Fortyseven*KEN

3.1K 84 0
                                    

            Nagheal na ang sugat sa kamay ko pero ang sugat sa puso ko,wala na yatang pag asang gumaling.Ilang araw na din akong di nagpapakita kila MJ at VM.Madalas kasi silang nagkikita kita nila Kylie dahil nga sa dress shop na magkakasosyo sila nila mikee..Isinali na din nila si Rhian para naman daw may pagka abalahan din sya.Habang ako naman,tuluyan na ding lumayo kay Charry.Tama naman sila VM,hindi tamang makipag lapit pa ako kay Charry.Masasaktan lang sya.Hindi naman ako manhid para di maramdaman na may gusto sya sa akin.Aaminin ko,ginamit ko din sya para may dahilan ako na umiwas kay Kylie.At para na din may ipantapat ako sa maangas na yohan na yun.Pero later on,saka ko narealize na maling manggamit ako ng tao para lang sa pansarili kong interes.

"Ken,may problema ba tayo?Ilang araw ko na kasing napapansin na parang iniiwasan moko eh._Charry.Nasa canteen kami ng school para maglunch.Actually,nauna akong pumunta dito para nga sana makaiwas na makasabay sya.Di ko naman ini expect na darating agad sya ng mas maaga para usisain ako.
"Iwas?Bakit naman kita iiwasan.Nagkataon lang na madalas akong nagmamadali kumain dahil may mga test paper akong dapat icheck.Pati kasi mga gawain sa elementary na pinapasukan ko,dito ko na ginagawa pag bakanteng oras ko._Ako
"Alam ko naman na busy ka,pero hindi naman ako manhid Ken.Ramdam ko ang pag iwas mo._Charry
"Hindi nga.Anu kaba.Bakit naman kita iiwasan?Nagkakataon lang siguro na madalas akong busy ngayon._Ako
"Pwede ba tayong mag usap after ng trabaho?Hindi kasi ako mapakali.Parang hindi tama eh._Charry
"Okey,Kung gusto mo makipag usap.Sige,mauuna na ko ha. _Ako
Dire diretso na ko sa klase ko after.Dun na ko nag check ng mga papers habang wala pa akong mga estudyante.Sakto namang pagkatapos ko magcheck,saka nagsidatingan ang mga tinutituruan ko kaya nagfocus na muna ako sa klase para magturo.

"Ken,siguro naman..Ramdam mo na may pagtingin ako sayo.Well,obvious naman sa mga kilos ko.Gusto ko lang malaman kung may kinalaman ba toh sa pag iwas mo sa akin?_Charry
Andito kami sa isang restaurant.Kakaunti lang ang tao dito kaya hindi crowded at hindi sya gaanong maingay.
"Charry,tatapatin na kita.Sa totoo lang,hindi naman about sa nararamdaman mo lang ang rason ng pag iwas ko.Ayoko lang kasi na magka problema pa tayo balang araw._Ako
"Anung ibig mong sabihin?Ayaw mo ba sa akin?May iba ba?_Charry
"Well,actually...papano ko ba to sasabihin...Hindi naman sa ganun._Ako
"Ken.Please naman,wag ka ng magpaligoy ligoy pa.I want an honest answer,Yung totoo,may iba kang gusto?_Charry
"Lets just say,ayoko lang masaktan ka later on.Ayokong masira ang friendship natin dahil lang sa may isyu about us._Ako
"Kaya nga,Meaning...Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya mong ibigay sa akin ganun ba?_Charry
Tumango ako.Ayoko na muna magsalita.Hinayaan ko lang syang mailabas ung nararamdaman nya.Wala akong masabi.Baka kapag nakapagsalita pa ako,mas lalo lang syang masaktan.
"Naiintindihan ko KEN.Kahit nung una pa lang naman na nagkakilala tayo,ramdam ko na FRIENDSHIP lang ang namamagitan sa atin.Kahit na anung pag papacute pa ang gawin ko,wala eh..talagang walang epekto sayo._Charry
"Hindi naman sa walang epekto Cha.Siguro,talagang hanggang pakikipag kaibigan lang ang kaya ko ipadama sayo.Ayokong paasahin ka sa mga bagay na masasaktan ka din sa bandang huli. _Ako
"So,si KYLIE lang talaga ang babae para sayo?_Charry.
Nagulat ako sa sinabi nya.Ibig bang sabihin,alam nya ang tungkol sa amin?Pero paano?Wala naman nakaka alam nun bukod kila MJ at VM.saka pala si MIKEE AT RHIAN
"Wag kang mag alala,hindi naman sinabi sa akin ng mga kaibigan mo.Ako lang talaga yung nakapansin.Lalo na dun sa Boracay.Halata kasing selos na selos ka dun sa YOHAN.Saka napapansin ko din ung mga tinginan nyo ni Kylie._Charry
"Hindi naman ako nagseselos ah!Saka di kami nagtitinginan ni KYLIE._Ako
"Hindi ka nga nag seselos.Pero halos patayin mo na sa tingin si Yohan kapag inaakbayan nya si Kylie.Tapos,ung palihim mong pagsulyap kay Kylie,palage kong napapansin un.Lalo na ung takot mo nung makita mong nakatapak ng nakausling kahoy si Kylie sa buhanginan,Kulang na lang lumipad ka habang karga karga mo sya.Di naman halata eh!hahahah_Charry.
"Hah?ahahah.Hindi kaya!Kahit sino naman gagawin un kapag may nakitang naaksidente sa harapan nya._Ako
"Pero hindi naman ganun kataranta.Akala mo naman kung napapano na si Kylie base dun sa reaksyon mo eh.Putlang putla ka kaya.Anywys,matanong ko lang..bakit hindi nyo pa gawing legal ang relasyon nyo?Tingin ko naman,pareho lang kayong nag aantayan dalawa eh._Charry
"Actually,naging kami na nuon.Alam mo yung kasabihang opposites attract?Yung ayaw na ayaw ko sa ugali ni Kylie nuon,pero ang totoo naman gustong gusto ko sya._Ako
"Ayun naman pala,kayo na nuon pa,anung nangyari,bakit di natuloy?_Charry
"Haaaaist.Mahirap ipaliwanag.Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sayo o sarilinin ko na lang._Ako.
"Come on!I can keep a secret.Ngayon pa bang nakapag usap na tayo.Kung hindi tayo pwedeng maging magkarelasyon,pwede naman tayong maging BFF.Kaya pwede kang magshare sa akin at pangako..Hindi ko ipagsasabi kahit kanino._Charry
"Naalala mo yung time na naabutan mo kong nasuntok ko ung pader?Father ni Kylie ang kausap ko nun._Ako
"Father ni KYLIE? ung Business tycoon na si Alex Samaniego? Anong pinag usapan nyo?_Charry
"Yup,Matagal nya na kong pinagbabantaan na layuan ko si Kylie.Hindi daw ang kagaya ko lang ang nababagay sa anak nya. Gagawin nya daw ang lahat,wag lang kaming magkatuluyan ng anak nya._Ako
"Really?May ganun pala talagang nangyayari sa totoong buhay? Grabe naman pala yung daddy ni Kylie.Akala ko ang bait bait kapag napapanuod ko sya sa mga balita.Madalas kasi sila na tumutulong sa mga MAHIHIRAP diba?_Charry
"Pero hindi ko din naman masisisi ang daddy ni Kylie.Sino nga ba naman ako para sa anak nya.Isang hamak na guro lang ako kumpara sa NAG IISANG ANAK NG ISANG BUSINESS TYCOON.
_AKO
"Kahit na.Hindi naman pera at status lang ang makapagpapasaya sa tao ah!Sa palagay ko naman,mahal ka din ni KYLIE.Kung ikaw ang gusto ng anak nila,wala silang magagawa dun._Charry
"Sana nga ganun lang kadali ang lahat.Sana nga ganun ako ka selfish na sariling kaligayahan ko lang ang iisipin ko samantalang yung mahal ko,bukod sa dadalhin ko na sa kahirapan,itatakwil pa ng mga magulang nya ng dahil sa akin.
_Ako
"Ken..Alam mo,bilib din ako sayo noh?Kahit napakabigat ng dinadala mong problema,di kapa din nakikitaan ng pagkalugmok.Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganun na lang ang pag iwas mo kay KYLIE.kahit deep inside dyan sa puso mo,mahal na mahal mo naman sya._Charry
"Alam mo bang palage akong pinababantayan ng daddy ni Kylie.Bawat kilos ko nakareport sa kanya.Pati ginagawa ko,ang sweldo ko,ang buhay ng pamilya ko..lahat un,pinaimbistagahn nya pa._Ako
"Really?Grabe naman!Talo pa ni KYLIE ang anak ng Presidente ah.Parang wala ka ng privacy nun.Lahat ng kilos mo naka monitor?Pati siguro tayo,nakareport din sa kanila noh?Baka magka isyu pa siya about us._Charry
"Im sure may isyu din sya about us.Tignan mo yung nakaupong lalaki sa table na nasa kanan mo,Madalas ko syang makita na nakatingin sa akin kapag lalabas ako._Ako.Nilingon naman ni Charry ung sinasabi ko.Maya maya lang,umalis na yung lalaki ng mapansing tinitignan namin sya ni Charry.
"Ayun umalis na,malamang magreport na sya sa amo nya!_Charry
"Hayaan mo lang.As long as di naman nila kami sinasaktan at ayos lang ang pamilya ko.Wala akong dapat na ikabahala._Ako
"Sabagay.Tama naman.Pero mag iingat kapa din.So pano friend, see you nalang bukas sa school ha.Bye na.Ingat sa pag uwi._Charry.
Eksakto namang pagbeso sa akin ni Charry,sya namang dating ni KYLIE na may kasamang matangkad na lalaki na halatang mayaman din kagaya nya.Nagkatingin lang kami at pagkatapos dire diretso na silang umupo sa mesang itinuro ng waiter sa kanila.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon