SEVENTY SEVEN*KEN

3K 79 0
                                        

                     Pagkauwi ni Kylie mula sa Japan,Napagkasunduan naming magkakaibigan na bumalik ng Palawan... Sa El Nido.
Pinasyal kami nila Shiera at MK sa mga pinagmamalaki nilang lugar duon.May apatnapu't limang maliliit na Isla ang El Nido.
Nakamamangha ang naggagandahang Limestone cliff.Kung Rock diving kasi ang trip mo,Pwede kang sumakay ng mountain bike papunta ng forest trail.Nag eenjoy kami habang umaakyat,
Madami kasi kaming nadadaanang mga magagandang scenery habang namamasyal,mangroves,cave areas,rice field at coconut grooves.Kakaibang mountain biking experience talaga ang naranasan naming lahat.Tuwang tuwa kaming nakarating sa Cliff at walang sawang nagsipag kanya kanyang selfie.
"Ohh my!Ang ganda dito.Ang sarap mag dive pero ang taas nya sobra!_Mikee.
"Hon,sasabayan naman kita lets try this!_VM.
"Hahahaha.Grabe!Parang hihimatayin naman ako sa taas.
Ayokong i try!_Rhian.
"So pano yan,mag ba bike na naman tayo pabalik?_MJ
"Yup.Mas okey nga eh.Pag balik natin sa hotel pagod na pagod na tayo.hahaha_Kylie
"Sa want mag rock diving,pwede naman.Kasama naman natin sila kuya._Ako.May mga guide kasi kaming kasama at saka mga divers na naka alalay sa amin.
"I wanna try this guys!Minsan lang toh...Kita kita na lang tayo sa baba!_VM.
"Ako din Join ako!_MK. Inantay namin si Shiera kung sasama din sya pero mas pinili nyang mag bike ulit pabalik.
"Okey,Try ko na din.Andito na eh!Mukhang masaya toh!_MJ
"So pano yan,kami na lang ang bababa.Ingat guys.Kuya kayo na po ang bahala sa kanila ha.Paki ingatan lang po,kasi Iiyak tong mga kasama kong chiqs kapag may nangyari sa mga yan._Ako
Natatawa namang nagsi tanguan ang mga divers na kasama nila
"Hahahaha!Tama kuya,pakiingatan nalang sila please.
At saka Pwede bang mag car na lang pabalik.Im soo pagod na.
_Kylie
"Thanks guys,seeyah later!_VM tapos nag start na silang mag prepare para sa pag Cliff JUMPING nila. nila.Kami naman ay nagsimula ng magpedal pababa.

Tanghali na kami nakarating sa meeting place namin.May mga videos namang pinakita sila MJ sa amin habang nag cliff jumping sila.Nakaka wala naman ng pagod maka experience ng ganung klaseng adventure.Kundi ko lang kasama yung mga girls,malamang nagtry din ako.
"Guys,tomorrow na lang tayo mag underwater adventure ha,medyo napagod tayo sa pag akyat lahat eh._Ako
"Much better,sumakit yung mga hita ko.hahaha_Rhian.
"Babe naman kasi,ang bilis bilis mo magpatakbo ng bike,di naman to karera.Ayan tuloy._MJ
"Hahahaa.Hindi kasi ko sanay ng di mabilis na padyak.Pasensya naman!_Rhian.
"Anu kayang ulam ang hinanda ng nanay mo Shie?Medyo gutom na ko eh._MK.Nahumawak pa ng tyan nya
"Hahaha.Puro ka talaga pagkain MK.Ang dami kaya ng kinain mo kanina sa breakfast dun sa hotel nila ate Ken._Shiera
"Kanina pa yun.Lunch time na kaya!Tara na,mauna na tayo sa inyo para matulungan natin nanay mo sa paghahain._MK
"Mabuti pa nga.Mga ate,sunod na lang kayo ha,tatakbo na kami ni MK sa bahay para pag dating nyo kakain na lang tayo._Shiera
"Wag kayong mag madali,Okey lang naman sa amin mag antay.Kakahiya nga,nakaka abala kami sa inyo._Kylie.
"Wala yun ate,gustong gusto kaya ni nanay na may bumibisita sa bahay namin.Lalo kana Miss Kylie,Palage nyang sinasabi na gusto nya kayong ma meet ng personal._Shiera.
"Aba,naks naman Kylie akalain mo hindi kapa nami meet ni aling Shiela pero gusto kana agad?Lakas talaga ng kamandag mo eh!_VM
"Hahahaha!Ganun talaga kapag maganda!_MK
Napatingin naman sila lahat kay MK.Nagblush tuloy sya dahil alam kasi naming lahat na may crush sya kay Kylie.
"Mauuna na ako.Shiera,sunod kana lang ha._MK na namumula pang tumakbo papaunta sa bahay nila Shiera.Sumunod naman agad si Shiera sa kanya.
"Hahahah.Loko talaga kayo.Pulang pula tuloy si MK._Mikee
"Oo nga.Alam mo Kylie lakas din ng karisma mo sa mga lesbian talaga noh?Anu ba sekreto mo,share mo nga sa akin._VM
"Hahahaa.Wala!Di ko sasabihin,baka gayahin mo pa!Bilisan nyo na maglakad,kanina pa tayo inaantay ng nanay ni Shiera_Kylie
Nakatingin lang ako sa kanilang lahat.Iniisip ko kung anung mangyayari kung magkaharap na si Kylie at aling Shiela? Nung time kasi na pauwi na kami,sina MK at Shiera na lang ang naghatid sa amin.Kaya hindi nagkita sila Kylie at Aling Shiela.Ang sabi ni Shiera,sa picture lang nya nakita ang itsura ni Kylie nuon.Nag groupie kasi kami sa loob ng hospital nuon bago kami umalis.
"Ken!Anu ba,kanina pa ko nagtatanong sayo kung san mo nilagay yung shades ko!_MJ.Na kinalabit ako kaya bahagya akong nagulat
"Hah?Andyan sa gilid ng bag ni Rhian.Anu kaba,bakit ang sakit ng kamay mo mangalabit?_Ako
"Papano naman,para kang namatanda dyan,kanina kapa namin kinakausap di ka sumasagot.Anu bang iniisip mo dyan ha?_VM
"Iniisip?Wala naman ah!May naalala lang ako.Lets go na guys, bilisan na natin maglakad._Ako.Na nauna ng pumasok sa bahay nila aling Shiela.
Simple lang ang bahay nila.Sementado at may pintura.Malinis at maayos ang loob ng bahay.May picture na nakasabit sa wall nuong kabataan ni aling shiela.May korona at sash.Lahat tuloy kami napatingin sa larawan.
"Ohhh my!Look at that picture guys!Kamukha talaga sya ni Kylie!_Rhian
"Oo nga! Parang pinagbiyak na bunga ah!_MJ.
"Hahaha.Sira kayo talaga.Parang ang layo naman,mas maganda si aling Shiela oh._Kylie
"Magandang tanghali sa inyo.Pasensya na kayo at maliit lang itong bahay namin._Aling Shiela na lumabas buhat sa kusina.
"Ayos lang po yun tita,kami nga po ang nahihiya sa abala.Pasensya na po at maiingay kami._AKO.Nagbless ako sa kanya bilang pagbati.Nagsigayahan naman sila MJ at VM.
"Naku,anu bang maiingay.Hindi naman.At saka masaya kami at bumisita kayo sa amin,bihira lang kami magkabisita dito._Aling Shiela.
"Salamat po pala sa pag tulong nyo kay Ken nung naaksidente sya,kaya din po gusto naming bumalik dito para personal na magpasalamat sa inyo._Kylie.Kumamay sya dito.Para namang natigilan si Aling Shiela pagkakita kay Kylie.
"Walang anuman yun ha.Naku,napaka ganda mo nga pala.Tamang tama ang sabi nila MK,para kang manika sa ganda._Aling Shiela.
"Naku hindi naman po.Mas maganda nga po kayo sa akin.Nakita po namin yung picture nyo sa wall,beautyqueen pala kayo?_Kylie
"Ahh,yun ba.Matagal na yun.Ngayon,matanda na._Aling Shiela
"Naku hindi naman po.Maganda pa din kayo.Para nga kayong mag ina ni Kylie tita eh!_Mikee.Lahat naman sila nagtanguan.
Bahagya naman ako sumulyap sa kanilang dalawa.Nakatitig si Aling Shiela kay Kylie.Habang si Kylie naman,parang wala lang sa kanya.
"Naku,mamaya na ulit tayo magkwentuhan mga anak.Halina muna at kumain.Kanina pa nakahain sa mesa._Aling Shiela
Pumasok naman kami lahat sa kusina.Madaming iba't ibang klase ng seafoods at mga prutas na nakahain sa mesa.Akala mo naka isang handaan ka sa dami ng pagpipiliian mong putahe.
"Woooooh!Para namang Fiesta!Hahahaha.Grabe tita,sira ang diet namin nyan!Baka di na kami makapag two piece nyan!_VM
"Oo nga.Salamat tita ha.Di ka lang maganda,generous kapa!_Rhian
"Naku,magsikain na kayo.Wag kayong mahihiya.At saka hindi naman agad agad masisira ng diet nyo nyan.Madali lang maburn yan sa paglangoy nyo._Aling Shiela.
Ilang saglit pa,parang dinaanan ng bagyo ang mesa nila aling Shiela.Tawa naman sila ng tawa kay MJ na sumakit agad ang tyan dahil sa dami ng kinaing crab.Pabalik balik tuloy sya sa CR habang kami naman ay nagkukwentuhan sa balkonahe ng bahay.Inoobserbahan ko naman sila Kylie at Aling Shiela ng palihim.Hindi man aminin nung dalawa,May bahagi sa puso nila na may kakaibang pakiramdam.Lalo kapag na oobserbahan ko sila pareho na napapatingin sa isat isa ng palihim.
Alam ko,hindi na magtatagal...Malalaman din kung ano ba talaga ang kaugnayan nila Kylie at aling Shiela sa isat isa.Nararamdaman ko,hindi magiging ganun ka simple ang lahat.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon