Thirty six♥KYLIE

3.3K 91 1
                                    

Hindi naman talaga ako dapat maaapektuhan.Kundi lang talaga sa sinabi nung Charry na dapat ako din daw may jowang kasama sa BORACAY.So, feeling nya talaga magiging sila na ni Ken? Sarap nya tirisin sa totoo lang.Ang yabang pang ipagmalaki ung kumpanya daw ng taxi nila.Di nya ba kilala ang mga kaharap nya? Puro anak ng mga milyonaryo kami halos, pero di naman kami nagyayabang.tsssss!!!
Pinigilan ko nalang mapahikbi.Nanahimik na lang ako sa pandi dedma ni KEN.Grabeh na sya.samantalang sa ibang babae, kakakilala lang nya...super dikit na silang dalawa!

"Really Kylie? May boyfriend kana?_Mj
"Uu nga.di namin alam yun ah! Tatahi tahimik ka lang yun pala, may jowang tinatago.yiiieee!_VM
"Mukhang mag eenjoy tayong lahat sa bakasyon natin babe!_Rhian.
"Uu naman babe.ill make sure na mag eenjoy ka talaga.hehehehe__MJ
"Alam nyo ang mabuti pa, Kumain na tayo.Kanina pa malamig tong soup ko oh!_Ken
"Hahahha.Ken..May alam akong hugot dyan sa SOUP mo.Parang ikaw lang, Mabilis man lamig!_VM
"Awwwts! Ang mabuti pa,daanin natin sa inum yang mga hugot nyo guys.Mas okey pag nakainum.mas intense ang usapan._MJ
"Naku pasensya na kayo,baka di na ko makasama sa inuman session nyo ha.medyo malayo pa ang uuwian ko tapos im driving pa.Sa Bora nalang ako makikipag sabayan sa inyo._Charry
"Its okey Charry.Madami pa namang next time.Kami na muna bahala dito kay Ken._VM
"Okey,sige guys..salamat sa inyo.Nag enjoy ako._Charry.
"Ihahatid ko lang muna sa labas._Ken.Tapos nakita ko na inalalayan pa ni Ken palabas ung girl.Haaaaist!
"Ohhh,Parang may kayabangan si girl anoh?Di naman natin tinatanong ung taxi company nila,sukat ba namang ipagmalaki agad sa atin._Rhian
"Hahahaha.Babe,loka ka talaga!Hayaan na natin sya sa trip nya.
Anyways,Kylie...Nagpabook na kami ng flight,susunod na lang kami dun.Di ko na habol ung time mo eh..Nalate kami.hehehe.
_MJ
"Dont worry,akong bahala sa inyo pagdating nyo dun.Nag roundtrip ba kayo?_ako
"Hindi.Balak ko sana mag rent ng Private plane pauwi?_VM
"No need,ako na bahala sa lahat._ako
"Ohh,dont tell me may private plane kayo Kylie?_Rhian
"Yes babe,meron nga.hahahaha.Mas mayaman kasi si Kylie sa aming lahat._MJ
"Tama! at hindi lang yun ha,sya ang may ari ng KYSHA HOTEL sa BORACAY._Mikee
"Really?Naku grabeh,lahat ata kayo mayayaman.Parang bigla tuloy akomg nanliit._Rhian
"Dont worry Rhian,dalawa tayong nanliliit sa kanila._Ken.Na di namin namalayan,nakabalik na pala sa table namin
...Sumenyas naman si MJ sa bill,at pagtapos nyang mag swipe ng card nya,sabay sabay na kaming umalis sa resto.
At dahil isang VAN lang kami,magkatabi kami ni Ken sa bandang gitna.
"Alam nyo guys,Parang mas bagay si Ken at Kylie kesa dun sa Charry.Parang magkahawig kasi sila oh!_Rhian
"Naku,Madami na din nakapg sabi nyan..Bagay nga sila noh?_VM sabay apir kay Mikee.
"Guys,pakibaba na lang ako sa tabi.Anjan na ung driver ko nag aabang.See you na lang KYSHA HOTEL.Bye._ako.Tapos dire diretso akong pumasok na sa sasakyan ko.

Naka uwi na ako sa bahay,hindi ko pa din maisip kung sino ba ang pagpapanggapin kong boyfriend ko.Bakit naman kasi biglaan.
"Charlote,pakisabi naman kay Athena na hanapan ako ng gwapong Lesbian na pwede kong isama sa bora!_ako
"Gwapong lesbian?Are you sure about that?Anung meron?_Charlotte
"Basta wala ng maraming tanong.Sabihin mo na agad at kailangan ko agad ASAP.Hintayin ko agad ang tawag nya kamo._ako
"Okey boss! Tatawagan ko na agad si Athena._Charlotte.
Ilang saglit pa ay tinawagan kaagad ako ni Athena.Nagmamadali naman akong sumagot sa tawag nya.
"Hello madam!May nakuha na po ako,kaya lang medyo mahal po ang TF nya._Athena
"Mapagkakatiwalaan ba yang kinuha mo?_ako
"Yes madam!Actually,Model sya ng CK at Penshoppe.Ang alam ko,nakasama mo na sya before sa isang fashion show pero hindi mo naman sya nun pinapansin._Athena
"Okey,papuntahin mo bukas ng maaga sa opisina ko para makausap ko.At salamat na din ha_ako

Kinabukasan,Maaga pa lang ay pumasok na agad ako sa opisina para makausap ko ung lesbian na sinabi ni Athena sa akin.Sa totoo lang,feeling desperate na talaga ako sa ginagawa ko...May maipakita lang akong boyfriend kay Ken.Haaaist!Nakakainis naman kasi bakit kailangan pang may Charry na namang sisingit sa istorya?Di na ba ko mawawalan ng karibal kay Ken talaga?
Isang katok ang nagpatigil sa pagmumuni muni ko.Si Athena,
kasama ung Lesbian na ipapakilala nya sa akin. Pagpasok pa lang nung les,halata mo ng may angas.At dahil nga modelo,maganda sya magdala sa fitted skinny jeans nya at polo na nakatupi hanggang manggas.Para syang KPOP pumorma sa buhok nya.Uhmm not bad.Pero hindi ko pa din sya magugustuhan for sure.Simple lang kasi ang gusto ko...Ung hindi maaangas pumorma pero malakas pa din ang dating...well,parang si KEN lang.Ayan na naman ako diba,wala ng ibang nakikita kundi si KEN lang.haaaaist!
"Hello madam!Meet Yohan.Yohan,this is madam Kylie._Athena
"Nice meeting you miss Kylie.Sa wakas na meet din kita personaly._Yohan
"Nice meeting you too.Btw,Athena nasabi mo na ba sa kanya ang mga dapat nyang gawin?_ako
"Yes madam,alam na po nya ang rules and regulation._Athena
"Salamat.Sige,magkita na lang tayo bukas sa Resort.Anyways,i have to go na din may importante akong ka meeting bago ako umalis._ako.Ilang saglit pa ay umalis na din ung dalawa kaya naman sandali akong nag ayos at umalis na para dumaan sa boutique namin nila Mikee at VM.Sa totoo lang,Nagbabakasakali lang ako na baka makita ko duon si Ken bago ako umalis.Pakiramdam ko kasi,kahit susunod sila sa Boracay hindi ko din naman sya mgagawang pagmasdan lalo nat kasama nya si Charry.haaaist!
Pero walang Ken na nagpakita sa boutique kaya naman nagpasya akong dumaan sa school na pinapasukan nya.
Madaming essudyante na naglalabasan sa gate ng eskwelahan.
Uwian na kasi,at dahil bukas pa ang friday,bukas pa pwedeng umalis pa Bora sila Ken.Ako,mamaya lang palarga na ko sa Resort.Hindi naman ako nainip sa pag aantay kay Ken dahil maya maya lang lumabas na sya ng eskwelahan kasabay ng mga co teachers nya.Buti na lang,wala dito ung Charry.Kung hindi,malamang sira na naman ang maghapon ko.Obvious naman kasi na may gusto sya kay Ken,sabagay...Wala namang di magkaka gusto kay KEN sa sobrang bait nya at sympre bonus na yung kagwapuhan nya.Hanggang tingin na lang ako sa malayuan.Wala ng pag asa na bumalik pa kami sa dati.The more na pinipilit kong ilapit ang sarili ko sa kanya,The more na mas lumalayo sya.Sa totoo lang,nasasaktan ang ego ko...Pero dapat hindi ako magpahalatang apektado.Mas okey na kaming ganito,kesa ipilit ko ang sarili ko at masaktan ng masaktan hanggang sa tuluyan ng mamanhid ang puso ko.
Nang makasakay na sya ng jeep,saka ako bumalik na sa bahay ko at nagpasya ng bumyahe patungo ng Isla.Kung ano man ang mangyayari sa palabas bukas,bahala na si batman.


😉hello guys,sorry now lang nakapag UD.Sana magustuhan nyo ang istorya nila kylie at ken.thanks sa pagbabasa.

IM inlove with a LESBIAN (Lesbian Love) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon