FIFTY FOUR☆KYLIE

3.3K 96 0
                                    

                     Ito na yata ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Hindi ko lang basta kasama si KEN,katabi ko pa sya ngayon sa kama.Kakatapos lang ng meeting namin with our boss,Kasama nya ung husband nyang hapon.Sa Makalawa daw pwede na kaming lumipat sa apartment na titirahan namin for 6 months. At dahil magiging co owner na kami sa boutique nila,dun na din muna pansamantala sila Mikee at Rhian para mag assist at mag turo sa mga tauhan ni Mrs.Miyamoto.

"Kylie,tabi kana dito.Maganda kana,tama na yang pag aayos mo! _KEN
"Sira.Inaalis ko lang tong mga jewelry ko.Saka di pa tayo nagpapalit ng pantulog.Bangon kana muna dyan._AKO
"Napagod ako kanina eh.Ikaw na magpalit sa akin pwede ba?_KEN
"Hahahah.Pilyo ka ha,Bangon na dyan,bilis na.Ihahanda ko na lang yung isusuot mo._AKO.hinila ko na sya papasok ng CR
"Kylie,asan na yung damit ko? Paki dala naman dito pleasse.. _KEN
"OO na.Iaabot ko na lang.Saglit lang kasi inaayos ko tong kama natin._AKO.Kumatok muna ako sa pinto at saka ko inabot yung mga damit nya.Pero imbis na damit ang abutin,hinila nya ako papasok ng banyo.
"Sabay na tayo maligo.Malaki naman tong banyo eh!_KEN
Medyo nailang ako dahil first time ko lang syang nakita na naked kaya tinakpan ko ng kamay ko ung mukha ko.
"Ken naman eh! Nakakahiya.Mauna kana maligo.Mamaya na ko. _ AKO
"Bakit ka naman nahihiya sa akin? Dapat masanay kana.Gusto ko palage tayong magkasabay pag naliligo.hahahah_ KEN
"Sira! Palage talaga dapat? Ikaw ha,ang dami mong pa epek ngayon.Nakapag Japan ka lang,naging liberated kana!_AKO
"Hahahaa,Actually hiyang hiya din ako sa pinag gagagawa ko sa totoo lang! Pero kinapalan ko na mukha ko,andito na tayo eh.Baka pag uwi ko sa makalawa,matagal na ulit bago tayo magkasama ng ganito eh._KEN
"Uhmm okey,sige na sabay na kung sabay.Basta bilisan na natin. Kanina pa ko inaantok._AKO.then after namin maligo,sabay na kaming nahiga sa kama ng magkayakap.
"Ken...Totoo ba talaga toh? Hindi ba ko na nanaginip lang?_AKO
"Uhmmm Oo naman.Bakit,ayaw mo ba?_KEN
"Syempre gusto ko! AKO paba? Ikaw lang nga dyan ang ayaw sa akin eh._AKO
"Hindi ko ayaw sayo.Never yun nangyari na aayawan kita.May mga bagay lang ako nuong gustong pag isipan muna bago ako sumabak sa pakikipag relasyon._KEN
"Ngayon ba,tapos mo nang pag isipan kaya okey na ulit tayo ngayon?_AKO
"Parang ganun na nga.Pero hinay hinay muna tayo ha,kasi hindi pa din ako ganun ka handa.Pero i will do my best para maging masaya ka sa piling ko._KEN.
"I understand.Hindi din naman ako nagmamadali.Saka ang mahalaga naman sa akin,Ung makasama lang kita._AKO
"About sa wedding na hinahanda ng parents mo,Pinag iisipan ko pa kung pano natin yun malulusutan.Pero gagawa ako ng paraan.Ako na ang bahala._KEN
"Ken,Pano pag hindi pumayag si daddy?Anung gagawin natin?_AKO
"Willing ka bang panindigan ako kahit na anung mangyari? Baka kasi ako lang pala mag isa ang lumalaban tapos ikaw naman hindi pala?_KEN
"Ken,kilala mo ko.Hindi ako marunong sumuko lalo na pag dating sayo.HANDA akong Panindigan ka kahit saan pa tayo dalhin ng pagkakataon at kapalaran.Basta kasama lang kita.
_ AKO
"Okey.Atlis malinaw na sa akin ang lahat.Kaya natin to Kylie basta magtiwala ka lang.At salamat nga din pala sa lahat._KEN
"Salamat naman saan? Wala pa naman akong nagagawang maganda sayo?hahahah_AKO
"Marami ka ng nagawa para sa akin.Sa pagtitiis mo sa lahat ng pagsusunget ko sayo.Sa pagmamahal mo kahit pilit kitang itinataboy nuon.Sa hindi mo pagbitaw sa akin kahit alam ko NAHIHIRAPAN kana nuon pa._KEN
"Nangako kasi ako sa sarili ko nuon KEN,hinding hindi kita susukuan kahit anu pa man ang mangyari.Alam ko naman kasi na darating ang araw na mare realize mo din ang worth ko. Kita mo ngayon,Kasama na kita._AKO
"TSK! uu nga eh.Pikot na toh!Mahirap din talaga maging gwapong tomboy eh..Kahit ang pinaka matayog na bituin,bumababa para sa akin.hahahah.Just kidding!_KEN sabay halik sa lips ko.
"Ang yabang mo! Oo na,gwapo kana! Patay na patay nga ko sayo,obvious naman eh! Hindi ko naman kailangang itago pa yun.hahahah _ AKO
"Just kidding.Parehas lang naman tayo.Ded na ded din kaya ako sayo.Di lang halata.heheheeh_KEN
"Bawal ka ng yakapin at halikan ni Charry ha.Pag nakita ko syang ginaganun kapa ulit,humanda sya sa akin._AKO
"Hahaha,kelan naman sya humalik at yumakap sa akin aber? Kaibigan ko lang nga yun._KEN
"Dun sa restaurant.Nung magkasama kami ni Gabb._AKO
"Sa resto? Ahhh dun sa Makati.Beso lang yun,grabeh ka naman mag isip sa amin.Wala naman akong ibang nahahalikang ibang babae maliban sayo._KEN
"Sus wala daw! Si Trish.palage ka kayang ninanakawan ng halik nun sa bar ni ayah.Grabeh ang sama ng loob ko sayo nun._AKO
"Sorry na.Alam ko naman na palage kitang binibigyan ng sama ng loob nuon.This time,babawi ako.Palagi na lang kitang paliligayahin.hahahaha _KEN
"Puro ka talaga kalokohan KEN! Seryoso ang usapan tapos bigla mo hahaluan ng kalokohan._AKO
"Sorry na po.Please forgive me.Kiss na lang kita ng madami para makabawas ng kaunti sa mga nagawa ko nuon._KEN
Then we kiss passionately.Nakahiga lang kaming dalawa. After namin mag usap,nawala lahat ng mabigat sa dibdib ko.Parang ngayon,ang gaan sa pakiramdam.Magkayakap lang kaming natulog.Bukas,maaga kaming lahat gigising para pasyalan ung shop nila,para na din mamasyal dito sa tokyo.Habang nakapikit si Ken,Pinagmamasdan ko naman syang matulog.Chance ko na to.Baka mamaya pag gising ko na lang wala na naman sya. Sana nga totoo lahat ng pinangako nya.Sana pag gising ko bukas nasa tabi ko pa din sya at kayakap.Hinaplos ko ang mukha ni Ken habang natutulog sya.Napaka gwapo naman talaga ni Ken.Wala na ata akong mahihiling pa.Nasa kanya na lahat.Mapagmahal na anak at kapatid,matalino,masipag at mabait.Bonus na yung gwapo talaga sya kahit sa pinaka simple nyang pananamit lang.
"Tulog na tayo sweetheart.Bukas mo na ko ulit pagpantasyahan.  Sweetdreams.I LOVE YOU! _KEN sabay kabig sa akin palapit sa kanya.Kinilig naman ako sa pagsabi nya ng i love you.Ang sarap naman sa tenga nun.Parang lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Bakit sweetheart? Yun ba ang tawagan natin?_AKO
"Uhmmm,bukas na tayo mag usap about that.Matulog kana nga. Hindi ako makatulog sa kakatitig mo sa mukha ko eh. Pakiramdam ko tuloy,gwapong gwapo ka sa akin._ KEN
"Alam mo ikaw,sumobra naman yang self confidence mo.Gwapo kaba? BABAE ka naman eh,kaya maganda ka,di ka gwapo._ AKO
" E di sige iibahin ko.Gandang ganda ka sa akin kaya panay ang titig mo sa mukha ko._ KEN
"Hay naku,GGSS kana na nga ngayon.Nahipan kaba ang hangin ng JAPAN kaya biglang lumaki ang ulo?_AKO
"Hahahaha.Binibiro ka lang! Ang hirap mo kasi patulugin eh.Kilala mo naman ako diba,never akong nagyabang. Basta bukas na tayo mag usap ulit.Goodnyt sweetheart._ KEN
"Goodnyt din Sweetheart._ AKO
"Ayiiie! Masarap pala pag ikaw ang tumatawag sa akin ng sweetheart,nakakakilig.hahahaha._ KEN
"Hahahaha.loko! Sige na matulog na tayo.Nyt.

Sweetness overload.Lovers in JAPAN.😉Hihihi
Pati ako kinilig!jusme! Hahahahah.SI KEN PUMAPAG IBIG!

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon