thirty two *Kylie

3.3K 86 0
                                    

Masaya ako at naging Successful ang first fashion show event na prinuduce namin nila VM at Mikee.Naging mabilis din ang demand sa mga newest collection na iminodel namin.Bukod sa nakatipid na kami sa pagbabayad sa mga model,nagkaron pa kami ng bagong pagkaka abalahan.
Bukod sa online shops,nagsimula na din kami sa isa munang boutique.Eventually,nag venture naman si MJ sa mga jetzki rental sa isa sa mga resort na pag aari ko.Kasosyo naman nya duon si KEN.

Maaring successful nga ako sa larangan ng pagmomodelo at bussiness,pero sa pag ibig...parang imposible na yata.haaaist!
Hanggang ngayon kasi,dedma pa din si KEN sa akin.Lahat na yata ng pagpaparamdam nagawa ko na,pero parang may pumipigil kay Ken na gustuhin din ako.

"Alam mo yang Trish na yan,tinik yan sa lalamunan ko eh!_VM
"Hahahaha,ayan ka na naman Verna,pabayaan mo na si Ken..Si trish ang gusto nya eh,kaya wag tayo manghimasok sa gusto ng kaibigan natin_MJ
"Tingin mo gusto nya yan?tignan mo nga,di manlang inaalalayan tapos hinayaan lang makipag sayaw dun sa mga katabi nya!_VM
"Di lang siguro possesive si Ken na jowa kaya ganun!_MJ
"Alam mo,may something dyan sa dalawang yan eh,aalamin ko nga para matigil na yang kagaguhan ng dalawang yan!_VM
Sabay tayo at nagsayaw sayaw na sa dance floor with Ken.
"Hey! Bakit ka andito.Dun ka nga.iniwan mo na naman si Mikee dun._Ken
"Okey lang andito ka naman noh!sayaw tayo dalii_VM
"Nagsasayaw na kami ni trish,maghanap ka ng ibang partner!_Ken
"Tayo nalang,hayaan mo sya sa mga kasayaw nya.tignan mo aliw na aliw dun sa mga kasayaw nya._VM.sabay hila sa akin at pinartner kay ken.Nahiya naman ako bigla.
"Hey!Mang aagaw ka ng jowa ah!alam mo ng magkasayaw kami bigla ka sisingit?_Trish sa akin
"Trish!hindi sya ang nagpartner sa akin,si VM._Ken
"Malandi ka din kasi,alam mo ng may jowa na...Sinisiksik mo pa yang sarili mo!_Trish
...Hindi na lang ako kumibo.hinayaan ko lang si Ken ang magsalita.Mabuti naman at this time kahit papano pinagtanggol nya ako.
"Hoy bruha! Kung may paningit dito ikaw yun! Kung makaasta ka kala mo kung sino ka ah!_VM
"Wala akong pakialam sayo lesbianang suicidal!Wag nyo kaming pakialaman ni Ken._Trish.I look at her,hindi sya normal.Parang sabog or theres something wrong with her.
"Guys,pabayaan nyo na kami ni Trish...Sige na,dun na muna kayo._Ken.Patulak na inilayo nya si VM kay trish
Lumapit naman si MJ para kunin si VM.Kasunod si Mikee na nag aalala.
"Bwisit na babae yan!Palibhasa adik kaya walang hiya kung umasta!_VM.
Napalingon ako kay VM.Adik si Trish?how come na nagustuhan sya ni ken kung ganung klaseng babae pala sya?Nakita ko din na pinapakalma ni Ken si Trish habang hysterical pa din dahil sa amin.
"Di mo na kasi dapat pinatulan.Hinayaan mo na lang._Mj
"Hahayaan?Muntik ng saktan si Kylie!Kundi lang umawat si Ken, paduduguin ko nguso nyan!_VM
"Hayaan mo na,VM kalma lang.Di naman ako nasaktan eh.Mabuti pa umuwi na lang tayo._ako
"Ang mabuti pa nga.Sabi naman sa inyo sa condo na lang tayo uminum eh!_Mikee
"Hindi.Dito lang tayo.Antayin natin si KEN.di natin sya iiwanan sa baliw na yan._VM.Hindi na kami nag salita.sabagay,di namin pwede iwan si Ken ng ganyan.
Maya maya lang.isang grupo ng kalalakihan ang pumasok sa loob at lumapit kila Ken at Trish.Napansin namin na hinihila ng lalaki si Trish pero pinipigilan naman ni Ken ung guy.
"Sinasabi ko na nga ba may something dito kay trish eh!_VM sabay tayo.
Maya maya pa,Pumagitna na din sila Ali at rhiene galing sa loob.
Saka kami din nagsilapitan na para umawat.
"Guys,wag kayo dito gumawa ng gulo.Igalang nyo naman tong bar ko.Trish anu ba?_Ally
"Fine!Sasama na ko,Ken..kila VM kana sumabay.ako na bahala dito._Trish
"Trish anu ba?Hindi ka sasama sa kanila..Ihahatid na kita._Ken
Napasulyap ako kay Ken,Ganun na lang ang pag aalala nya,sabagay gf nga naman nya un,natural na mag alala sya.
"Its okey Ken,ako na bahala.Trust me._Trish.sabay labas kasunod ung mga grupo ng mga lalaking kapapasok lang kanina.
...Tahimik lang si Ken habang nag iinuman kami.Sila ally at rhiene naman,bumalik na muna sa loob.Sabay sabay na daw kami umuwi kaya inantay na namin sila.
"Ken,anu ba nangyayari?Bakit may mga goons na nagsundo kay Trish?_MJ
"For sure supplier nya ng droga yun.Kita mo nga,bangang si Trish kanina._VM
"Verna anu ba?Umayos ka nga.Gf ni Ken si Trish,wag ka ngang ganyan._Mikee
"May gf bang ganun,kung sino sinong lalaki ang sinasamahan? Ewan ko ba sa gustong palabasin nyan si Ken,bakit nakikisama sa Trish na yun._VM
"Guys,sa bahay na tayo mag usap.Ken,ayos ka lang ba?_Ally.
Sa backdoor kami dumaan dahil sinara na ang front door.Napansin namin,wala ng tao sa bar.
"Ken,we need to tell them the truth.Mas okey ng malaman nila ang totoo para na din sa ikabubuti ng lahat._Rhiene
"Teka?totoo?anung kaguluhan to?May dapat ba kaming malaman?_MJ
...Andito kami sa bahay nila Ally.Malaki at halatang mamahalin ang mga kagamitan nila.May malaking piano din sa gilid tapos madaming Paintings na naka display.
"Ally!Kailangan pa ba nilang malaman lahat?_Ken
"Ken,wag mo ngang akuin lahat.Di ka SUPERHERO,tama na yung natulungan mo si Trish.Hindi na masama ung sinakripisyo mo para sa kaibigan._Ally.Napatingin si Ally at Rhiene sa akin.
"Whaat?You mean to say,hindi totoong gf ni Ken si Trish?_MJ
"Sinasabi ko na nga ba eh!hindi si Trish ang tipo ni Ken!_VM
"So,ang sinasabi mo Ally..Nagpanggap si Ken na nobyo ni Trish para tigilan na sya ng ex live in partner nyang hapon?_Mikee
"Yes.Pero nung malaman nung ex ni Trish na tomboy si Ken,Hindi sya naniwala.Drug Lord sa Japan ung hapon na ex ni Trish.Kaya nung umuwi dito si Trish pinasundan pa din sya._Ally
"Guys,Kaya ganun nalang ang pagtatakip ni Ken kay Trish kapag inaaway nyo sya.Pinasusubaybayan kasi sya nung hapon sa lahat ng puntahan nya._Rhiene
"Sa totoo lang,nakakapikon na din kasi tulungan si Trish.Ung kamalditahan nya sagad.She is into drugs pa din kasi.Tapos kapag nagkaka encounter kayo,totoo un.May gusto naman kasi talaga sya kay Ken.At selos na selos talaga sya kay KYLIE._Ally
"Adik nga kasi kaya ganun!Kung makaarte akala mo talaga jowa ni Ken,Un pala sya na tinutulungan sya pa tong nagmamaldita!_VM
"Isa pa yan.Kaya din di makawala si Ken kay Trish,kasi ayaw nyang pati kayo madamay._Ally
...Napatingin ako kay Ken.Tahimik lang sya,nakatingin sa malayo.Nakikinig lang.Alam ko,bilang kaibigan ginagawa nya un para mailayo sana sa masama si Trish,pero hindi ganun ang nangyari.
Matapos ang Isyu about kay Trish,Nagsipag uwian na kami lahat. Gaya ng dati,hinatid muna ako ni Ken tapos saka sya umuwi na sa kanila.Wala kaming imikan sa kotse.Awkward din kasi na after ng nangyari,parang lahat kami walang masabi.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon