EIGHTY FOUR*KEN

2.5K 68 0
                                    





            Pahiga na ako ng tumunog ang celfone ko.Napabangon ako ng makita ko sa screen ang number ng daddy ni Kylie.Bigla akong kinabahan.Nagmamadali ko munang isinara ang pintuan ng kwarto ko at saka ko sinagot ang tawag ni Tito Alex.
"Hello po Tito,napatawag po kayo?May problema po ba?_AKO.
"Ken,Nasabi ko na kay Kylie ang lahat.Umalis syang walang kadala dala,kahit sapatos hindi na nya nagawang maisuot para lang magpakalayo layo.Tulungan mo si Kylie,Kendra.Ngayon ka nya higit na kailangan.Kapag pumunta sya dyan,ikaw na muna ang bahala.Wag mo syang iiwanan pakiusap..._Tito Alex
"Yes po Tito,ako po ang bahala kay Kylie.Wag na po kayo mag alala._AKO.Naririnig ko ang pigil nyang pag iyak.I know how it hurts.Masakit na marinig sa sarili mong anak na kinamumuhian ka nya,Pero anong magagawa nya kundi akuin ang lahat ng kasalanan alang alang sa ikatatahimik ng kaluluwa ng taong namayapa na.
"Kung anu man ang maging problema,ako na ang bahala sayo Kendra,basta ang mahalaga wag mong pabayaan si Kylie.Alam kong kapag nasa tabi mo sya,Hindi nya magagawang saktan ang sarili nya._Tito Alex.
Hanggang sa may marinig akong humintong sasakyan sa labas ng bahay.Pagkababa ko ng telepono,agad akong lumabas para alalayan si Kylie.I saw her crying,para syang bata na napatakbo sa akin at humagulgol ng malakas.Pinapasok ko na muna sya sa kotse ko at saka binayaran ang taxi na sinakyan nya.Hindi na ko nakapagpa alam kay Inang.Mamaya na lang siguro kapag nasa Condo na kami ni Kylie.

Nakatulog na si Kylie sa balikat ko kaya agad ko syang binuhat sa kama nya.Pumasok ako sa bathroom at kumuha ng towel para mapunasan sya.Pati mga paa nya,madumi dahil sa pagtakbo nyang walang sapin sa paa kanina.Magdamag ko syang binantayan.Tumawag na din ako kay Inang at nagpaalam na pansamantala muna akong di makakauwi dahil nagka problema si Kylie.Hindi naman na nagtanong pa si Inang.Alam nya kasi na kapag nasa ganung sitwasyon ang kahit na sinong malapit sa akin,bukas palad ako sa pagtulong.Lalo pa at si Kylie na ang nangailangan.Sa gilid ng kama lang ako humiga.Ayoko kasi syang tabihan dahil baka mapasarap ako ng tulog  at di ko maagapan kapag umalis sya ng di ko namamalayan.
May liwanag na sa bintana ng magising ako.Nakita kong himbing pa din sa pagtulog si Kylie kaya naisipan kong magluto ng almusal.Nag sopas ako at saka fryd egg and bacon.Hindi kami parehas kumakain ng rice sa umaga ni Kylie.
"Sweety?_Kylie.Galing sa kwarto ang tawag.
"Sweetheart im here! Mag breakfast na tayo._AKO
"Ayokong kumain.Wala akong gana!_Kylie.
"Just wait,Dadlahan kita dyan.Breakfast in bed._AKO.Then may dala akong tray na may lamang soup at saka bacon and egg. Hindi din kami parehas mahilig sa kape,Kaya fresh applejuice ang hinanda ko for her.
"Ayoko nga sabing kumain!Galit ako Ken,Di mo ba nakikita?Sobrang galit na galit ako!_Kylie.Na tinalikuran ako
"Sweetheart naman,Hindi pwede yang ganyan.Kumain ka,masama ang nagpapalipas ka ng gutom.Anung oras na oh!_AKO.Sabay tingin sa relo ko.Mag aals dyes na pala.Hindi pa ako nakakatawag sa School ko.
"Umalis kana.May pasok kapa.Iwan mo na lang ako dito mag isa. Ako ng bahala sa sarili ko._Kylie
"Hindi kita iiwan ng ganyan ka.Kahit abutin pa tayo ng taon hinding hindi ako aalis sa tabi mo._AKO
"I said go!I can handle my self.Wag mo na kong samahan.Pumasok kana.Iwan mo na ko sabi dito mag isa!_Kylie
Tinabig nya yung tray na inabot ko sa kanya sa bed nya kaya natapon lahat ng pagkain sa lapag ng kama nya.Napabuntong hininga na lang ako at isa isang pinulot yung mga natapong pagkain at yung baso at bowl na nabasag.Bahagya ding natapunan yung kama nya ng sopas.Agad ko namang pinunasan yung mga kalat at dumi ng natapong mga pagkain.Tumingin naman sya sa akin tapos pumasok sa banyo at dun nag iiyak.
"Sweetheart,Open the door.Im here for you.You can cry on my shoulder,wag kang magkulong dyaan sa loob._AKO.Kinakatok ko sya sa loob ng CR.Naririnig ko naman na lalo pang lumakas yung pag iyak nya kaya lalo akong nag aalala.Hinanap ko yung susi ng bathroom,and im glad madali ko syang nakita sa gilid ng cabinet. Naabutan ko syang nasa bathtub na nakababad duon at iyak pa din ng iyak.Agad ko syang binuhat at pinatuyo ng towel.
"Sweetheart please naman...Wag ka namang ganyan.Andito ako para sayo.Wag mo namang iparamdam sa akin na balewala ako sayo kaya ka nagkakaganyan!_AKO.
"Ken,Im so sorry.Ang gulo gulo lang kasi ng pamilya ko.My father is a Monster.Masama syang tao.Anong mangyayari sa amin after lumabas ang eskandalong to,makukulong si Dad.Lalayuan kami ng mga Investors,masisira kami sa lahat.Si Aling Shiela,papano nya kakayanin ang lahat?Hindi ko na alam ang gagawin Ken. _KYLIE
"Sweety hindi.Magiging maayos din ang lahat.Kakausapin natin si Aling Shiela,ipaliliwanag natin ang buong pangyayari.Alam ko hindi magiging ganun kasimple ang lahat pero alam kong mapapatawad nya din si Tito Alex.Magtiwala lang tayo._AKO
"I dont think so.Kung sakaling mapatawad ni Aling Shiela si Dad, hinding hindi ko sya mapapatawad sa kasalanan nya.Magbabayad sya sa mga kasalanang ginawa nya sa amin.
Idedemanda ko sya at ipakukulong ko sya!_Kylie.
"KYLIE! Stop it!Hindi na tama yang pinagsasasabi mo.Kahit anu pang kasalanan ng daddy mo,daddy mo pa din sya.Hindi tama yang nagtatanim ka ng galit sa kapwa lalong lalo pa sa taong walang ginawa buong buhay nya kundi bigyan ka ng masagana at masayang buhay!_AKO
"The hell i care!Hindi nya kayang tumbasan ng kahit na anu pang kayaman ang pagsira nya sa pamilya ko!Pagbabayarin ko sya sa mga kasalanang ginawa nya sa amin ni Aling Shiela!_Kylie
"Hah!Then do it! Yan ba ang magpapasaya sayo?Yan ba ang magpapahilom ng sakit dyan sa puso mo?Sige,isumpa mo ang daddy mo,kalimutan mo ang lahat ng mga masasayang araw na nakasama mo sya.Itanim mo dyan sa puso mo ang GALIT.Mabuhay ka na nababalutan ng paghihiganti yang puso mo.Hindi na kita pakikialaman sa kung anung desisyon mo._AKO
Lumabas ko ng kwarto at naupo sa sofa.Alam ko hindi ako dapat magpakita ng galit.Im here to support and comfort Kylie,Pero mahirap din pala kapag alam mong yung taong halos isumpa nya na ay wala ding kamalay malay sa mga binibintang sa kanya.
Haissst!Bakit ba kasi kailangan pang humantong sa ganito ang lahat.Napaupo na lang ako sa isang sulok at saka napausal ng panalangin.Hindi na nag almusal,hindi pa nag lunch hanggang sa abutin na kami ng hapunan di pa din lumabas ng kwarto si Kylie.I have no choice,Naghanap ako ng maluluto sa ref nya, mabuti nalang at puno ng stocks ang loob mg ref kaya hindi ako nahirapang mag isip ng pwedeng lutuin.Porkchop at ginisang gulay ang naisipan kong lutuin.Pagkatapos kong kumain,iniwan ko lang sa mesa yung mga ulam.Just incase makaramdam ng gutom si Kylie,hindi na nya kailangan pang initin yung pagkain nya.Sa sofa ako nahiga.Pinatay ko ang switch ng ilaw,Para isipin nyang natutulog na ko.Ilang saglit lang,narinig ko na ang mahinang pagbukas ng pinto sakwarto nya at mahinang paglalakad nya papunta ng kusina.Narinig ko ang tunog ng kutsara at tinidor kaya alam kong kumakain na si Kylie.Napangiti naman ako.Salamat naman at kumain na din sya.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon