SIXTY FIVE*KEN

2.8K 81 2
                                    

                           Hindi kagaya ng isang eksena sa teleserye na dadalhin ka sa isang abandonadong building at itatali sa isang silya ang nangyaring pag uusap namin ng daddy ni Kylie. Tinawagan nya ako para magkita kami sa isang napaka gandang beach resort sa Batangas.Mula sa isang bagong sementong kalsada,binagtas ko ang daan papasok sa isang paraiso. Kung maganda ang beach resort ni Kylie sa Boracay,dito sa batangas mapapa wow ka sa kakaibang linaw ng tubig sa dagat.Sa di kalayuan,may isang speed boat na naka abang na sa akin kaya naman wala akong inaksyang oras at sumakay ako duon kasama ang driver.Kahit mainit ang panahon,mahahalina kang mag dive sa ilalim ng dagat dahil sa linaw at linis ng tubig duon.Ilang minuto pa,binaba ako ng driver sa isang ISLA.

"CHESKA SHANE EMPIRE"
Ang pangalang nakasulat sa pinaka gate ng Island.Pumasok ako sa loob at mas namangha sa ganda ng lugar. May nakapalibot na mga puno sa daraanan na pantay pantay ang taas.Nagsisilbi syang payong mo habang naglalakad ka papunta sa isang paraiso.May mga nakasabit na ilaw sa bawat puno,naiimagine mo tuloy kung gano ito kaliwanag kung gabi.At kahit nakakapagod maglakad,hindi mo mapapansin ang layo dahil sa mahahalina kang lapitan ang isang mala kastilyong bahay sa di kalayuan.Pagtapat ko sa gate ng palasyo,bumukas ang pintuan at isang bumababang tulay ang nagsilbing daan ko para makapasok sa mismong palasyo.Isang lalaki ang lumapit sa akin para iabot ang isang code.01022011 ang nakalagay na password.Ito ang petsa nung una kaming nagkakilala ni Kylie.Pagpindot ko sa button,bumukas ang pinto sa palasyo.Tumambad sa akin ang isang ballroom.Duon ko natagpuan ang daddy ni Kylie na kanina pa nag aabang sa akin.

"So how do you like the place? So far,nasa entrance ka pa lang ng paraiso.Anu pa kung makita mo na ang dagat._Daddy ni Kylie
"Maganda po.Napakaganda.Parang sa panaginip ko lang sya makikita._Ako.Bigla akong napaisip,bakit parang malumanay ang boses ng dad ni Kylie unlike kapag kausap ko sya nuon sa telepono lang.
"3 years ago,Binili ito ni Kylie ng di ko alam.Lahat ng properties na binibili nya,sinasabi nya at ipinapakita sa akin maliban dito. Hindi ko sinasadyang marinig na may kinakausap syang tagapamahala dito kaya nalaman kong meron pala syang ganito kagandang paraiso._Dad ni Kylie
"Bakit nyo po sinasabi to sa akin?_Ako
"Dahil after ko malaman ang lugar na to,saka ko din nalaman na ikaw pala ang nobya ng anak ko._Dad ni kylie
...Napa angat ang ulo ko at napatingin sa kanya.Saka ko lang napansin na parang namayat ng bahagya si Mr.Samaniego.
"Kung ganun po,matagal nyo ng alam ang tungkol sa amin,pero hindi kayo nagsalita._Ako
"Pinalaki ko si Kylie na Independent at may matatag na disposisyon sa buhay.Naalala ko nuong iwan kami ng mommy ni Kylie,Hindi ko sya kinakitaan ng pagkalugmok bagkus ay inalalayan nya ako para maging matatag.Saka ko narealize,Napakapalad ko sa pagkakaroon ng MABUTI AT MAPAGMAHAL NA ANAK._Daddy ni Kylie
"Alam ko po yun.Hinding hindi nya po kayo kahit kailan gustong makitang nasasaktan at bigyan ng sama ng loob._Ako
Tumango tango naman ang daddy nya.Tapos tumalikod sa akin at saka inilabas ang panyo.Hindi ko man nakikita,alam ko na umiiyak ang daddy ni Kylie base sa pag galaw ng mga balikat nito.
"Hindi ko gustong pigilan si Kylie na magmahal,Hindi ang klase ni Kylie ang dapat pinagkakaitang lumigaya pero ang hindi ko lang matanggap na sa babae din sya magmamahal.
Isipin mo ang nararamdaman ng isang ASAWANG INIWANAN AT PINAGPALIT SA KAPWA NYA BABAE AT PAGKATAPOS NGAYON NAMAN ANG ANAK KO AY KAPWA DIN BABAE ANG MINAMAHAL._daddy ni Kylie
...Nagulat ako sa revelation ng daddy ni Kylie.Ang alam ko,sumama nga sa iba ang mommy ni Kylie nuon,pero ang balita at alam din ni Kylie,ibang lalaki ang sinamahan ng mommy nya.
"Im sorry po to hear that sir.Hindi ko po alam na ganun ang nangyari.At tama po kayo,masakit nga po yun para sa inyo bilang asawa at ama.Pero Sir,hindi po naman makatwiran na kay KYLIE nyo isisisi ang lahat hindi po ba?_AKO
"Masakit on my part na nakikita ang nag iisang anak ko na nahihirapan.She deserves all the Love in this world,sa pagiging masunurin at mabuting anak.Pero habang nakikita ko syang masaya sa piling mo,Lalo kong nararamdaman ang pagiging walang kwenta kong asawa at ama.Bakit ba kailangang ipamukha sa akin ng kapalaran na LESBIAN ang parehong umagaw sa akin sa dalawang PINAKA IMPORTANTENG TAO SA BUHAY KO? Anu bang kulang at mali sa akin bilang LALAKI? Anu bang meron ang kagaya nyo at nagagawang PINAGPALIT sa isang babae din ang isang ALEX SAMANIEGO._daddy ni Kylie
"Sir,hindi naman po sa gender lang nasusukat pagpapakatao ng isang individual.Maaari pong may mga bagay lang silang nakita sa iba kaya may mga pagkakataong humahanap sila ng kalinga mula sa ibang tao.Hindi dahil sa nagkataong parehong Lesbian ang Minahal ng asawa at anak nyo,nangangahulugan na nun na hindi na kayo mabuting asawa at ama sa kanila.Sa palagay ko po,hindi naman kayo nagkulang sa Pagmamahal nyo sa kanilang dalawa._Ako
"Nang bawiin ko ang mommy ni Kylie sa kinakasama nya,halos gusto ko sana syang patayin sa galit.Pandidiri,poot at pagkamuhi ang naramdaman ko sa lahat ng kagaya nyang lesbian ang naramdaman ko ng araw na yun...Pero ng lumuhod sa akin si Teresita at magmakaawa na wag kong saktan ang babaeng minahal nya,saka ako nagising sa katotohanan...Hindi ako totoong nagkulang bilang asawa sa kanya,sadyang NAGMAHAL lang sya._Daddy ni Kylie
"Sir,Im glad you did the right thing.Naiintindihan ko po kayo.
At ngayon ko po mas nauunawaan kung bakit kayo nakakapagbitiw ng masasakit na salita sa akin nuon,dahil po sa mga nakaraang dinadala nyo sa puso nyo._AKo
"Pero sa totoo lang,AYOKO MAGING KONTRABIDA sa anak ko.Ayoko syang pigilan magmahal.Hindi ako yun.Pero habang nakikita kong masaya sya sa piling mo,nagpa flashback sa akin yung mga panahong ganun din ang nararamdaman ng mommy ni Kylie sa piling ng babaeng mahal nya._Daddy ni Kylie
"Pero sir,Masaya na din sa piling nyo si ma'm.Nakikita ko po yun sa mga mata nya.Maaaring minahal nya nga ang babaeng sinamahan nya nuon,pero sa nagdaang mga panahon,maaaring narealize nyang mas mahal nya po pala kayo. _AKO
"I have to be strong para sa mag ina ko.Lalo pa sa mga susunod na araw at buwan.May OVARIAN CANCER ang mommy ni Kylie.At hindi ko alam kung kakayanin kong makita syang naghihirap sa mga oras nayun ng pakikipaglaban nya..Kylie doesnt know about that.Ang kabilin bilinan ng mommy nya,WAG NA WAG IPAALAM KAY KYLIE ANG SAKIT NYA MAGING ANG PAKIKIPAG RELASYON NYA NUON SA BABAE._daddy ni Kylie
"But sir,Kylie deserves to know the truth.Lalo pa at buhay ng ina nya ang pinag uusapan dito._AKO
"Isang bagay pa ang lihim tungkol kay Kylie,at yun ay hindi ko na masasabi pa sayo sa ngayon.Pero ang mahalaga,MAGING MASAYA ANG ANAK KO,Kailangan ka nya sa mga pagkakataong ganito kaya ikaw na muna ang bahala sa kanya.
Teresita want it in private.Kung mamamatay daw sya,gusto nyang ako lang daw ang makakasama nya sa huling hininga nya.
_Daddy ni Kylie
"Sir?what do you mean by that?_AKO
"Pinapayagan na kitang maging kasintahan ng anak ko._Daddy ni Kylie
Napaangat naman ang mukha ko sa sinabi ng daddy ni Kylie.
Tama ba ang narinig ko?Pumapayag na sya sa relasyon namin?

Ohhhhhlala!ayan na,mukhang magiging okey na ata sila...😉

                     

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon