Nagising akong masakit ang ulo.Wala akong matandaan sa nangyari kagabi maliban sa huling kausap ko na si Gabb at Stephen.Pagbangon ko,nakita ko si Ken na natutulog pa.
Madaling araw pa lang pala.Medyo madilim pa sa labas.Uminum na lang muna ako ng tubig at saka bumalik ulit sa pagtulog.
Umaga na ng magising ako ulit.Wala na si Ken sa tabi ko.
Bumukas ang pinto ng kwarto at nakangiting Ken ang bumungad sa akin na may dalang coffee from starbucks.
"Good Morning Sweetie!Mag coffee ka muna ng mainitan yang sikmura mo.Here._Ken sabay halik sa nuo ko.
"Thanks.Nag start na ba silang mag breakfast?_AKO.
"Actually,ikaw na lang ang inaantay nila.Pero dont worry hindi naman sila nagmamadali._Ken
"What? May flight pa sila VM at Mikee mamaya.Kailangan na nating bumaba duon.Wait lang,magsa shower lang ako sandali._AKO.then inabot ko yung kape muna kay Ken.
Ilang saglit pa,sabay sabay na kaming nag breakfast lahat.
"Sorry guys,nalate ako ng gising.Hindi naman kasi ako ginising ni Ken._AKO.Na hiyang hiya sa kanilang lahat.
"Its okey Kylie,Sinabi naman sa amin ni Ken na nalasing ka kagabi ng gumimik kayo kaya di ka na namin agad inabala._VM
"Yeah.Super bangenge yan si Kylie nung umuwi kami dito sa hotel.Nasukahan nya pa nga si Ken.hahaha_MJ
"Kaya pala nung magising ako,wala ka sa tabi ko gumimik pa pala kayo._Rhian.Piningot si MJ sa tenga kaya nagtawanan kami
"Aray naman babe!Wag ka namang nananakit.Nakakahiya sa kanila oh.Sabihin under de saya ako eh!_MJ
"Sus!Matagal na naming alam na member ka ng TAKUSA MJ,kaya di ka na dapat mahiya pa!_Mikee
"Hahahaha.Oo nga!Pansin ko din yan.Laki ng takot ni MJ kay Rhian anoh?_VM
"Mabalik tayo kila Ken at Kylie,bakit ka nga ba nag walkout basta at tinawagn moko ng dis oras ng gabi ha?_Gabb.Nakatingin sa akin na parang nang aasar.
"Seriously?As in,kaya naglasing si Kylie dahil may issue sila ni Ken kagabi?_Rhian
"Wala yun guys,may di lang kami napagkasunduan pero wala namang malaking problema._Ken.Napasulyap sa akin
Tahimik lang ako at nakikiramdam.Alam ko,hindi na nyan mapapakali si Ken lalo pa't sya ang dahilan ng pagwo walk out ko
"Kylie,speak up!May nangyari ba?di ka naman maglalasing sa bar at magsasasayaw dun ng walang dahilan diba?_VM.Na obviously,gusto lang malaman ang kwento
"Kung anu yung sinabi ni Ken na paliwanag ayun na yun.Wala na kong maidadagdag pa._AKO.
"Ahm,No big deal naman yun.Gusto lang din ni Kylie na mag unwind._Ken
"Well,sabagay.Last day na natin ngayon dito sa Canada.For sure want lang din ni Kylie magbar dito._Gabb
Natapos ang breakfast namin at nagsibalikan na muna kami sa kanya kanyang room para magpahinga.Napag kasunduan na din na kapag mag ti ten o'clock na saka kami mag gagala dito sa Vancouver.
Eksakyong alas dyes naman kami nagtagpo sa lobby ng hotel.Actually,sa hotel pa lang solve kana sa ganda at linis.
Worth it yung stay namin dito talaga.Sa PLAYLAND namin napagkasunduang pumunta.Ang oldest Amusement Park dito sa buong Canada.Meron syang 30 rides and attraction kaya naman hindi mo sya kayang masakyan sa buong maghapon.Namili lang kami ng mga trip naming sakyan.
Magkaholding hand kami ni Ken habang naglalakad.Para kaming mga bata na tuwang tuwa habang nakatingin sa mga rides na nadadaanan namin.
Una naming sinakyan ni Ken ang Berry go round. Hugis BERRY ang mga upuan ng sasakyan at tawa lang kami ng tawa ni Ken habang paikot ikot sa upuan namin.
"Hahaha.Sweetie,bili tayo ng icecream.Halika duon oh!_Ken.Tapos magkahawak kamay kaming naupo sa isang upuan duon at kumain ng icecream.
"Mag selfie tayo sweetie.Para lang tayong mga bata.Smile!_AKO
"Nag eenjoy kaba sweetie?Hindi na ba masakit yan ulo mo?_Ken
"Nope.Im okey na.di na din ako nagtatampo.Sorry pala kasi umiral na naman ying pagiging Childish ko._AKO
"Its okey sweetie.Marami pa tayong tampuhan na mai encounter for sure.Ang Importante,pinag uusapan natin.Ayoko lang nung aalis ka basta kasi sobra kong nag aalala sayo._Ken.
Tumango naman ako at sumandal sa balikat nya.Hindi pa din talaga maalis sa akin yung ugali kong pag gusto dapat masunod. Buti na lang napaka pasensyoso ng katabi ko.haaaist.
"Let go sweetie,sasakay daw tayo sa BALLOON EXPLORER._Ken
"Oh,the Hot air balloon.Nakasakay na ko nyan sa Clark! Exciting yan sweetie.Tara bilis!_AKO.
Nasa may 42 feet in the air kami now,at nagmo move sya in a circular motion.Super enjoy dahil kitang kita namin ang mga rides mula dito sa taas dun sa ibaba.
Pagkatapos,Inaya naman kami ni VM sa GLASS HOUSE.
Isa syang MAZE pero gawa sya sa isang transparent walls.
"Guys,eto talagang di pa natin nasusubukan,pinakasikat na roller coaster ride to.Dito shinoot yung sa FINAL DESTINATION3. lets try CORKSCREW_MJ
"Wooooh,babe baka di ko yan kayanin.Dito nalang ako sa baba!_Rhian.
"No babe!Lets try this.Kasama moko,matatakot ka?Come on! Hawak kamay tayo._MJ
"Tara guys!Masaya to...Bawal KJ.dapat lahat sasakay!_VM.then inakbayan si Mikee at nauna na sa pagsakay.
"Sweetie,Keri lang ba?_Ken.Nahinawakan naman ang kamay ko.
"Yes sweetheart.Anjan ka naman eh.Kay hindi ako mangangamba.Hehehee._AKO.
At saka kinindatan ko pa sya.Napangiti naman si Ken sa gesture ko na yun at saka hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Alright guys! Lets get it on! Enjoy lang natin bukas pauwi na tayo eh.Sayang naman yung chance._Mikee.
Corkscrew is a steel roller coaster ride. Meron syang dalawang train.May anim na car sa bawat train,dalawa dalawa ang magkakatabi kaya magkatabi kami ni Ken.Mga bente kwatro ang laman ng isang train.Nang magsimula ng umandar yung roller coaster,halos maputol ang litid namin sa kakasigaw lahat.Magkakahalong saya,kaba at thrill ang nararamdaman ko sa pagsakay namin sa rides na yun.Mga ilang minuto pa,mga hilo na kaming nagsibabaan sa train.Tawa naman ng tawa sila Mikee at Rhian,dahil kung kanina,kaming mga babae ang takot sumakay. Ngayon naman tulala at halos mahilo hilo na sila MJ at VM pag baba namin.
"Babe,ulitin natin?Grabeh ang sarap sa itaas.Para kang nasa langit eh!_Rhian.Tapos nag apir silang dalawa ni Mikee na tawa naman ng tawa kay VM.
"Hindi na!Parang mahahati yung tyan ko sa lula!Grabeh naman. Nasusuka ako hon._VM
"Ayan kasi.Ang yayabang nyo kanina na wag matakot.Yun pala kayo pa tong mga malulain sa rides!hahahah._KEN
"Lets go guys,kumain na tayo para maaga tayo makabalik ng hotel.Maaga pa flight natin bukas._AKO.
Nasa isang sosyal na restaurant kami habang masayang nag early dinner.Ken is extra sweet sa akin habang kumakain kami. Bukod sa paghimay nya ng steak ko,sinusubuan nya din ako kaya naman feel na feel ko ang paglalambing nya.
"Ang sweet nyong dalawa.Di pa kayo magpakasal.Andito na lang din tayo!hahaha_VM.
"Hahahha.Uu nga.Para din may kasabay ng honeymoon.Naaawa na kami kay Kylie dude,atat na atat na sayo yan eh!_MJ
Hinampas ko naman ng bag si MJ at saka binatukan si VM. Tawa naman ng tawa sila Rhian at Mikee sa amin.
"Mga Sira talaga kayo!Palage nyo kasing inaasar si Kylie about dun kaya tuloy nilalayasan ako nyan eh!_Ken.
"Sweetheart naman eh!Wag ka namang maingay!Haaaist!Isa kapa eh._Ako.Na pula na ang cheeks sa hiya.
"Hahahhaa.Ayun naman pala!Kaya pala hating gabi,nag walkout si girl...Hindi pinagbigyan!hahahah._MJ
"Grabeh kayo!Hindi naman siguro._Rhian na napatingin sa akin
"Hahahaha.Bakit ang defensive mo Kylie kung di pala totoo?Si Ken na mismo nagsabi kaya for sure totoo yun!_VM
"Ken naman kasi,tigilan mo na yang pagka MANANG MO!Alam ko kung ako talaga si Kylie di lang kita lalayasan.Hihiwalayan pa kita!heheheh_MJ.
"Hey!Stop it na.Baka mapikon na si Kylie nyan.Nagbibiro lang ako.Sweetie,Im sorry._Ken.Tapos niyakap ako at hinalikan sa nuo
Bigla namang tumahimik na din sila VM at MJ.Pero nagsisenyasan naman ang mga loko!haaaist!
BINABASA MO ANG
IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETED
RomanceKapag Nagmahal ang bituin,Hindi mo sya kailangang abutin...Dahil sya na mismo ang bababa para iyong maangkin. Ganyan ang Pag ibig ko para sayo Ken,Nakahanda akong mahulog kahit paulit ulit,dahil alam kong makalibong beses man akong malaglag mula sa...
