masira ang karir mo at buhay mo._Ken
"Pero KEN,Hindi mo dapat sinarili ang lahat!Now ko lang naiisip kung anong masasakit na salita at panlalait ang sinabi sayo nuon ni dad,for sure lahat yun sinarili mo lang dahil ayaw mo akong masaktan.ohh God!Bakit hindi ko naisip yun nuon pa!_AKO
"Sweety its okey.Wag mo ng isipin yun.Okey na tayo hindi ba? Kung anu man yung mga nasabi nuon ng daddy mo,hindi na mahalaga.Ang isipin natin ngayon kung panong hindi matuloy ang nakatakda nyong pagpapakasal ni Gabb._Ken
"Sweetheart..Im sorry.Sorry sa mga nagawa sayo ni daddy.Sorry din sa lahat ng mga paninisi at galit ko sayo nuon.Imbis na maintindihan kita,lalo pa akong dumadagdag sa mga problemang hinaharap mo nuon kay daddy._AKO
"Sweety,wala kang kasalanan.Naiintindihan kita.Kahit sa daddy mo,hindi ako galit.Oo,sagad sa buto ang panglalait at pang iinsultong natatanggap ko sa kanya palage,pero dahil ayaw ka lang nyang mapahamak.Naiintindihan kong para sa kapakanan mo lang ang ginagawa nya._Ken
Napaiyak na lang ako sa sinasabi ni Ken.Sya na nga tong inalipusta,sya pa tong hindi nagtanim ng galit at sya pa ang Nagpapakumbaba,Napakabuti ng puso.Hindi talaga ako nagkamali ng Minahal.Tama nga si Gabb sa sinabi nya...
Na kapag nakausap ko si Ken,Mas mapapadali ako sa pagpili.. at nakapag pasya na ako...

😉whew! Grabeh naman...Bakit ang sakit sa puso.
Kung kayo kaya si KEN,Kakayanin nyo bang kimkimin lang lahat ng panlalait ng daddy ni Kylie?

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon