SEVENTY SIX*KEN

2.9K 79 0
                                    

Palawan: How can i forget the beauty of this Island.Dito ako nagkaroon ng pangalawang pagkakataong mabuhay pa.Salamat sa mga taong tumulong sa akin.Paalis na kami para bumalik na ng Manila,Nakasakay ako sa isang private plane na pagmamay ari nila Kylie,Sa tatay nya to be specific...
Kasama ko sila inang at Kian at sympre si Kylie,VM at MJ.
Nangako ako sa pamilya nila aling Shiela na babalik ako sa lugar nila.Hinding hindi ko makakalimutan ang kagandahang loob nilang ginawa para sa akin.

"Anak,kamusta ang pakiramdam mo,May masakit ba sayo?_Inang
"Wala naman po inang,okey na okey na po ako._Ako.Inakbayan ko sya para masigurong walang problema sa akin.
Nasa kabilang upuan ko naman si Kylie na nakaidlip na sa sobrang puyat kakabantay sa akin.Napangiti ako sa itsura nya,kahit walang makeup at walang ligo,napakaganda pa din.
"Ate,totoo bang babalik tayo dito?Ang ganda kasi,parang nang aakit ung dagat na maligo._Kian.Nasa likod naman sya nakapwesto mag isa.
"Hoi MJ,tumigil ka nga dyan!Lakas ng hilik mo hindi ka naman puyat kagabi ah!_VM.Na katabi naman si MJ
"Anu ba!Kitang natutulog yung tao inaabala mo!bwisssit ka talaga!_MJ
"Hahahaha.Alam mo namang tulog mantika yan si MJ kahit saglit pa lang na byahe._Ako
"Kaya nga eh!Malapit na tayo,saka pa matutulog.Kala mo naman puyat na puyat!hahaha_VM.sabay hampas kay MJ ng unan
...
Sa bahay na muna kami lahat dumiretso.Nagpa order na lang ako ng Pizza at saka chicken para may makain kami habang nagku kwentuhan.Maya maya lang ay nagpaalam na din sila MJ at VM para umuwi na sa kani kanilang condo.Nagpaiwan naman si Kylie dito sa bahay.Magkwentuhan lang muna kami saglit pero uuwi din sya after.Hindi kasi pwede na dito sya matutulog...Hindi yun maganda tignan.At isa pa,nahihiya din kami kay inang at sa mga kapatid ko.Ayokong maging masamang impluwensya kami sa kanila.Nasa Salas lang kaming dalawa.Magkayakap kaming magkatabing nakaupo sa sofa habang nakabukas ang tv.Pero hindi naman kami talaga nanunuod,nagkukwentuhan lang.
Bukas kasi pabalik na naman si Kylie ng Japan.

Gaya ng karaniwang araw ko,Pagkatapos ng trabaho,aral naman sa gabi.Madami din akong namiss na mga aralin kaya kailangan kong magfocus para hindi ako mahirapan pag nag finals na.
Palabas na ko ng Unibersidad ng makasalubong ko ang daddy ni Kylie.Nagulat man,agad akong nagmano sa kanya.
"Good evening po sir.May problema po ba?_Ako
"Good evening din.Pasensya kana sa abala,Alam ko pagod ka sa maghapong pagtuturo at pag aaral tapos inabala pa kita ngayon._Daddy ni Kylie
"Naku,ayos lang naman po.Walang kaso sa akin.Gusto nyo po bang pumasok muna tayo sa loob ng school?_AKo
"Hindi na,sa kotse na lang tayo kung ayos lang sayo?_Daddy ni Kylie
"Ayos lang naman po.Sige po._Ako.Nauna syang pumasok sa sasakyan at saka ako sumunod.Limousine ang kotse ng dad ni Kylie kaya malaki ang espasyo sa loob ng sasakyan.At isa pa,may privacy ang pag uusap namin dahil malayo kami sa drivers seat. May wine bar sa loob ng limo.At pwede kang mag party party sa loob nito.First time ko lang ma experience makasakay ng limo kasi kaya parang medyo napahanga ako sa ganda ng loob nito.
"Kamusta naman,Mabuti at walang malubhang nangyari sayo sa aksidente last week._Daddy ni Kylie
"Opo sir.Salamat nga po sa Dyos at walang nangyari sa aming lahat na nakasakay sa eroplanong yun.At salamat din nga po pala sa pagpapahiram nyo sa amin ng private plane nyo po._Ako
"Walang anuman.Maliit na bagay yun kumpara sa mga naitulong mo sa amin sa panahon ng pagluluksa naming mag ama.Lalo na sa anak ko,Kundi dahil sayo at sa mga kaibigan nyo,malamang matatagalan pa bago makarecover si Kylie_Daddy ni Kylie
"Masaya po akong makatulong at makapagbigay ng saya sa inyo at kay Kylie Sir.Hindi nyo lang po alam kung gano nyo kami pinasaya ni Kylie sa pagtanggap nyo sa pagmamahalan namin._Ako
"Pwede bang wag mo na kong tawaging Sir?Tito Alex na lang. Masyado namang pormal,hindi naman ako teacher._Tito Alex
"Sir?ah- I mean,tito Alex pala.Salamat po._AKO.Tumango naman sya at bahagyang ngumiti sa akin.
"Mabalik tayo sa pakay ko,Tungkol ito sa nabanggit kasi ni Kylie sa akin na,palage nyo daw sinasabi sa kanya na kamukha nya yung dalagitang tumulong sayo nuon sa Palawan?_Tito Alex
"Ahhh yun po ba,Opo kahawig nya kasi yung dalagitang rescuer na sumagip sa akin duon.Actually po,pati yung mother nung bata kamukha din ni Kylie._AKO
Tumango tango naman si Tito Alex at saka biglang nag isip ng malalim.
"Shiela Serrano daw ba ang pangalan ng babaeng sinasabi mo?_ tito Alex.
"Tito?Pano nyo po nalaman?Yun nga po ang sabi nya sa akin.
Ohhh!Hindi po kaya..._AKO.Saka ko napagtagni tagni ang lahat. Kamukha nya si aling Shiela at si Shiera?Hindi kaya...
"Talaga yatang sinasadya ng kapalaran.Gustuhin ko mang kalimutan na sana ang nakaraan ni Kylie,bakit para yatang tadhana na ang mismong gumagawa ng paraan para mabuksan pa ang nakaraan._Tito Alex
"Pero tito,Kung tama ang hinala natin pareho...Hindi po ba karapatan ni Kylie na malaman ang katotoohanan?Baka po kasi kung ililihim nyo pa,this time baka hindi na kayanin ni Kylie na unawain pa kayo gaya ng paglilihim nyo tungkol sa naging sakit ng mommy nya._AKO
"Hindi ko alam...Hindi ko masabi.Hindi ganun kasimple ang lahat.Malaki ang kasalanan ko kay Shiela,at hindi ko alam kung mapapatawad nya ko kung sakaling malaman nya ang totoo._Tito Alex
"Haaaist.Nararamdaman ko po na hindi lang basta simpleng bagay ang naganap sa pagitan nyo ni aling Shiela tito,Pero sana maging maayos din ang lahat sa tamang panahon._Ako
"Madaming buhay ang madadamay.Madaming tao ang masasaktan.Ganun pa man,kailangan na ding maayos ang lahat lahat.Sa ngayon,pag aaralan ko muna ang dapat gawin.Kung kinakailangang ako ang managot sa lahat ng ito,maluwag kong tatanggapin yun.Pansamantala,ikaw na muna ang bahala kay Kylie.Saka ko na sasabihin ang lahat kapag nakapaghanda na ako._Tito Alex.
"Naiintindihan ko po tito.Basta kung anu man po ang pwede kong maitulong,Asahan nyo pong hindi ako magdadalawang isip na bigyan kayo ng panahon at pag unawa._AKO
"Salamat._Tito Alex.
Hindi na muna ako sumakay ng jeep.Naglakad lakad na muna ako para makapagnilay nilay.Haaaist!Hindi ko lubos maisip, na sa dinami dami ng tao sa mundo...Nanay at kapatid pa pala ni Kylie ang nagligtas sa akin dun sa Palawan.Pero ang pinagtataka ko,parang hindi naman kilala ni Aling Shiela si Kylie?Pati si Shiera,hindi naman nya alam na may kapatid pala sya. At bakit parang ganun na lang ang reaksyon ng daddy ni Kylie ng malaman nyang sila Aling Shiela nga ang naka rescue sa akin sa Palawan?Meron ba syang kinatatakutan?Ang sabi pa nya, may mga taong pwedeng madamay at masaktan...Sino naman kaya iyon?haaaaist! Akala ko naman,ngayong nalaman na kung asan ang totoong ina ni Kylie,matatapos na ang problema.Pero sa nakikita ko,parang nagsisimula pa lang ng mga problema.
Napailing nalang ako.Naisipan ko munang mag chill ng kaunti kaya sa Elites ako nagpasyang pumunta muna...



😉aawts!Problem again?tsk!

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon